"So, who called you? Don't tell me..."

I gulped. "Hindi ko rin alam, ang bilis ng tibok ng puso ko. Balik tayo. I need to get my heels."

Walang nagawa si Dave kung hindi bumalik. Napailing na lamang siya, as if may choice.

Hindi ako mapakali na hindi ko maintindihan. I forgot my heels, yes. Hindi ko alam kung bakit nawala sa isip ko 'yon. Inilagay ko yun sa paperbag at naipatong ko kanina sa sahig malapit sa main door.

Iyong kabog ng dibdib mo. I don't know what to think. Damn him for making my heart race. Walang kahirap hirap na nagagawa iyon ni Ludwig. Ganoon kalakas ang impact niya sa akin.

Nang makabalik ay bumaba agad ako. Patakbo akong lumapit sa main gate ng bahay nang bigla akong mapatigil dahil bumukas iyon at iniluwa si Ludwig na may hawak na paperbag—and yes, he still wearing bathrobe. Napaka-hot niya sa umaga. Ang sarap lang sana niyang titigan.

Kung hindi pa bumusina si Dave ay hindi ako kikilos dahil para akong tangang nakatingin lamang kay Ludwig.

Lumapit ako sa kaniya. Inabot niya ang paperbag.

"Thank you, Ludwig. And, and... sorry. Sorry talaga sa istorbo. Hindi na mauulit. I have to go." Dire diretso kong sabi. "Bye!"

Mabilis akong tumakbo pabalik ng sasakyan saka agad na sumakay.

"Ikaw na gaga ka, inuna pa ang paglalaway!" Sabi ni bakla.

Inirapan ko siya. "Really. E tingnan mo nga 'yang lalaki na 'yan, tingin mo hindi ako mapapatitig sa gwapo niyan? Asawa ko na dapat 'yan ngayon." Sabi ko sabay nguso sa di kalayuan kung nasaan si Ludwig.

Nang maiikot ni Dave ang sasakyan ay naging smooth na ang pagda-drive niya.

"Oo asawa mo na dapat kaso..."

"Nawalang parang bula." Dugtong ko. "Grabe 'yong pagsisisi ko, bakla."

"I know." He answered. "Mahal na mahal mo e."

"Sobra." Sagot ko. "At never iyon nabawasan kahit ang tagal naming nagkalayo."

"Pero girl, wala ka bang balak na ipaalam sa kanya ang reason mo? I think ready naman siyang makinig.  Mabait naman siya. Kita mo nga inabot sa 'yo ang heels mo. Tinawagan ka pa. So thoughtful."

"Gaga, sa heels 'yon. Ibang usapan 'yong past naming dalawa."

He took a deep breath. "You know what? Huwag nyong sayangin 'yong mga oras na dapat ay maayos na kayo. Are you going to live your life like that? Okay na sa 'yo ang ganyang set up niyo? Like you two are living in the same roof, my gosh ha, tapos walang pansinan! Sa halip na you're doing nasty things with him like sex on the floor, sa kitchen and more!"

"Alam mo?" I said and arched my eyebrow. "Damn your mouth."

Tumawa na lamang si Dave.

"But kidding aside, stop wasting your time doing nothing, Russia. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Huwag kang papayag na hanggang ganyan nalang kayo."

"I know my limitation but yes, I don't know. Basta ang mahalaga, kuntento na ako na magkasama kami sa bahay. Seeing him is enough for me."

"Love is just fucked up." He commented.

Hindi na ako sumagot. Yup, kung sa ibang tao, iisipin talaga nila na nagsasayang lang ako ng oras sa ginagawa ko. But what can I do? Hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Wala akong karapatang magdemand kay Ludwig dahil matagal na kaming tapos at ramdam kong wala na siyang balak pang makipag-ayos sa akin. He's enjoying his life with his friends and with his girls. Ang makitang masaya siya ay sapat na sa akin.

Casanova's Club #4: Beautiful BastardDonde viven las historias. Descúbrelo ahora