Hindi
Hindi ko alam
Hindi ko alam kung bakit pa ikawAtensyon ko'y iyong napukaw
Bagama't madilim, mayroong ilaw
'Ni isang salita ay walang pumapasok sa aking kaisipan
Kundi ikaw lamang, walang sagot sa aking katanunganSimula't sapul, napakaraming bulalakaw
Kasabay ng ating pagtiyempo sa pagsasayaw
Na tila sabik sa susunod na galaw kung paano tayo magkikita
'Di mapakali, pumapalag sa mga nangungusap mong mga mataAno pa nga ba ang aking magagawa, 'o ginoo?
Ako'y tila nahuhulog na, te'ka lang, ako na nga ba ay nahuhulog na sa'yo?
Maililihim pa nga ba? Hindi, bakit may sikreto ba akong maitatago?
Oo, hindi ko maintindihan ang ligalig ng aking isip at pusoBalik-tanaw sa rehas ng aking takipsilim,
'Di ko namalayang nasa isip ko'y ikaw
Bagama't bagyo't unos ang iyong hatid,
Hangad ko pa rin na mapabuti ka sa araw-araw
YOU ARE READING
Her Sulyap ng Pahimakas Speaks
Poetry2001 Kalye Malikhain Lungsod Ng Marupok Oktubre 11, 2023 Mahal kong Kababayan, Isang mapagpalang-araw sa inyong lahat, narito po akong muli sa aking ikalawang libro na naglalaman ng mga kabanatang tiyak na di napigilan ng aking damdaming maisulat. N...