CHAPTER 12

77 5 0
                                    

Doon ko napagtanto na kaya pala kami nag bakasyon dahil 8 months silang nagti-training sa Taekwondo at kailangan nila ng 15 days bago isabak sa Summer Olympic International Federations, The Sport Of taekwondo.

Aakmang tatayo yung nakahood pero tumakbo si aimie at sinipa niya ulit yung nakahood, dahilan para mahiga sa lupa. Kasabay nun ay nabitawan niya yung kutsílyo.

Nang makita ni aimie yung kutsíly0 ay dali dali niyang kinuha tsaka agad na nagpunta kay aling belen at doon ay tinutok niya ang kutsíly0.

"Wag!!.." sigaw ni mark.

"Wag aimie!! Hindi ka mamamat4y tao!!." Sabi ni mark.

Tumingin si aimie kay mark at nagsalita.

"Sino ba kayo!! Bakit nyo kami ginawang pang alay!!... Tsaka akala ko ba mark magkaibigan tayo!?" Tanong ni aimie.

Dahan dahang lumapit si mark kay aimie na nakataas ang kamay at sumagot.

"Sorry aimie, napansin ko kasing sinundan kayo ni rosalinsda sa bus. Kaya natatakot ako baka humingi siya ng tulong.." ika pa niya.

Sumagot naman si aimie.

"Noong una, tinakot niya kami na papat4yin niya kami!! Pero ang totoong rason pala nun ay para pigilan niya kami na pumunta sa bukid, dahil alam niya ang gagawin ninyo samin!!." Sigaw ni aimie at dito nga ay nagsalita pa siya.

"Pangalawa, noong hindi niya kami napigilan ay hininto na niya ang pananakot at humingi nalang ng tulong samin." Sabi pa ni aimie.

Agad namang sumagot si mark.

"Wag kang maniwala sa kanya aimie!! Nakalimutan mo na ba? Diba inaatake ka niya doon sa gubat pagkatapos mong umihi?" Tanong ni mark.

Sinagot naman yun ni aimie.

"Mali ka! Dahil hindi ako ang inaatake niya! Kundi ikaw!! Dahil noong nakita ko sya doon sa gubat ay nakatitig lang siya sakin, pero noong nakita ka niya na sana likod ko ay agad siyang nagulat at aakmang lalapit sakin para balaan niya ako pero huli na ang lahat. Nahampas mo na ako sa ulo!" Sabi niya.

Agad na nagulat si mark...

"Paano mo nalaman ang lahat ng yan?" Tanong niya.

Huminga naman ng malalim si aimie at kwento...

*FLASHBACK*

*AIMIE's POV.*

Nang magising ako ay napansin ko nalang na nakahiga ako at nakatali, tumingin tingin ako sa paligid at parang nasa tuktok ako ng bundok.

Tsaka ang nakakapagtaka, sino kaya yung humamapas sakin?

Tsaka bakit ako lang ang mag isa dito?

Sinubukan kong kumawala pero di ako makaalis dahil sa tali, hanggang sa naisip kong ikuskus ang lubid sa bato.

Nang nakawala na ako sa tali ay aakmang pakakawalan ko sana yung paa ko sa kakatali nang biglang dumating si mark na dala niya si kelly.

Dahil dun ay nagkunwari akong walang malay at nahiga, tumingin ako sa kanila at dito nga ay nakita kong tinalian ni mark ang mga paa at kamay ni kelly.

Doon ko napagtanto na hindi ko nalang tatanggalin yung tali pero luluwagan.

Pagkatapos niyang itali si kelly ay hiniga niya sa lamesang nabuo dahil sa bato.

Pagkatapos nun ay agad siyang umalis.

Dahil dun ay napag isip isip kong may kinalaman si mark sa pagkakamat4y ni rosalinda, aakmang tatayo na sana ako nang biglang lumitaw si rosalinda sa harap ko na hindi nakakatakot ang hitsura.

"Pakiusap, wag kang matakot " sabi niya.

Hinimas ko ang mga mata ko baka namalik mata lang ako pero hindi.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

Samagot naman siya agad.

"Noong una, tinakot ko kayo na papat4yin para lang hindi kayo magpatuloy sa pag punta dito. Kaso hindi kayo nagpapigil kaya wala na akong magawa." Ika pa niya at nagsalita pa.

"Since pupunta naman kayo dito ay alam kong gagawin kayong alay nila sa kanilang sinasamba. Kaya gusto kong makipagtulungan sa inyo kapalit ng hustisya na nararapat para sakin." Pag kekwento pa ni rosalinda.

"Anong hustisya ba ang gusto mo?" Tanong ko.

Napansin kong ngumiti siya nang tinanong ko ang kagustuhan niya.

"Simple lang, kailangan nilang pagbayaran sa batas ang ginawa nila sakin. Mas maganda magparusa ang batas, dahil hindi nila papat4yin ang may sala. Bagkus ay pinapahirapan nila sa kulungan hanggang sa pagtanda." Sabi niya.

Well, may sense naman ang sinasabi niya. Tsaka múrdér ang ginawa nila kay rosalinda. Its either penalty déàth ang parusa or habang buhay na pagkakakulong sa bilangguan.

"So, ipapakulong namin sila mark?" Tanong ko.

Umuling lang siya at sumagot.

"Hindi, hindi lang sila mark at ang pamilya niya. Marami silang membro. Tsaka yung mga nakasabit na kalansay sa bahay ni belen ay mga buto ng mga kasamahan ko." Sabi niya.

Nagulat sa huli niyang sinabi, tama nga ang kutob ko. Hindi nga yun basta kalansay lang na naging buto dahil lang sa katagalan, kundi naging kalansay yun dahil binalat4n nila ang kataw4n.

"Tsaka noong kanina, napansin mong  sinugod kita diba?" Tanong niya.

Tumango ako at tumingin sa kanya.

"Wala akong intensyon sayo, nakita ko kasi si mark na nasa likod mo at aakmang hahampasin ka kaya ako sumugod. Pero hindi ako nakahabol." Sabi pa niya.

Napakadami kong tanong, pero biglang naglaho si rosalinda dahil bumalik si mark dito sa bundok na dala dala ang katawan ni kerby.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni rosalinda ay doon ko napagtanto na napakasama pala ng pamilya ni mark.

Agad akong naghanda, nakawala na sa pagkakatali ang kamay ko, niluwagan ko na rin ang tali sa paa ko para incase na may mangyare ay makakakilos ako agad.

Tsaka im sure na hindi mauuto agad si claire, dahil napakatalino ng babaeng yun.

*END OF FLASHBACK*

To Be Continue...

MALIK MATAWhere stories live. Discover now