ALAMAT NG HIKAW

60 0 0
                                    

Noon sa nayon ng San Juan, may binatang nagngangalang Hiro. Si Hiro ay isang makisig at masipag na binata, siya ang nagmimina ng ginto at pilak. Isang araw habang naglalakad patungo sa minahan si Hiro, may nakita siyang magandang dalagitang nagngangalang kaweria.

"Kay gandang binibini, ano kaya ang kanyang pangalan? " kuryosung bulong ni Hiro sa kanyang sarili. May isang matanda palang nakarinig sa bulong ni Hiro. "Ang pangalan niya ay kaweria ijo, tama ka nga, si kaweria ay maganda at ito rin ay mabait. Madami ng mabighani sa kanyang kagandahan ijo. Ikaw ba'y nabibighani rin sa kagandahan nang dalagita? " tanong ng matandang lalaki.

"Opo manong, hindi ko maiwasang hindi mabighani sa binibini. Kaweria pala ang kanyang pangalan, kayganda bagay ang kanyang pangalan sa kanyang pisikal na anyo." Sabi ni Hiro na may paghanga.

"Tama ka ijo, ngunit ikaw ay magiingat dahil ang ama ni kaweria ay ang mayor ng ating nayon. Kilala ko ang mayor, strikto ito at kahit ikaw ay kanyang magustuhan o hindi marami kapa ring karibal sa dalagita ijo." Ngunit hindi pinansin ni Hiro ang babala ng matandang lalaki at tumingin lang sa dalagita.

Tumingin ang dalagita sa kung saan nakatayo si Hiro at nagtanong. "Magandang umaga maari ko bang malaman ang inyong pangalan?" Tanong ng dalagita.

"Ako po si Hiro binibini, maari ko bang malaman kung ano ang inyong nais? " tanong ni Hiro na may halong kuryosidad sa kanyang boses.

"Nalaman ko sa mga tao na alam mo kung saan makikita ang hardin na puno ng bulaklak sa may kagubatan, pwede mo ba akong samahan papunta roon? "

"Oo naman binibini, aking ikinagagalak na masamahan kitang pumunta sa paborito kong lugar sa kagubatan. "

Nangmakarating kami sa hardin, bumungad kai Hiro ang matamis na ngiti ng dalagita, hindi mapigilan ni hirong hindi mahulog ang loob sa dalagitang nasa kanyang harapan. Matapos ang araw na iyon naging malapit si Hiro at kaweria sa isa't-isa at hindi na mapigilang hindi mahulog ang loob sa isa't-isa. Nagkatuluyan ang dalawa ng hindi nalalaman ng ama ng dalagita.

Dumating na ang araw na kinatatakutan ng dalawa. Nalaman ng ama ni kaweria ang relasyon sa binatilyong minero at ikinulong si kaweria nang kanyang ama sa kaniyang kwarto at hindi pinapayagang makipag-kita sa kanyang kasintahan. Naging malungkot ang dalawang magkasintahan, ngunit ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig sa isa't-isa.

Nakita naman ng ama ni kaweria ang pagiging desidido ni Hiro kaya't tanggap na nang ama ni kaweria ang relasyon ng kanyang anak at ng binatilyo. Masayang-masaya ang dalawang magkasintahan dahil tanggap na sila ng ama ni kaweria. Ngunit ang kasiyahan na iyon ay panandalian lang pala. Walang alam si Hiro at kaweria na may baliw na nagkakagusto sa dalagita...

Malapit na ang kaarawan ni kaweria at gusto ni Hiro na bigyan ang kasintahan na bukod tanging gamit na kailanman ay hindi pa na iimbento. Naisip ni Hiro na gumawa ng isang bagay na kumikinang at nilalagay sa tainga. Dali-daling kinuha ni Hiro ang mga naipon nyang ginto at pilak at ginawa ang isang bagay na hindi pa kailanman na imbento.

Dumating ang kaarawan ng dalaga at natapos nang nagawa ni Hiro ang kanyang idea, at ito ay napagkagandang bagay na kanyang nagawa. Nakipagkita si Hiro kai kaweria sa paborito nilang lugar, at yun ay ang hardin na punong-puno ng magagandang bulaklak.

"Kaweria, may ibibigay ako saiyong regalo dahil kaarawan mo ngayon. Ako mismo gumawa nito para sa iyo, Dahil gusto kong magbigay sa iyo ng regalo na ikaw pa ang unang taong gagamit ng bagay na iyon."
Kinuha ni kaweria ang hawak² ni Hiro na nakabalot sa dahon. "Kayganda nito aking mahal, iingatan ko ito! " galak na sabi ng dalagita at nagyakapan ang magkasintahan.

Habang nag yayakapan sila, hindi alam ng magkasintahan na may nanunuod pala sa kanila at yun ay ang nagkakagusto rin kai kaweria. Nanunuod ito nang may inggit at sakim sa mata, may matalim itong dala². "Akin lang si kaweria" bulong niya sa kanyang sarili at inatake ang binata, ngunit napansin ng dalaga ang baliw na lalaki at imbis na si Hiro ang masaksak, kabaliktaran ang pa ang nangyari. Ang dalagita ang nasaksak kaysa sa binatilyo dahil sa kagustuhang ma protektahan ang kanyang kasintahan. Nagulat ang baliw na lalaki at nabitawan ang matalim na bagay na sumaksak sa dalaga. "Hindi! Kaweria, hindi dapat ikaw ang aking sasaktan! " may hinagpis na sabi ng baliw na lalaki at tumingin kai Hiro na may galit sa kanyang mga mata. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit si kaweria ang aking nasaktan! " sinugod ng baliw na lalaki ang binata at sinaksak niya rin ito.

Nangmatauhan ang ang lalaki ay tumakbo ito para makatakas. Habang ang dalawang magkasintahan naman ay magkahawak ang mga kamay habang hawak-hawak ang bagay na kanilang pinahahalagahan, at ito rin ang naging simbolo ng kanilang pagmamahalan.

Sabi ng mga tao sa nayon ang bagay na iyong ay pinangalan sa pinagsamang pangalan ng dalawang magkasintahan at ang pangalan ng bagay na iyon ay HIKAW. Ang hikaw ay nagsisimbolo ng pagmamahalan at katapangan na pinakita nina Hiro at kaweria.

Naway magustuhan niyo ang aking munting kwento, SALAMAT!

-CYRAH PAULEEN TABLANDO

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALAMAT NG HIKAWWhere stories live. Discover now