KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA

ابدأ من البداية
                                    

            Ang mga aswang naman ay hindi nagpahuli. Lumilipad-lipad sila sa kalawakan, at nag-iiiba sila ng anyo. Nagsasayaw sa kalawakan. At ang pinakahuli nilang ginagawa ay ang paulit-ulit na paglikha—isinusulat ang pangalan ni Moymoy sa kalangitan pamamagitan ng kanilang mga katawan sa iba-ibang anyo.

            "Sobrang sikat ka naman, anak," bulong na muli si Tracy.

            Ngingitian ni Moymoy si Tracy.

            Pagkatapos ng maraming paligsahan ng mga tibaro sa kalawakan ay tumayo si Wayan at nag-anunsiyo. "Maraming salamat sa pagdating ninyong lahat! Ituloy lamang ang saya sa pagdating na muli ni Moymoy!"

            Naghiyawan ang mga tibaro.

            "Gusto ko ring makilala ninyo ang nakilala niyang ina sa buntawi—ang nag-aruga sa kanya sa Amalao, walang iba kundi si Tracy!"

            Pumalakpak na muli ang lahat ng mga tibaro. Ang lahat ay nagkanya-kanya ng pagpapaligsahan sa pagpapalit ng anyo at paghati ng mga katawan. Ang iba'y nagliparan. Ang iba'y nanatili sa lupa. Habang nagdiriwang ay walang humpay ang pagkain ng lahat ng mga tibaro na nasa mahabang mesa at pag-inom ng alak sa malalaking bariles na nasa paligid. Nagkakantahan ang lahat sa saliw ng mga musika na nanggagaling sa malalaking tambol. Sari-saring anyo ng mga tibaro ang makikita sa plaza. Hindi lamang  mga aswang at manananggal ang naroon kundi pati mga duwende, nuno, tikbalang, kapre at kung ano-ano pang nilalang na may iba't-ibang anyo gaya ng mga tibarong iisa lang ang mga mata, tatlo ang ulo, may mga tibaro na kundi ibon ang ulo nito'y kakaiba ang hitsura na noon lamang nakita gaya ng iba na kamay ang ginagamit sa paglalakad—nakabaligtad ang katawan.

            Masayang-masaya ang buong Malasaimbo—walang kapagurang saya ang nararamdaman ng bawat tibaro nang gabing iyon. Inisiip nila na si Moymy ay isang importanteng tibaro na siyang babawi ng sumpa. Si Moymoy ang magdadala sa kanilang pangarap na manumbalik na muli ang kanilang dating magagandang anyo at makabalik sa Sibol Encantada.

Samantala, sa isla ng Dalumdum, nasa kuwarto si Alangkaw, pinagmamasdan mula sa bintana ang kinaroronan ng Malasimbo. Sa pasamano ay kausap niya ang isang uwak sa salitang tibaro.

            Maingay ang buong Malasimbo. Ipinagdiriwang ang pagdating ni Moymoy.

            Hindi kumibo si Alangkaw sa ibinalita ng uwak. Tinapunan na muli ng tingin ang Malasimbo. Sa kalayuan ay nakikita niya ang miminsang pagkislap ng kalaingatan na nanggagaling sa plaza at naririnig ang hiyawan sa selebrasyon sa pagdating na iyon ni Moymoy.

            "Hayaan mo sila."

            Ang boses ay nanggagaling kay Ima. Nilapitan niya si Alangkaw at hinawakan ang balikat.

            Humarap si Alangkaw kay Ima, tinalikuran niya ang uwak.

            "Bakit nila sinasabing si Moymoy ang kanilang bayani at makapagbabawi ng sumpa, e wala namang nalalaman iyon. Laking Amalao lang 'yon. Mas magaling ka sa kanya," sabi ni Ima.

            "May diwani si Moymoy," malungkot na sagot ni Alangkaw.

            "Iyon ang pinagmamayabang ni Wayan. Interesado siya sa diwani ni Moymoy. Gusto niya maglaban kayo, pag natalo ka ni Moymoy, kay Wayan ang Dalumdum. Kaya huwag na huwag kang papayag na mapunta sa kanya ang Dalumdum ha, anak? Kaya kailangang mabuhay si Buhawan para maging kompleto tayo."

            Marahang tumingala si Alangkaw kay Ima. "Talaga bang nanay kita? Talaga bang anak mo 'ko?"

            "Oo naman, hindi ba, ipinaliwanag ko na sa iyo?" Marahan ay niyakap niya sa ulo si Alangkaw

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن