Syrhell POV
Nagising ako dahil sa mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko sa labas.
Hindi ko namalayang nakatulogan ko na naman ang pag iyak.
Nandito pa rin ako sa mansyon.
"Syrhell ,anak ,nakahain na ang hapunan sa baba. Hinihintay ka na nila." rinig kong tawag sakin ni nanay Norma.
Hinihintay ?seriously ? Hindi na ba sila makakain kapag wala ako ?Alam ko namang mas ganado sila kapag wala ako.
Pero dahil hindi naman ako masamang anak ,baba ako para masira ang masaya sana nilang hapunan :>
"Susunod na ko 'nay !" sigaw ko.
Tumayo na ako sa pagkakahiga at sinipat ang sarili sa harap ng malaking salamin para tignan kung okay lang ba ang hitsura ko ,given naman na maganda ako pero gusto ko pa din nakita ang sarili ko.
Hindi ko pa nararating ang dining pero rinig ko na ang masiglang boses ng step sister ko na nagkukwento.
"Grabe nga po si katheen kung kiligin ..nginitian lang naman siya ng crush niya pero feeling naman niya nag 'i love you' yung tao sakanya. Makahampas sa katabi wagas !" natatawang kwento niya.
So highschool. Claire is just 16. A senior highshool student sa isang pribadong paaralan na exclusive para lang sa mga babae.
Nakangiti lang na nakikinig sakanya ang mama niya at si dad.
"Anong ginawa ng katabi niya ?" tanong ni dad.
Tch !
"Hinampas po !"
Nagtawanan sila sa sagot nito.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Ilang minuto na akong nakatayo malapit sa kanila pero wala man lang nakapansin kahit na sino sa kanila.
Ganun talaga siguro kapag hindi ka mahalaga dahil kahit nasa malapit ka lang naman hindi ka pa rin napapansin kasi wala sayo ang atensyon.
Lumingon silang tatlo sa direksyon ko.
"Ate nandyan ka na pala. Kain na tayo."
Pinangliitan ko siya ng mata.
"Hindi ka ba nasabihan na pwesto ko yang inuupuan mo ?"
"Sorry ate --"
"Hindi kita kapatid." hindi ko na pinatapos ang anumang sasabihin niya. Hindi naman importante.
Nakayuko syang umalis doon at lumipat sa katabing upuan ng mama niya.
Seryosong nakatingin sakin si dad.
"Stop acting like a child ,Syrhell." matamang sabi niya sakin.
"I'm not. May mali ba sa sinabi ko ? Parang wala naman. Akin ang pwesto na to kahit noon pa. Walang gumagamit nito bukod sakin. Isa pa the last time I checked isa kang ang kapatid ko. Her name is Shirley not Claire." tinignan ko silang tatlo nang walang umimik ay nagpatuloy ako. "Ano yun porket may anak-anakan ka na biglang hindi na akin to ? Bakit hindi mo nalang kasi sabihin na ayaw mo na ako dito sa mansyon MO para naman hindi na mahirapan ang PAMILYA mo na pakisamahan ako."
"Respect me. I'm still your father." mariin niyang tugon pagkatapos kong magsalita.
I just gave them a surprise expression para mas lalo silang mainis.
"Your myfather ?" then i pause for seconds. "Sorry DAD I forgot but dont worry tatandaan ko next time."
Pinasadahan ko sila ng tingin sa huling pagkakataon. "Nawalan na ako ng ganang kumain. Opss ,wala naman pala talaga akong gana kapag kayo ang kasabay ko. Eatwell guys !Enjoy your foods."
