S I R E N A

6 1 0
                                    

Mula nang mamatay dahil sa sakit na kanser ang nobya ng lalaking si Ermes ay madalas na itong nakatambay sa dalampasigan. Malapit din kasi iyon sa kanilang bahay. Kung lalakarin ay halos isang minutong lakaran lamang.

Ang dalampasigan na iyon ay nagsilbing sentro ng alaala ng binata tungkol sa kanyang dating nobya. Madalas kasi noon na kasama ni Ermes ang dalaga para panoorin ang pag lubog ng araw.

Sa araw araw na pag tambay ni Ermes sa dalampasigan ay napansin na ng mga tao ang kanyang pagbabago. Isa na si Toto ang nakakapuna sa malaking pagbabago ng kanyang kuya Ermes.

Si Toto ang nag silbing taga alaga ng lalaki dahil madalas na wala ang kanilang mga magulang. Nag aasikaso kasi ang mga iyon ng kanilang resort.

Isang gabi habang tahimik na ang paligid ay lumabas si Toto. Hinahanap niya ang kanyang kuya ngunit hindi niya iyon makita sa dalampasigan.

Nag aalala na ang lalaki dahil iyon ang unang pagkakataon na hindi niya inabutan ang lalaki doon.

"Mang Juan, napansin niyo po ba si Kuya Ermes dito?" Tanong ni Toto sa matanda na siyang naglilinis ng mga naiwang kalat sa buhanginan.

"Ay hindi iho, kanina pa ako dito palakad lakas pero hindi ko napansin ang kuya Ermes mo," sagot ng matanda.

Napakamot na lamang sa ulo si Toto.

"Saan naman kaya nag punta iyon, hay, kainis, sige po, maraming salamat!" Nag lakad na siya at nag patuloy sa pag lalakad.

Hindi siya nakuntento at nakarating na siya sa pinaka dulo ng dalampasigan. Iyon ang parte na hindi na napupuntahan ng mga tao. Kahit ang mga mangingisda ay iniiwasan ang lugar na iyon dahil sa mga kababalaghan na nangyari doon sa nakalipas na taon.

Madilim na at malamig ang simoy ng hangin. Napapahaplos pa si Toto sa sariling braso habang nag lalakad. Napatigil siya nang mapansin ang isang kweba. Namangha siya dahil sa buong buhay niya, iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng kweba. Isa pa, wala naman siyang naririnig na kwento tungkol sa pagkakaroon ng kweba sa kanilang isla. Napailing na lang siya.

"Kuya Ermes?" tawag niya ngunit walang tumutugon sa kanya.

Dinukot niya ang kanyang cell phone at binuksan ang flash light. Noong mga sandaling iyon ay may kakaibang nararamdaman ang binata. Para bang may humihila sa kanya at nag sasabing pumunta sa kweba. Hindi na niya napigilan ang sarili.

Nag lakad siya papunta sa kweba. Pag tutok niya ng ilaw sa bukana ng kweba, nakita. Iya agad ang kanyang kuya Ermes. Wala nang malay at nakadapa lamang sa lapag.

"Kuya Ermes!" sigaw ng binata.

Hindi malaman ni Toto ang kanyang gagawin. Hindi niya rin kasi kayang buhatin si Ermes dahil malaking tao ang lalaki. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang mga magulang, ngunit walang signal sa parteng iyon.

Sandali niyang iniwan ang kanyang kapatid. Tumakbo siya pabalik, maswerte namang may nakita siyang dalawang bangkero.

"Mga Kuya, pakiusap! Tulungan niyo ako! Yung kuya ko walang malay kong natagpuan! Please, sumunod kayo sa akin!"

Sumama ang dalawang bangkero, nag aalangan pa nga ang dalawang iyon nang malaman kung saan sila pupunta. Pag dating nila sa kweba ay agad nilang pinag tulungang buhatin si Ermes. Mabuti na lamang ay malakas ang pangangatawan ng dalawang bangkero kung kaya't mabilis nilang nailayo ang binata doon.

Inilapag ng dalawang bangkero ang lalaking si Ermes sa dalampasigan. Sinuri ng dalawa ang paghinga ng binata.

"Humihinga pa ang kuya mo, pero ano ba ang nangyari dito?" Tanong ng isang bangkero na may kapayatan.

Guni-Guni Onde histórias criam vida. Descubra agora