"Ikaw lang naman ang natatakot sa kanya. At kung natatakot ka pala bakit pabalik balik ka pa dito?" Makahulugang tanong ko.

Ewan ko ba naman dito sa kaibigan ko. Marami namang kainan sa labas ng building ng kumpanya nya. May mga high end restaurants pa. Pero dito talaga sya kumakain sa eatery ni Crizel na halos trenta minuto ang byahe mula sa kumpanya nya sa Taguig.

Ngumisi sya. "Masarap ang pagkain dito eh saka mura pa."

"At kelan ka pa nagtipid?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Kumain ka na nga lang."

"Hindi ako kakain. Kukunin ko lang ang order ni Jolene na palabok."

"Eh di kunin mo na bago pa lumamig yun."  Aniya at sunod sunod ng sumubo ng sahog na kikiam.

Tinapik ko sya sa balikat. "Hinay hinay sa pagsubo pare baka mabulunan ka sa kikiam ni Crizel."

Naubo sya sa sinabi ko. "Gagu." Nakangising sabi nya at tumayo para kumuha ng tubig.

Iniwanan ko na sya at lumapit na sa counter.

"Ay good afternoon po Ser Atlas." Magiliw na bati sa akin ng maliit na babae na medyo kayumanggi. Ngiting ngiti pa sya at titig na titig sa akin. Natatawa na lang ako. Hindi nya yata kasama ngayon ang isang binabaeng tauhan din.

"Good afternoon. Kukunin ko na ang order na palabok ng asawa ko."

"Ay wait lang po, kukunin ko lang po sa kusina." Agad namang tumalima ang babae at pumasok sa kusina.

Hindi naman nagtagal ay lumabas din sya bitbit ang bilao na may takip ng foil at tali ng straw. Kasunod nya si Crizel na nagpupunas ng kamay sa hawak na basahang malinis. Sya rin ang cook dito sa eatery nya.

"Kararating mo lang?" Tanong ni Crizel.

Ngumisi ako. "Tama lang na nasaksihan ko pa ang bardagulan nyo ni Kester."

Umikot ang mata nya. "Ewan ko ba dyan sa kaibigan mo. Ang lakas ng amats. Parang nakainom ng panis na gatas noong baby pa. O dinamihan ko na ang toppings nyan. Lalo na yung chicharon na galing Bulacan pa. Siguradong maglalaway nyan si Jolene."

"Salamat." Inabot ko na ang bayad.

Nagkakilala na sila ni Jolene noong nagcrave ang asawa ko ng palabok at dito ko sya dinala. Nagustuhan nya ang palabok kaya palagi na kaming bumibili o kaya umo-order dito. Naging magkaibigan na rin sila ni Crizel at naimbitahan pa sa kasal namin.

"Hindi pa ba nanganganak si Jolene?"

"Hindi pa. Pero malapit na. Kabuwanan na nya ngayon pero nagkicrave pa rin sa palabok."

Tumango tango sya at ngumisi. "Masarap naman talaga ang palabok ko. Kahit hindi nagkicrave babalik balikan talaga yan. Kita mo naman ang mga customer ko."

Ngumisi ako. "Yeah I know, kahit nga si Kester balik ng balik dito eh. Sarap na sarap sa mga putahe mo."

Umingos sya. "Gago lang talaga yang kaibigan mo. Kakain lang dito para mambwisit. Huwag lang nya akong pipikunin dahil sa susunod lalagyan ko ng bubog ang pagkain nya." Mahinang sabi nya.

Tumawa lang ako. Tiningnan ko ang kaibigan na abala na sa pagkain.

"Sige ikaw na ang bahala sa kanya Crizel, mauna na ko."

"Hmp! Pakialam ko dyan. Sige na, pakamusta na lang ako sa asawa mo. Pasensya na kamo hindi masyadong nakakapag reply sa chat. Busy lang."

"Ok, no problem."

Binitbit ko na ang bilao ng palabok. Tinapik ko sa braso si Kester ng madaanan ko.

"Mauna na ko pare, pagbutihan mo yang ginagawa mo." Nakangising turan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now