CHAPTER 39 : MASK

Start from the beginning
                                    


"Do you know the reason why I hate you? Sinayang mo ang relasyon na gusto kong mangyari sa akin. Sinaktan mo yung taong iniwasan ko para lang maging tahimik ulit kayo." Mariin niyang sabi na nakapagpikit sa akin. Napahikbi ako. Wala akong masabi pabalik. Akala ko ay nakaipon ako ng sapat na tapang para maharap siya ngunit hindi man lang ako makaganti. Ni isang masakit na salitang pambwelta ay hindi ko mabigkas.


Patuya muli siyang tumawa. "Gusto ko sana siyang ibalik sayo, eh. Kasi alam ko naman na sa ating dalawa, lamang ka. Ano bang binatbat ng 4 years sa 4 months? Hindi pa kasama ro'n yung panahon na ginugol niya para makuha ka. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit napakadali sayo na bitiwan siya dahil lang sa isang pagkakamali. Imagine, isang pagkakamali lang pero pinutol mo lahat! You destroyed all his plans with you, even his future. Hindi mo naisip 'yon, di ba? Kasi awang-awa ka sa sarili mo. So, I've changed my mind. If you think Ren doesn't deserve you, it's the other way around. Ikaw ang hindi deserving sa kanya."


"Tama na." Bulong ko. "I've heard enough."


"Enough? That's enough for you? Eh, wala pa nga ako sa kalahati. Hindi mo ba gustong malaman kung anong nangyari kay Ren pagtapos mo siyang itaboy? Kung anong nangyari sa kanya bago siya nakamove-on sa'yo? Naduduwag ka na bang malaman ang epekto no'n sa kanya?"


"Tama na, okay? I get it, Georgia! Na sa'yo na siya. Masaya siya sa'yo. Etsepwera na ako. Naka-move on siya sa akin. Nakalimutan niya na ako. Masmahal ka na niya. I get it." Napahikbi ako. "Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin 'yan kasi nakikita ko naman. Kitang-kita ko." Lumunok ako at tumingin sa kanya. "Mahal na mahal ko siya and it took me many months before I realized that I still need him. Hindi  ko siya masisi kung naghanap siya ng iba o binaling niya ang pagtingin niya sa'yo dahil ako yung bumasag sa kanya. I thought I already gave my best. Hindi pa pala. Natakot lang akong sumugal."


Umiling si George. "'Yang takot mo ang nagpatalo sayo. While I bet my all to Ren, kahit hindi sure win sumugal ako. Sana ikaw yung panalo kung tinaya mo na lahat. I got him with all the good reasons, disregarding our complicated situation." Nadurog no'n ang katiting na pag-asang nasa isip ko. Muli akong napaatras nang magbitaw ulit siya ng isang tanong. "Gusto mong magkabalikan kayo, di ba?"


Hindi ako makatango kahit alam ko sa aking sarili na gusto ko. Gusto kong bumalik si Ren but stealing him from Georgia is going to be immoral. Gaano ko man siya kamahal, kailangan kong magbigay ng konting respeto sa sarili ko. Ilang taon kong pinuno ang kompyansa ko sa aking sarili at hindi ko ata kayang itapon 'yon nang dahil lang sa desperadong pagdidesisyon.


Sa tingin ko'y kahit hindi ako sumagot ay kayang basahin ni Georgia ang nasa isip ko. Napatda na lang ako sa aking kinatatayuan nang bitawan niya ang huling salita.


"I can't give him to you." Tumalikod siya at tinungo ang cart na naglalaman ng mga bola. "Unless he choose you again over me."


Nang tunguhin niya ang storage room ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng gymnasium. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang aking mata. Tinungo ko ang malapit na CR. Nagpasalamat ako nang makitang walang tao ro'n. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at mas lalo lang akong naiyak. Humulas ang make-up ko.


Naghilamos ako para tanggalin 'yon nang tuluyan. Inalis ko ang natitirang make-up gamit ang wet wipes pagtapos ay napatingin ulit ako sa salamin.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now