I just smiled before answering “Huwag na, may dala akong kotse.” aniya bago siya nag paalam at pumasok na sa kotse. Pagkasabi ko noon ay saka ko lang naalala na wala nga pala akong dalang kotse. Nagpahatid nga lang pala ako sa driver ko kanina. Maybe I'll just find a taxi na sasakyan para makauwi ako. Maglalakad na sana ako nang biglang may humawak sa akin at tinakpan nila ang aking ilong at bibig. Hindi ko na namalayan ang nangyari at nakatulog na ako.

_

I WOKE up in a dark room with no lights. May kandila lang dito kaya hindi ko makita ng maayos ang paligid ng kwartong ito. Nakatali ako sa isang bangko at may takip ang aking bibig. Oh no, don't tell me na- kidnap nanaman ako? Jusko naman, wala pa atang isang buwan simula nung na-kidnap ako. Give me a damn break agh!

“Oh, you're already awake Serena.” saad ng kung sino mula sa may likuran. May lumapit na lalaki sa akin at tinanggal niya 'yong tape na nasa aking bibig.

I just sighed before talking “What do you want? Money? Gold? Car? Sabihin mo lang para maibigay ko na sa'yo at makaalis na ako dito.” saad ko. Nabigla ako nang may biglang tumawa mula sa likuran ko.

“You're so funny bunny. But that's not the reason why you are here.” Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali, kay Clevy ang boses na 'yon. Naglakad siya hanggang sa makarating siya sa may harap ko.

“Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo bunny? Na ayaw ko nang may kaagaw o may lumalapit na ibang lalaki sa'yo. Because I want you for myself. Akin ka lang at walang magbabago doon.” nakangising aniya dahilan para matakot ako. This is the first time na nakita ko ang side niyang ito. Bakit parang hindi siya 'yong Clevy na nakilala ko. Nagsisimula na akong manginig dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Ano na ang gagawin ko?

“Warren Yves Quijano.” biglaang saad niya dahilan para kabahan ako. Paano niya nalaman ang pangalan ni Warren?

“Siya 'yong kasama mo kanina diba? 'Yong lalaking kung makangiti sa'yo ay wagas. 'Yong lalaking kaninang kanina ko pa gustong pat*yin dahil sa selos.” dagdag niya pa bago niya binuksan ang ilaw. Doon bumungad sa akin ang walang buhay na katawan ni Warren at may nakatusok doon na katana.

“A—Anong ginawa mo sa kaniya Clevy? Bakit siya nakahandusay dyan?” kinakabahang tanong ko dahilan para mapangisi siya.

“Huwag kang mag alala Serena, pinat*y ko lang 'yan. Wala naman 'yang ambag sa mundo kaya mas okay siguro kung pat*yin ko na siya diba. Alam kong galit ka sa akin kanina Serena pero that doesn't mean you have to make me jealous. Look what just happened, I k*lled him out of jealousy.” aniya habang naglalakad siya papalapit sa akin.

Bakit ganito siya? Kakaiba ang kinikilos niya ngayon. Natatakot ako dahil baka saktan niya ako.

“Don't be scared Serena. Alam mo naman kung gaano kita ka mahal at hinding hindi kita sasaktan.” saad niya bago hinawakan ang pisnge ko at hinalikan niya ako sa labi.

“Huwag ka nang mag alala sa kaniya dahil rap*st ang lalaking 'yan. Palagi siyang pumupunta sa bar na 'yon para maghanap ng susunod na bibiktimahin. Mabuti na lang ay nasabihan ako ng isa sa mga kaibigan ko na kausap ka niya. ” Nabigla ako dahil sa sinabi niya. Bakit biglang naging malambing ang tono ng pananalita niya.

“May pagkaseloso ka rin pala Clevy, akala ko ako lang.” natatawang saad ng kung sino bago siya pumasok sa kwarto kung nasaan kami.

“Atleast ako ganito lang magselos hindi katulad mo Xander na pinapatay ang pinagseselosan.” nakangusong saad ni Clevy habang tinatanggal niya ang nakatali sa aking kamay.

“Wow ha, bakit hindi mo ba pin*tay 'yan?” natatawang tanong ni Xander kay Clevy dahilan para mapakamot ito ng ulo.

“Travis, Sean dispose his body and make sure na walang ebidensya na makukuha.” utos ni Xander sa mga tauhan niya.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now