CHAPTER 4

89 7 3
                                    

Stephanie's POV

Mrs. De Leon: You will conduct your research paper about POVERTY IN THE PHILIPINES. You should have your survey's at least 5 person na pwede nyung kausapin about that topic.

Ano? parang ang broad naman siguro ng topic na yun, eh di ba when it comes to poverty diyan naman papasok ang unemployment, hindi nakapagtapos ng pag-aaaral at madami pa, hay buhay. Ano naman ang connect neto sa course namin? Minsan talaga may mga bagy na walang kabuluhan 😑 Luminga-linga ako para maghanap ng ka pair pero mukhang may kapares na lahat, tumayo ako para hanapin si Lyle kasi magkaklase kami sa subject na'to eh pero hindi ko siya makita, hindi ba siya pumasok? 

: May pair ka na?

Lumingon naman ako sa likuran para makita kung sino ang nagtatanong, nagulat ako ng si Andrei pala ang nagtayanong sa akin.

Me: Ahh--ako ba ang tinatanong mo?
Andrei: Saan ba ako nakaharap? 

Pinandilatan naman niya ako ng mata, aba-aba, siya pa 'tong naghahanap ng kapartner siya pa iiong ma-attitude

Me: Paano kung ayaw ko?
Andrei: Ayaw mo?
Me: OO!

Taas noo ko pang sagot, akala niya ha, kahit gwapo siya ay hindi niya ako basta matitiklop at mauuto, hindi ako kagaya ng ibang babae diyan no

Andrei: Mrs. Cruz? Sabi ni Ms. Fuentes ayaw niya daw gumawa ng research

Bigla namang lumaki ang mga mata ko at napatayo ako bigla. Susmaryusep, terror pa naman ang guro kung to! bwesit na Andrei to, magpapapilit lang naman sana ako eh!

Mrs. De Leon:  What did you say Ms. Fuentes? You can freely just drop my subject if you dont want to do it. 

Anagkng! sabi na nga ba eh, pinandilatan ko ng mata si Andrei na ngayon ay pulang-pula na sa pagpipigil ng tawa. Naku! sarap batukan eh

Me: Naku, Ma'am hindi po! Nagbibiro lang po itong si Andrei hehe, opo

sabi ko sabay kamot sa batok ko. Yung mga babae sa classroom namin halos mamaga na ang mga bibig sa pagbubulong-bulongan dahil sa naka partner ko ang ultimate crush nila! huh! manigas kayo ngayon. Humarap naman ako dito sa asungot nato

Me: Bwesit!
Andrei: Ano? ayaw mo? 

Nang-aasar niyang sabi. Inirapan ko nalang siya at kumuha nga papel at ballpen sa bag ko. Maya-maya pay biglang lumapit sa akin si Lyle na kababalik lang galing sa clinic dahil sumakit daw ang ulo niya

Lyle: Panini? Partner tayo!

Napapikit nalang ako sa inis matapos niya akong tawaging Panini sa harapan pa talaga ni Andrei. Hindi naman sa nakakahiya pero kasi baka asarin lang ako netong kumag nato kapag nalaman niya na ganyan kabantot ang palayaw ko. Hinarap ko si Lyle na may halong inis

Lyle: Ay sorry Stephanie--Oo Stephanie, may pair ka na? hehehe
Me: Oo meron na. Ito oh--si Andrei, saan ka ba kase galing?
Lyle: Ah ganoon ba? Pumunta pa kase ako sa clinic eh kasi sumakit yung ulo ko------
Andrei: Ano? magkwekwentuhan nalang ba kayong dalawa? 

Napatingin naman ako dito sa lalaking nasa harapan ko na naging isa na ang kilay. Maliit talaga ang pasensya netong kapre na'to eh

Me: Sige na Lyle, maghanap ka nalang ng iba. Pasensya na talaga, ang tagal mo kasi!

Tumango naman siya at bagsak-balikat na umalis sa harapan ko. 

Andrei: We need to finish this as soon as possible----ano nga pangalan mo?

Pagtatanong niya sa akin habang may sinusulat sa papel. Akala mo kung gaano kami ka close tapos hindi naman niya pala ako kilala

Me: Hindi ka ba nakinig sa akin noong isang araw, 'nung nag pakilala ako sa harapan?
Andrei: Hindi, why would I listen, teacher ka ba?
Me: Bahala ka nga sa buhay mo, ang hirap mong kausap!

Aakmang tatalikod na sana ako ng hinawakan niya ako sa braso. 

Andrei: Ano nga kase? 

Malumanay niyang tanong. Shuta naman eh! Mahina ako sa mga ganyang galawan

Me: Stephanie Line Fuentes, ikaw ba anong full name mo?
Andrei: Line? as in Linya?
Me: Oo nga
Andrei: I see, so can I call you Line?
Me: Ahh--ano? Mine?

Nabingi kasi ako sa tanong niya, ang-iingay kasi ng mga kaklase ko. Si Andrei tawa ng tawa at pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin at pati ng mga kaibigan niya. Hinampas ko naman siya sa braso para tumigil

Andrei: Ouch! What was that for?
Me: Eh kasi tawa ka ng tawa, para ka namang baliw diyan
Andrei: Sino ba kasing hindi matatawa dun? Sige nga? hahaha

Oo nga no? parang ang tanga lang ng tanong ko. 

Andrei: Okay haha. So I'm Andrei Louise Villanueve-Mendoza. Nice to meet you Line.

Sabi niya at ngumiti pa at ayun lumabas ang dimples niya. Pero teka ano daw? Villanueve-Mendoza? kaano-ano niya si Atty at si Ma'am Louise? 

Me: Villanueve-Mendoza? kaano-ano mo si Atty at si Ma'am Louise Andrei?
Andrei: They are my parents, why?
Me: Eh doon kasi ako nagtatrabaho kay Atty eh. 
Andrei: Aha! ikaw pala yung kwinento siya sa amin noong isang araw eh

Ako? kwinento ni Atty? Sana naman puro magagandang bagay at hindi yung first encounter namin. Hindi ko na siya pinatulan pa at baka wala kaming magawa kundi ang magdaldalan buong araw. Maya-maya pa'y tumunog naman ang bell hudyat na tapos na ang klase

Andrei: Bukas nalang ulit, I'll just send you an email about my part. Bye Panini! hahaha

Hindi na ako kumibo at umalis na din siya sa harapan ko. See? Ngayon may panukso na naman siya sa akin. Pinuntahan naman ako ni Lyle agad para sabay na kaming lumabas

Lyle: Close na kayo nun?
Me: Hindi naman sa close, kailangan lang namin mag-usap about doon sa research natin. Oy alam mo ba Lyle, anak pala siya ni Atty. Andrea at Ma'am Louise

Napatingin naman si Lyle sa akin na hindi makapaniwala.

Lyle: Talaga? Kaya pala may resemblance sila ano?
 Me: Oo nga eh.

Naalala ko naman yung ginawa ko kanina kaya nahampas ko sya sa braso

Lyle: Aray ko naman Panini! Para saan naman yun?
Me: Isang Panini mo pa diyan, itutulak na talaga kita!
Lyle: Ano nga kasi? Ang ganda-ganda nga ng pangalan mo oh, Stephanie Line "Panini" Fuentes. Amoy mayaman. 

Binatukan ko naman siya dahil sa inis. 

Me: Diba sabi ko sayo huwag na huwag mo akong tatawaging Panini sa public? Para ka namang timang diyan eh
Lyle: Ay haha! Sorry naman nakalimutan ko eh.
Me: Nakalinutan! sige na mauuna na ako
Lyle: ay teka Pa--ay Stephanie pala hehe

Pinanliitan ko naman siya ng mata dahil muntikan na naman niyang nairos yang bantot na palayaw ko, ewan ko ba kay Nanay kung bakit yan ang binigay na palayaw sa akin 

Lyle: Magtatrabaho ako sa coffee shop na pagmamay-ari ni Ma'am Louise
Me: Talaga? Eh teka bakit?
Lyle: Eh, nahihiya din naman kasi ako kila Father na sila ang nagbibigay ng baun sa akin eh, syempre may mga needs din kasi ako, kaya naisipan kung mag-apply
Me: Sabagay. Hay buhay parang layp! Oh siya, mauuna na ako ah at baka malate pa ako eh, alam muna maglalakad pa ako para makatipid.

..........

Pagdating ko sa Law Firm ay hindi agad ako pumasok, nag punas muna ako ng pawis at pinaypay ang mga kamay sa aking sarili. Hooo! nakakapagod talagang maglakad ano? Ang init init pa naman, pero kasi kailangang magtipid eh, para yung ipapamasahe ko eh di ipangbibili nalang namin ng ulam ng tatay. 

Atty: Stephanie? 
Me: Ay! Good afternoon po Atty, may iuutos po kayo?
Atty: Wala naman, teka bakit ang pawis mo?
Me: Eh ang init po kasi sa labas hehe
Atty: Oo nga eh. Naku Steph, change your clothes at baka matuyuan ka pa ng pawis.
Me: Opo Atty

Ngumiti lamang siya at umalis na sa harapan ko at pumasok sa opisina niya ngunit bago paman niya maisara ang pinto ay tinawag niya ako

Atty: Steph? Halika, sabay na tayong mag lunch. No buts. I'll wait for you. 

Nanalaki naman ang mata ko sa sinabi ni Atty, nakakahiya naman, pero mas nakakahiya kung tatanggi ako sa grasya diba? Inayos ko na muna ang sarili ko bago pumasok sa opisina niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan. 

Atty: I'll eat my lunch now babe. I'll call you later. I love you honey.

Siguro si Ma'am Louise ang kausap niya. Honey daw eh

Atty: Steph, halika. Let's eat habang mainit pa. 

Umupo naman ako sa tabi niya at sinalinan niya ako nga pagkain sa pinggan. 

Me: Salamat po
Atty: You're welcome. Ahh, Stephanie? Yung totoo---naglakad ka kanina papunta dito no?
Me: Ah hehehe opo. Para makatipid ho ako
Atty: Ano? Teka Saan ka ba nag-aaral? 
Me: Sa for Academy po
Atty: Really, diyan din nag-aaral yung anak ko eh. Anyway, tomorrow ipapasundo kita sa driver namin para hindi ka na maglakad papunta dito
Me: Ay naku! huwag na po nakakahiya naman po

Ano ba yan, libre na nga lunch tapos ipapasundo pa ako, sobra-sobra naman ata yun. Tinignan ko si Atty na pinanliitan lamang ako ng mata

Me: Sobra-sobra na ho kasi tung libreng lunch niyo eh
Atty: Wala ang naman yan sa akin eh. Basta you'll wait for Mang Jerry everyday ha? 

Tumango lamang ako bilang sagot. Hay, ano bang nagawa ko Lord at binigyan mo ako ng ganito kabait na tao. Pero thank you po talaga

Atty: Saan pala ang mga magulang mo?
Me: Yung Nanay ko po ay namatay dahil sa sakit tapos yung tatay ko naman po ay namamasahero ng tricycle
Atty: I'm so sorry to hear that 
Me: Okay lang po. 

Hindi na kumibo pa si Atty at kumain na lamang. Swerte si Andrei sa magulang niya dahil napakabait at mayaman pa, hindi siya namomroblema sa mga gastuhin niya sa pang araw-araw, hindi katulad namin na pinuproblema kung ano ang kakainin sa umaga, tanghali at gabi 



Andrei Louise Villanueva-Mendoza (MHBTY BOOK 3)Where stories live. Discover now