CAPITULO 21 - Rosary

Start from the beginning
                                    


Itinulak ko siya at tiningnan ang oras sa phone. "Maaga pa naman, eh!" maktol ko. "Dahil ginising mo ako, ako ang unang maliligo!"


"Hoy!" Napasigaw siya nang manakbo na ako papunta sa pinto.


Hindi ko na siya pinakinggan. Nanakbo na ako palabas ng kuwarto niya. Bahala siyang ma-stressed. 


Sa banyo ay naisip ko ang aking kakaibang panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?


Pagkaligo ay nasa labas ng ng banyo naghihintay ang magkapatid na Joachim at Julian. Si Joachim ay masama ang tingin sa akin. Patay-malisya lang naman ako.


Si Joachim din ang nagbigay sa amin ng baon ni Julian nang papasok na kami. Tag fifty pesos. Binigyan niya rin kami ng barya na five pesos para sa pamasahe sa pedikab. "Umuwi kayo nang maaga, uuwi na mamaya sina Papa."


Tango lang ang sagot namin. Walang salita na nauna na si Julian na lumabas ng bahay. Nang ako na ang papalabas ay may pumigil sa bag ko. Si Joachim.


Hindi mabasa ang emosyon niya nang sabay kaming lumabas ng bahay. Nang nasa gate na kami ay nagulat ako nang abutan niya ako ng bente.


"Pandagdag sa baon mo," sabi niya na hindi sa akin nakatingin.


Bago pa ako makapagsalita ay nakapaglakad na siya paalis. Napalabi na lang ako. Okay ito, may extra money ako.


Magaan ang pakiramdam na pumasok na ako sa school. Masaya ako dahil mamaya ay uuwi na sina Mama. Magaling na talaga si Mama. Epektibo iyong pagdadasal ng hilot dito. Doon ito nagsimulang maging okay. Nagpadasal din daw sa simbahan kahapon ng hapon.



"BAKIT KA ABSENT?!"


Sa room ay parang dudugo ang aking tainga sa tinis ng boses ni Bhing. Talagang hinarang pa ako nito sa pinto pagpasok ko.


"May sakit kasi ang mama ko." Naalala ko na naman ulit iyong aking panaginip. Doon ay matured din pala ang boses ni Bhing. Nakakatuwa lang alalahanin, kaya niya palang maging ganoon kaseryoso.


"Ah, may sakit pala ang mama mo..." Napatango-tango si Bhing. "Akala ko naman kasama mo na si El."


"Ha?"


"Absent din kasi siya ng mga araw na absent ka. Akala ko, nagtanan na kayo."


"Baliw!" Pero namula ako sa sinabi niya. Ang totoo kasi, magkasama naman talaga kami ni El ng mga araw na absent kami. Pero hindi kami nagtanan!


Dahil miss na miss daw ako ni Bhing ay doon niya ako pinaupo sa tabi niya. Sakto raw kasi majorette iyong katabi niya, naka-excuse daw ngayong araw. Tutugtog ang banda nito sa patay.


Alumpihit naman ako sa pag-upo sa tabi ni Bhing. Panay ang sulyap ko sa likuran, kung saan naroon ang magkatabing upuan namin ni El. Speaking of El, kumusta na kaya siya? Late ba siya? Maaga naman siya palaging pumapasok, ah? Pero bakit wala pa siya?

Beware of the Class PresidentWhere stories live. Discover now