“May problema ka ba?”

Nagulat ako nung may nagsalita. Pagtingin ko si Manang Rosa lang pala. Akala ko mumu >.<

“Ehh?--- Urh, wala po…”

“Wala? Narinig kitang sumigaw kaya napasugod ako dito”

O_O

“Hala? Hindi po ako sumigaw… baka guni-guni niyo lang po yun… hehehehe”

“Narinig talaga kita hija, sabi mo pa nga… ‘tantanan mo naman yung utak ko’ ganun…”

O_O

Wahhh! Narinig niya nga!~ nakakahiya… >3< Bangungutin ka sana…

Nag-fake na lang ako ng tawa.

“Ahehehe, sorry po…”

“Sino ba iyang gumugulo sa isipan mo? Ang asawa mo ba?”

Sinabi niya yun habang umuupo sa harap ko. Andito kasi ako ngayon sa living room nung bahay gumagawa. Ayoko kasi sa kwarto.

O_O

“Hala Manang! Hindi po!~ iniisip ko lang po yung gagawin kong design.”

Palusot ko sa kanya, tinignan niya ako sa mata, tapos medyo iniiwas ko na magkasalubong kami ng tingin.

>_<

“Nagsisinungaling ka Natalie anak, alam mo ba ayos lang kung hindi mo sasabihin sa akin e. Naiintindihan kita…”

Napayuko na lang ako, nahihiya talaga ako. Napatingin ako sa kamay ko nung bigla itong hawakan ni Manang.

“Pero wag mo lang lokohin ang sarili mo… mas pahihirapan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo. Kung anuman yang gumugulo sa isipan mo, dapat maging bukas ang puso’t isip mo. Pakinggan mo yung gusto nilang sabihin o ipahiwatag at dun mo mahahanap yung peace na gusto mo.”

 

Tumingin ako sa kanya at kahit hindi ko medyo maintindihan yung sinabi niya, pinilit kong ngumiti.

“Mukhang nagugulahan ka pa, basta hija… pakinggan mo lang yung gustong iparating sayo ng puso mo… at tanggapin ang katotohanan…”

Binigyan niya na lang ako ng isang ngiti tapos umalis na siya.

.

.

.

.

.

Ano daw? Pakinggan ko yung gustong iparating ng puso ko at tanggapin ang katotohanan?

Ano namang katotohanan yun?

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Where stories live. Discover now