Tumawa si Atlas. "Adik na adik ka na sa amoy ko sugar." Aniya at hinaplos haplos ang likod ko.

Nakahiga na kami ngayon sa kama. Ako naman ay halos nakadagan na ang kalahating katawan sa kanya. Nakadantay ang isa kong hita sa hita nya at nakayakap ang isa kong braso sa bewang habang nakasubsob naman ang mukha ko sa leeg nya. Ewan ko ba, pero lately mas komportable ako sa ganitong posisyon namin kapag natutulog. Naiirita na ako kapag sya ang nakadantay at halos nakadagan sa akin. Bigat na bigat ako. Siguro dala na rin ito ng pagbubuntis ko. Sabi ni doctora at ni mama normal lang daw na nagpapabago bago ang mood ko. Kunsabagay ganito din ako noon kay Jeremiah. Paiba iba ng mood.

And speaking of Jeremiah, mabuti na lang at gusto na nyang matulog sa sarili nyang kwarto. Nasasanay na sya. Bigboy na raw sya eh. Pero syempre bago sya matulog sinasamahan ko muna sya.

Tumingala ako kay Atlas. Nakapikit sya at nakangiti habang hinahaplos pa rin ang likod ko. Mukhang antok na antok na sya.

Tinaas ko ang isang kamay at hinaplos ang bandang baba at panga nya. Masarap sa kamay ang magaspang nyang balat dahil sa mainipis pa nyang balbas. Gustong gusto ko rin ito kapag kumikiskis sa balat ko.

Kumagat labi ako dahil sa pagbangon ng init sa katawan ko. Nitong mga nakaraan ang bilis kong mahorny. Minsan gusto ko syang ayain pero nahihiya naman ako. Mabuti na lang horny din sya at madalas mag aya kaya hindi na ako nahihirapan. Pero ngayon wala yata syang balak mag aya. Siguro pagod sya at antok na.

Bumuntong hininga ako. Hay, titiisin ko na lang to at itutulog.

Gumalaw sya pero hindi dumilat. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labi nya. Hinalik halikan nya ito na ikinangiti ko.

Mula noon hanggang ngayon sweet pa rin ang mama sa akin. Hindi na sya nagbago. Sana hanggang pagtanda namin ay ganito pa rin sya.

Dumilat na sya at tumingin sa akin. "Bakit hindi ka pa natutulog hmm?" Aniya sa mababa at namamaos na boses.

Ngumuso ako. "Hindi pa ako inaantok eh."

"Why? May gusto ka? Ano yun? Bibilhin ko."

"Gabi na, wala ka ng mabibilhan sarado na ang lahat ng tindahan."

Naalala ko dati noong pinagbubuntis ko si Jeremiah, hirap na hirap ako dati sa paglilihi. Yung tipong may gustong gusto akong kainin pero hindi ko makain dahil wala akong pambili at nagtitipid ako noon. Kaya tahimik na lang akong iiyak noon. Hindi kagaya ngayong pangalawang pagbubuntis ko, anuman ang gustuhin ko nakakain ko. Magrerequest lang ako kay Atlas wala syang angal na bibili agad kahit hating gabi na.

"Eh di maghahanap ako ng mabibilhan. Anong gusto ng sugar ko?" Malambing nyang usal. Akala mo bata ako na kausap nya.

Kumagat labi ako at ginala ang mata sa kanyang mukha.

"Hindi naman pagkain ang gusto ko eh." Pilyang sabi ko.

Kumunot ang noo nya. Mukhang hindi nya ako nagets agad. Natutulog na kasi ang isip nya.

"Anong gusto mo?" Tanong nya sa inaantok na boses.

Ngumuso ako. "Ikaw." Mahinang sabi ko.

Lumaki ang buka ang ng mata nya at kumurap kurap pa.

"Anong sabi mo sugar?"

Kumagat labi ako. "Ang sabi ko ikaw. Ikaw ang gusto ko.. kaya lang inaantok ka na."

"Hindi! Hindi pa ako inaantok. Bakit hindi mo naman sinabi agad sugar. Ako pala ang gusto mo eh." Pilyo na syang ngumiti. Mukhang nawala na ang antok nya. Ito rin ang gusto nya eh.

Pilya na rin akong ngumiti at bumangon sabay upo sa kanyang kandungan. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang t-shirt at ako na mismo ang naghubad niyon. Bakas naman ang excitement sa kanyang mukha.

Magpapabebe pa ba ako? Baka magbago pa ang isip nya.

-

Wala akong kagana gana habang hinahalo ng kutsara ang bagong timplang milo na si Atlas pa mismo ang nagtimpla. Kanina gustong gusto ko nito eh pero nung naamoy ko na parang ayaw ko na. Wala din akong ganang kumain. Parang may gusto ang sikmura ko. At iniisip ko kung ano yun.

"Sugar, bakit hindi mo pa iniinom yan? Lalamig na yan." Untag sa akin ni Atlas.

Galing syang kusina at may hawak na tasa ng kape. Kararating lang nya galing sa paghatid kay Jeremiah sa school. Hindi daw sya papasok ngayon sa opisina at sa study room na lang tatrabahuin ang mga dinala nyang papeles kahapon. Gusto daw nya kasing makasama ako ngayong araw.

Tumabi sya ng upo sa akin at nilapag sa coffee table ang hawak na tasa.

"Ayaw mo pa bang kumain? May iba ka bang gustong kainin?"

Bumuntong hininga ako. "Oo, kaya lang iniisip ko pa kung ano."

Mahina syang tumawa at inakbayan ako sabay kabig at halik sa buhok ko.

"Ang hirap ng kalagayan nyong mga buntis. Paiba iba ang mood nyo pati na ang gusto nyong kainin."

Ngumuso ako. "Sinabi mo pa. Para na nga kaming ewan kung minsan."

"But I'm so proud of you sugar. Hindi ko tuloy maimagine ang kalagayan mo noong unang nagbuntis ka kay Jeremiah. Alam kong sobra kang nahirapan noon. Kaya gagawin ko talaga ang lahat ngayon para maibigay ang mga gusto mo at hindi ka mahirapan. Kung pwede nga lang na ako ang magbuntis, ginawa ko na."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Basta nandito ka lang palagi sa tabi ko sapat na. Mahal na mahal kita Atlas."

Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. "Mahal na mahal na mahal din kita Jolene. Mamahalin kita buong buhay ko hanggang sa malagutan ako ng hininga."

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya ng magaan sa labi. Tumugon din sya ng masuyong halik.

Kung mamamatay ako at mabubuhay ulit. Gusto ko sya ulit ang lalaking makakasama ko habangbuhay.

Tinulak ko sya sa balikat at namilog ang mata.

"Alam ko na kung ano ang gusto kong kainin hon."

"Ano?" Natatawang tanong nya habang iniipit ang buhok ko sa likod ng aking tenga.

Ngumuso ako. "Gusto ko ng palabok na maraming toppings sa ibabaw. Yung may hipon, baboy, nilagang itlog at chicharon. Gusto ko nun hon." Malambing na ungot ko at yumakap sa bewang nya.

"Alright, may alam akong masarap na nagtitinda ng palabok."

"Talaga? Puntahan na natin ngayon." Excited na sabi ko.

"Sure."

Inubos muna namin ang kape at milo. Pero dahil nga di ko na bet ang milo ay sya na ang umubos nito. 

*****

Special Chapter next 🤗

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon