TRUTH OR DARE

112 4 3
                                    

AUTHOR'S POV

Elementary palang ay matalik ng magkaibigan sina Jerry, Ann at si May. Magkakaibigan din ang kanilang mga magulang kaya sila ay naging malapit na din sa isa't isa, at dahil narin sa wala silang mga kapatid kaya silang tatlo ang nagkakasama.

Pansin naman na mas malapit si Ann at Jerry kaya minsan ay naiiwan si May na mag-isa. Hindi naman sumasama ang loob ni May dahil alam namn niyang hindi siya pwedeng lumabas palagi dahil mahina ang kanyang katawan. May sakit siya puso kaya hindi siya pwedeng magpagud.

Isang araw , mag isa si May sa plaza ng school at hinihintay sina Jerry at Ann . Makalipas ang ilang minuto ay nakita nya si Ann at Jerry na paparating sa kinaroroonan nya . Napansin nya na magkahawak sila ng kamay.

Tila biglang nahulog ang puso nya . Hindi nya alam kung ano ang kahulugan nito at gusto nyang malaman.

Tumabi sila kay May . Tumili si Ann sabay yakap sa kanya. Malawak ang ngiti ni Ann kay May kaya binalik niya rin ang malawak na ngiti .

"May , kami na!" masayang sabi ni Ann.  Tila biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni May at hindi siya makasalita dahil sa gulat.

Paano? . Tanong nya sa sarili . Pakiramdam nya ay maiiyak na sya sa lungkot at selos . Hindi man lang nya alam na nililigawan na pala ni Jerry si Ann.  Hindi siya makapaniwala .

Matagal na siyang may tinatagung nararamdaman para kay Jerry. Kaya masakit para sa kanya ang malamang magkasintahan na ang kanyang malapit na magkaibigan. Sa panahong iyon ay naramdaman na niya talaga ang pag-iisa.

Ngumiti nalang si May at tinago ang lungkot sa puso nya. 

"Talaga , naman.  Bat di ko alam na nililigawan ka pala ni Jerry.  Nobayan. Hahaha , ang saya saya ko para sa inyo . Baka naman may palibre dyan, ano celebrate tayo????"

Pagbibiro nya kahit ang totoo ay nadudurog na ang puso nya na akala nya ay aatakihin na siya at mamamatay sa puntong yon. Nalungkot siya dahil kailangan niyang itago ang katotohanang nasasaktan siya.

Makalipas ang isang linggo .

Nabalitaan nalang nila na patay na si May.  Nakita ang katawan nya sa isang damuhan at lking gulat nila nang malamang ginahasa sya at pinatay. Labis labis ang lungkot ng pamilya ni May . Nadurog din ang puso ni Ann at Jerry sa pagkawala ng kanilang malapit na kaibigan .

Labis silang nagdalamhati kahit pa sa paglipas ng ilang mga buwan. 

Alas syinko ng hapon.  Mag isa si Ann sa bahay dahil hindi pa nakakauwi galing sa trabaho ang mga magulang nya nang may biglang kumayok sa pintuan nila.

Tuk tuk tuk

"Sino po sila?" Sigaw ni May.

Walang sumagot kaya sinilip nya ito galing sa peephole at wala syang makitang tao.  Binuksan nya ang pinto ngunit wala din siyang makitang sino man .

Kaya bumalik sya sa loob at sinirado ang pinto . Bumalik sya sakwarto nya at nakita nya ang cellphone nya na nasa kama na .

Nagtaka sya dahil di pa naman nya ito kinuha galing sa bag niya . Naisip nya na baka kinuha na nga niya ito at di nya lang naalala.

Kukunin na sana nya ang cellphone nang bigla itong bumukas at biglang nag play ang isang video na kinuha nya 3 months ago kung saan naglalaro sila ng kanyang mga kaklase ng Truth or Dare. 

Nagulat sya bigla at di siya makagalaw sa takot nang pinanood nya ang lumabas na video . Marami sila sa video at si May ang napiling tatanongin at si Ann ang magtatanong :

(((*"So , May . Pili ka.  Truth or Dare?" Tanong ni Ann kay May .

"Truth" pili ni May.  Nagtawanan muna sila nang di agad nakaisip si Ann ng matatanong kay May .

TRUTH OR DAREWhere stories live. Discover now