If she can erase those pain and bitterness, she'll do it. Nasasaktan rin siya kapag nakikita niyang nasasaktan din si Ruin. She was like a sister for her.

Dahan-dahang itinukod ni Sky ang isang kamay sa lupa upang kumuha ng suporta para makatayo. Pero bigla siyang natigilan ng pigilan siya ng kaibigan. Inosenteng tiningnan niya ito. “Bakit?”

“B-Bakit may mga p-pasa k-ka?” utal nitong tanong sa kanya. Hindi makapaniwala.

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Sky at binawi ang braso niyang hawak-hawak nito, pero bigo siya dahil mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Ruin sa braso niya.

“H-Halika na. Balik na t-tayo sa department n-natin...” pag-aaya niya sa kaibigan at tuluyan nang tumayo. Ayaw niyang ipaalam dito ang tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Agad namang inayos ni Sky ang nagusot niyang palda. Tumayo na rin si Ruin at muling hinila ang braso niya.

“I'm asking you, langit! Saan mo nakuha ang mga pasa sa braso mo? Don't tell me sinasaktan ka nila? Na-bully ka ba?— My gosh, langit... Sumagot ka nga!” histerikal na sigaw ni Ruin sa kanya.

“A-Ano ka b-ba... W-Wala ito!” aniya sa kaibigan. Tumawa pa siya ng pilit para ipakitang wala dapat itong ipag-alala. Sa mga problemang nangyayari sa buhay ng kaibigan niya ngayon, hindi kakayanin ng konsensiya niya kung dadagdag pa siya. Kaya pa naman niyang sarilihin ang lahat ng sarili niyang problema.

Muli niya itong tiningnan. Ngingiti na sana siya dito pero hindi niya nagawa dahil seryoso itong nakatingin sa kanya.

“Rui...”

“Saan galing ang mga pasang iyon?”

Umiling siya. “Wala nga ito...”

“Hindi ka talaga aamin?”

“Wala naman akong aaminin, Rui. Mas mabuti pa, bumalik na tayo sa room natin...” Nauna na siyang maglakad palayo sa kaibigan. Ramdam pa rin niya ang malakas na tibok ng puso niya. Aaminin niyang kinabahan talaga siya sa mga tanong nito, kaya naman mas pinili niyang umiwas kaysa sagutin ang mga iyon.

Knowing Rui, hindi talaga ito titigil hangga't hindi niya sinasabi ang totoo.

“Hintayin mo ako, langit! Kahit kailan ang bilis mo talagang maglakad eh” malakas na sigaw nito sa bandang likuran niya. Napailing nalang si Sky at muling nagpatuloy sa paglalakad.

“TAKE CARE, RUI...”

She waved at her. Ngumiti muna ito sa kanya bago sumakay sa backseat ng sundo nito. Akala niya ay aandar na iyon pero nagulat siya ng muling lumabas si Rui at niyakap siya ng mahigpit.

“H-Hey!”

“If you have a problem, I'm always here to listen, langit... Anong silbi ng pagkakaibigan natin if hindi mo naman sa akin sasabihin ang mga problema mo? You can count on me, langit. Always remember that, hmm?” paalala pa  nito sa kanya sabay tapik sa balikat niya.

Hindi na nakasagot pa si Sky dahil sumakay na ulit ito sa kotse. Ibinaba pa nito ang bintana ng sasakyan at kumaway pa sa kanya.

“Ingat ka din sa pag-uwi!”

She smiled then nodded. “I will. Goodbye, Rui...”

Nang tuluyang makaalis ang sasakyan, do'n lamang unti-unting nabura ang matamis na ngiting nakaukit sa labi niya. How long will she pretend that she's okay even if she's not? Habang tumatagal, palapit ng palapit ang araw na mas kinakatakutan niya.

Nanginginig ang kamay na inayos niya ang kanyang bag at nagsimulang maglakad. Quarter to 5pm palang naman kaya may oras pa siya para maglakad papuntang bus station.

Liliko na sana si Sky pero bigla siyang natigilan ng makita ang isang familiar na taong laging sumasagi sa isipan niya. Pero hindi dito tumuon ang buong atensiyon niya, kundi sa babaeng kasama nito na nakakawit ang isang kamay sa braso ni Kliev.

It's her ate Skylla's friend, Freya. Ang taong labis na kinaiinisan ng kaibigan niya.

Parang kailan lang ng makita niya itong kasama ang ate Skylla niya sa isang coffee shop tapos ngayon ibang babae naman ang kasama nito?

“Hi, sweetie! I'm your sister's friend, remember?” bati nito sa kanya ng tuluyang makalapit ang dalawa. “Wait! What's your name again? Sky, right?” tanong pa nito habang tinitingnan ang ID niya. Hindi naman maiwasang tumaas ang isang kilay ni Sky sa tanong nito.

“Hindi pa ba obvious? Nakita mo na ang ID ko di ba?” she answered sarcastically. Halatang nagulat naman ito sa inasta niya. Wala siyang pakialam.

Walang emosyon na inilipat niya ang tingin sa kasama  nito. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya pero hindi niya iyon ipinahalata.

“Jerk.”

Hindi alam ni Sky pero kusa na lamang na lumabas sa bibig niya ang salitang iyon. Sinamaan niya pa ito ng tingin at mabilis na pinaghiwalay ang dalawa para makadaan siya sa gitna ng mga ito. Rinig na rinig niya pa ang naiinis na boses ng Freyabunini na iyon, ayon pa sa kaibigan niyang si Ruin.

Lakad-takbo ang ginawa ni Sky para lamang makalayo na sa mga ito. Lihim din niyang kinapa ang dibdib niya at ramdam pa rin niya ang pagwawala nito.

Tumigil ka na nga, Sky! Kitang-kita mo naman di ba kung paano nito tino-two time ang ate mo at ang Freyabunini na 'yon di ba?

Naiinis siya! Hindi niya talaga alam kung bakit naiinis siya. Hanggang ngayon ay naninikip pa rin ang dibdib niya dahil sa nakita.

Crush is paghanga lang, Sky. Mawawala din iyan...

Habol-habol ang hininga niya nang makarating siya sa bus station. Nagpapasalamat din siya dahil hindi pa umaalis ang bus. Mabilis siyang naglakad palapit sa bus at akmang sasakay na sana nang biglang may humawak sa kanang pulsuhan niya at basta na lamang siyang hinila palayo sa lugar na iyon.

Gulat na gulat namang binalingan ni Sky ang taong humihila sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya kaya hindi niya magawang bawiin ang kamay niya mula dito.

Bakit ba ang hilig manghila ng lalaking ito?

“A-Ano b-ba— Bitawan mo nga ako!” nagpumiglas pa siya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito. Huminto naman ito kaya napahinto na rin siya.

“We.need.to.talk...” seryosong sabi nito at tiningnan siya gamit ang walang emosyon nitong mga mata. “Sky Demeter Illarionova.”





A/N: Nakapag-update ulit! Enjoy reading po^^ Thank you so much!

Follow. Vote. Comment is highly appreciated.

   

Her Last Hope (Vista Alegre Series 1) | Ongoing जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें