Chapter 40: Meet the Parents (pt.1)

Start from the beginning
                                    

Mabuti na lang at nandito si mama... at hindi siya galit sa akin.

"Gusto ko po sana na i-surprise kayo," bulong ko sa kanya bago siya muling niyakap nang mahigpit. "Ito po, may mga dala akong pasalubong galing sa mga napuntahan ko po."

Habang hawak ko ang binili naming cake para sa parents ko, buhat ni Storm ang isang balikbayan box na puno ng pasalubong ko para sa mga magulang ko at sa mga kamag-anak namin. Pati na rin sa mga kapitbahay na kasama kong lumaki. Nilapag ni Storm ang balikbayan box sa tapat ni papa, at masama itong tinignan ng tatay ko.

"Hindi naman namin kailangan niyan, masaya na kami kung tumawag ka lang," sabat ni papa bago nagpatuloy sa paglilipat ng channel sa TV. "Nalaman na lang naming nakaalis ka noong naibalita sa TV. Ganyan na ba talaga kalaki ang ulo mo para doon pa ipaabot samin na aalis ka?"

Sinuway siya ni mama bago kinuha sa akin ang cake na dala ko at hinala kami sa may dining area. "Naku, huwag mong intindihin 'yan si Papa mo. Nagtatampo lang 'yan kasi hindi ka masyadong nagpaparamdam."

Tumabi sa akin si Storm at muling hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng dining table. I looked at him and smiled at the worried look on his face. He squeezed my hand three times. I did it to him too before dropping his hand and turning to my mother.

His hand landed on my lap.

Muli akong ngumiti sa nanay ko. Sobra ko siyang na-miss. Now that I am looking at her, I couldn't believe how much I lasted staying away from them. "Pasensya na po. Sobrang busy lang sa trabaho," pagdadahilan ko, kahit pa sobrang lame nito.

"Busy-busy. Nagrarampa ka lang naman ng damit, pinipicturan ka lang naman. Anong nakakapagod doon at hindi mo makuhang gamitin yang mamahalin mong telepono at tawagan kami?"

I tried not to wince or show any emotion, but Storm's hand squeezed on my knee. "Sorry po, pa."

Nakatalikod ito sa amin at nakaharap pa rin sa TV, kahit na nagsisimula na siyang manermon. I hate this side of him. I rarely see it before, but now...

"Nawala ka lang sa tennis, nawalan ka na rin ng disiplina."

"Joselito," my mother once again interrupted him. I can see the irritation building in her face. "Tama na 'yan."

"Sorry po, mama."

Umiling lang ito sa akin bago muling nagsimula sa pag-aasikaso sa amin ni Storm. "Kakapalengke ko lang kanina. Nakapag-tanghalian na ba kayo? Gusto mo ipagluto kita ng paborito mo?" sunud-sunod nitong tanong bago tumayo at binuksan ang ref namin.

"Tigilan mo 'yan, Celia," sita naman sa kanya ni papa. "Masasayang lang 'yung niluto mo kaninang umaga. Sila na nga itong nang-abala, sila pa 'tong pagsisilbihan mo."

Nagulat ako nang biglang tumayo si Storm at malakas nitong napaurong ang upuan niya. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang hawakan nito ang braso ko at dahan-dahan akong hinila patayo.

Humarap ito sa tatay ko, pilit pa rin ang pagpapakita ang respeto kahit na galit na galit na ito para sa akin. "Tito, with all due respect po, I think it's time for us to leave. Babalik na lang po kami kapag ready na ulit kayong maging proud parents sa anak niyo."

Hinila na ako nito palabas at agad-agad ring sumunod sa amin si mama. Palabas na sana kami ng date ng pigilan niya kami at hinila ako para muling yakapin.

"I'm so sorry, Asher," bulong nito sa akin, puno ng lungkot ang boses. "I'm so proud of you, anak. Alam mo naman 'yun, diba?" Lumayo ito sa akin at hinawakan ang mukha ko, seryoso ang tingin sa akin.

"Salamat, mama," bulong ko, nangingilid na ang mga luha. I'm just so fucking done. This is why I don't talk to him, why I don't go home. "Matagal ko lang pong hindi narinig sa inyo, masaya ako na ma-remind today na proud pa rin po pala kayo sa akin."

"Anak ko," sabi nito habang naluluha na rin. "Pag pasensyahan mo na ang Papa mo, nahihirapan lang siyang tanggapin na hindi ka na ulit makakalaro ng tennis at hindi na matutupad ang pangarap niyong dalawa na maging Olympic medalist."

"Tingin niyo po ba hindi ako nasasaktan?" tanong ko, tuluyan nang umiyak."That was my dream, my childhood dream."

"Proud pa rin sa'yo ang Papa mo. Nahihirapan lang siya ipakita 'yun dahil iba na ang karerang tinatahak mo."

Pinunasan ko ang mukha ko at kinuha ang envelop na nasa backpocket ko. "Sinasabi niyo lang 'yan..."

Umiling ito. "Hindi. Alam ko, anak. Proud sa'yo ang papa mo. Huwag mong isipin na hindi siya masayang nakabangon ka ulit at binubuo mo ang pangalan mo sa ibang industriya ngayon. Sobrang proud kami sa'yo, Asher. Hirap lang talaga siyang maka-move-on."

"Ang sakit-sakit niyang magsalita, ma."

Kita ko ang napupunong galit sa mga mata ng nanay ko, bago ito tumango at hinawakan nito ang balikat ko. "Kakausapin ko siya, hindi ko rin nagugustuhan ang mga sinasabi niya sa'yo."

Inabot ko sa kanya ang envelope na may lamang dalawang tickets para sa House of Red show bukas. Hindi ko inaasahang pupunta sila, pero gusto kong makita nila kung ano na ang natamo ko sa bago kong career.

"I'm opening and closing the show bukas, mama. Hindi ko po kayo ine-expect na pumunta, pero sana po masuportahan niyo ako at makita niyo na okay po ako."

Tinanggap niya ito at mahigpit na hinawakan.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Storm. "Mauna na po kami. Baka gabihin pa kami sa daan."

Tumango si mama sa kanya at ngumiti, pero kita pa rin ang lungkot sa mukha niya. "Bumalik kayo agad. Please."

Ngumiti rin ako sa kanya habang muling pinupunasan ang mga luha sa mukha ko. "Bye po, ma. Thank you."

Hinatid niya kami palabas ng gate. Muli itong tumingin kay Storm "Yap, ikaw na bahala sa kanya ha?"

I felt his hand squeeze my shoulder once again. "Don't worry, tita. Ako bahala dito."

She raised her hand and pointed a finger on his face. "Ingatan mo."

Tumango ito at ngumiti sa kanya. "Opo. Girlfriend ko 'yan eh."

Natawa ito. "Mabuti naman at nauntog na kayong dalawa," sabi nito bago muling tumingin sa akin. "Tawagan mo ako mamaya, Asher. Please?"

"Opo, ma."

***

We were both silent once we entered Storm's car, him from anger and frustration and mine was rooted in embarrassment and hurt. Hurt for that little girl who worked her ass off to make her dad proud. Embarrassed that Storm had to see and hear those words from one of his father figures, as well,

"I'm sorry for that," I told him as soon as his hand landed on mine. I looked his way and flashed him a sad smile. "Dapat pala ako muna 'yung pumunta para nabawasan na 'yung galit ni papa bago kita ipakilala as my boyfriend,"

"Don't say that," he said, visibly still angry for me.

I shrugged, still trying to stop the dam of emotions from breaking. "I really disappointed him."

"There's no good reason for him to act like that towards you," he said vehemently. "I know he helped you when you were training as a great tennis player before, but he could've at least shown his interest in your new career. He didn't have to belittle it." He paused before he continued with his rant. "No, he shouldn't have belittled it. What does he want you to do? Wait at the sidelines and wither away while your contemporaries are playing? Does he want you to be upset and depressed for fucking life?"

I leaned my head back against the seat and closed my eyes. "Let's just go..." Ayoko na pag-usapan pa ang mga sinabi ni papa sa akin kanina, I just want to process them on my own.

His hand squeezed mine. "Let's go to my mom's?"

Opening my eyes, I looked at him with a tired smile on my face. "I'm sorry, babe. Pero huwag muna ngayon, please."

He leaned close and kissed my forehead. "It's fine. But are you okay?"

"Yeah," I answered, my voice small.

He kissed my lips before whispering. "Liar."


To be continued...

When We HappenedWhere stories live. Discover now