"Sorry po ma'am Chanel and Sir Daryl. Pasensya na po—" Chanel cut me off.

"No,no,no Serene, hindi mo kasalanan. Si Bethany dapat ang magsorry sa aming lahat dahil siya ang may kagagawan ng lahat ng to" In which Bethany looks at Chanel, disgusted.

"Ako? Mag-sosorry sa PA niyong cheap at walang utak? Heh, never" Matapos sabihin ni Bethany yun ay nakatanggap ito ng malutong na sampal mula kay Daryl.

"Wala palang utak ha, Anong akala mo sa sarili mo Bethany? Sumusobra ka na! Pag ito nakarating nanaman sa parents mo, heh, I can't defend you anymore. Sawang sawa na kaming lahat sayo! To the point na halos isuka ka naming lahat dahil nandidiri na kami sa ugali mo! Napakabitchesa mo! Nakakaimbyerna! Gusto mo nasayo lahat ang cameras kahit na hindi naman kailangan. Ano, may exposure lagi? Kaya nga may katagang "GIVE CHANCE TO OTHERS" di ba? Matalino ka nga, pero di mo pa alam lahat" Bulyaw nito. Wala pa itong nagawa kundi ang umiyak na lamang. Tinignan ito ni Chanel bago ito magsalita.

"Heh, yan ba ang definition ng beauty and brains para sayo, Bethany? Palibhasa kasi ikaw, nakukuha ang lahat in just a fucking snap! Samantalang ang mga katrabaho mo, nagsumikap, nag-aral ng mabuti para makatuntong lang sa posisyon na para sa kanila. You know what? Try to be in their shoes sometimes para maintindihan mo yung mga paghihirap nila. Napakaambisyosa mo. May I remind you of your status sweetie, artista ka, hindi amazona. Nagsisimula ka palang mag-shine as an actress sa industry. Yet you have the guts to job shame your friend's personal assistant. Mahiya ka naman. Kilalang kilala na ang family niyo dahil sa sobrang yaman niyo. Halos talunin niyo pa nga family ni Seven eh. Can't you be at least grateful enough sa lahat ng meron ka? Palibhasa kasi feeling main character ka, kahit ang totoo villain ka, lason para sa buhay ng mga taong nakakasalamuha mo dito sa showbiz industry." Di na niya napiglang sumigaw. Halos parang kainin na ng lupa si ma'am Bethany dahil sa sobrang hiya. Lahat ng mga tao sa loob ng shoot ay nakuha ang atensyon nito. Akamng susugurin pa sana ako ni ma'am Bethany nang harangin ito ni Archer.

"Don't you ever dare lay a hand on Serene. Wag mo kong subukan na pati koneksyon ko sayo bilang kaibigan ay masisira dahil sa kagagahan mo" Pagbabanta nito. Hindi na napigilan pang umiyak nang tuluyan si ma'am Bethany nang magsalita itong muli.

"Bakit laging sa akin lahat ang sisi? Bakit hindi si Serene? Tutal siya lang naman yung may kagagawan ng lahat ng to" Paninisi niya sabay duro sa akin.

"Aba, may gana ka pang sumagot sa amin ng ganyan ngayon Bethany! Malamang, nagkakamali yung tao, hindi naman siya katulad mo na feeling perfectionist kahit na ilang beses na tayong magtake ng ilang scenes, yet hindi mo pa rin siya nakukuha in just one take!" pabalang na sagot ni Chanel.

"Kala mo naman di ka naming uurungan, simula pa lang to Hany. Parang sa showbiz career mo, nagsisimula ka pa lang, nagmamagaling ka na, feeling nasa tutok pero taliwas naman sa pangarap na gusto mong maabot" Pagtataray naman ni Daryl. Thankful ako kasi naiintindihan ni ma'am Chanel at sir Daryl ang situation ko. Hindi naman kasi ako kasing-yaman ni ma'am Bethany gaya ng inaasahan nila, nagtatrabaho ako ng marangal bilang PA ni Seven Archer Cortez. Maya-maya pa ay agad sumikip ang aking dibdib at tuluyang nahimatay dahil sa sobrang pagod na rin sa trabaho.

"OMG, Serene, serene" boses iyon nina ma'am Chanel at sir Daryl. Agad akong binuhat ng isang mala-adonis na bulto – si sir Seven. Bakas din sa kanyang kilos ang pag-aalala.

"What happened to her?" Feeling close naman tong isang to. Parang kanina lang inaaway away ako ah. Close ba tayo para maging concerned citizen ka?

"Ay wow, close kayo? Parang di mo inaaway kanina ah, galing mambaliktad ng emotions at feelings. Bravo! Pwede ka nang maging nominee sa Oscars" Pagtataray muli ni ma'am Chanel. Sumagot naman si Bethany.

"Bakit? PA lang yan. Dapat nga hinayaan niyong mangisay diyan para—"

"Para ano Bethany? Maging kayo ni Seven? In your dreams! Kahit ilang ulit ka pang humiling sa langit, pati mga anghel dun hindi ka na tatanggapin sa ugali mo palang na magaspang" Taas-noo'ng sabi ni Sir Daryl. Dumating na rin si sir Hades.

"Bethany, ano nanaman tong ginawa mo? Saka ano ang ginawa mo kay Serene?" Pagpupumilit nito.

"L-let me explain Hades. A-ano ka—" Hindi na pinatapos pagsalitain ni Sir Hades si ma'am Bethany.

"Ano tong naririnig ko na sinasaktan mo si Serene? Bethany, hindi ka na bata. Grow the hell up! Saka ano tong sinasabi mo na PA lang? Sa tingin mo ba hindi rin nakakapagod ang trabahong yan? Oo, naiintindihan naming lahat dito na mayaman ka. Pero bakit kelangan mo pang manliit ng kapwa mo para ano? Para maging relevant ka? Para mas angat ka sa aming lahat? Ganun ba ang gusto mong iparating sa aming lahat dito?" Humahangos na tanong ni sir Hades. Natahimik lamang ito.

"Ako nanaman nakikita mo. Laging ako. Bakit hindi siya yung pinapagalitan mo? May mali rin naman siya dito ah!" Sagot ni ma'am Bethany.

"Bakit? Buti sana kung mabuti yang pinapakita mo, eh hindi eh. Kung tratuhin mo nga yung mga staffs at co-workers mo dito, parang akala mo kung sino ka na kung umasta! Oo, ikaw na mayaman, ikaw na lahat ng meron ka. Ni ultimo designer brands na latest halos lahat nakukuha mo ng walang kahirap-hirap. Hindi ka man lang ba naawa sa mga taong nagsusmikap para maabot din yung buhay na gusto nila? Siyempre, lahat sila dumaan sa hirap. May pamilyang binubuhay yung ilan sa kanila dito. Sa tingin mo ba madaling makahanap ng PA sa ganitong panahon? Isipin mo rin sana. Try to fit in their shoes sometimes. Hindi yung magfefeeling prinsesa ka dito. Isa pa, hindi competition to. Alalahanin mo, kalaban mo sarili mo, hindi ibang tao." Hindi na napigilan pang sigawan ni Sir Hades si ma'am Bethany. Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa akin at inalalayaan ako.

"Isip bata naman pala yung Bethany na yun. Akala niya siguro napaka-perfect niya eh. Porket di lang nakuha yung role na gusto niya, aasta-asta siya dito na parang gago sa kalye. Asal-kalye ang hayop" Comment ni ma'am Chanel na sinang-ayunan ng iba.

"Oo nga, akala niya kung sino siya dito eh palpak naman lagi ginagawa nun. Maninisi pa ng ibang tao pag nagkamali siya ng isa o dalawang lines lang." dagdag pa ng senior hairstylist ni Seven. Maya-maya pa ay tuluyan na akong nagising na kaagad namang inaksyunan ni Seven para alalayan ako.

"Okay na po ako sir Seven. Thank you po, and sorry na rin po sa nangyari kanina. Pati si Sir Hades nadamay rin sa kaguluhang ginawa ko" Pag-amin ko na ikinailing niya.

"No Serene, in fact you just did the right thing. I'm glad Hades came just in time to protect you. Bagay na ipinagpapasalamat ko" He taunted. Nakangiti na sinalubong ako ni sir Hades.

"Hi Serene, are you alright dear?" Sir Hades asked, concern was etched on his face.

"Okay na po ako sir. Thank you po sa pagtatanggol sa akin." I said. Ngnitian lamang ako nito.

"Pagpasensyahan mo na si Bethany ha, masyado kasing spoiled ang isang yun. Palibhasa kasi sunod sa layaw ang mindset ng babaeng yun. Ni hindi ko na nga makontrol ang pagiisip ng isang yun eh" Pagmamaktol niya na ikinatawa ko lamang.

"Ay, naku po. Okay lang po yun sir. Ayoko na po siyang patulan. Nakakasawa rin po kasi siyang kausapin eh" Sagot ko na ikinatango ng iba kong kasamahan.

"May point si Serene, saka bakit namin kakausapin yung Ursula na Bethany na yun? 'Nu siya, sinuswerte? Buti sana kung matino kausap yun, eh parang may sariling mundo yun eh. May saltik sa utak." Maktol ni sir Daryl.

"Anyways, if you guys need anything, I'm only one call away. And please Serene, if you need anything, don't hesitate to leave me a beep" Paalala ni sir Hades na ikinatango naming lahat.

"Bro, alis na ako. Bye Serene and the rest of the squad!" Pagpaalam niya sa aming lahat. Kumaway lang kaming lahat sa kanya.     

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Charming Actor (Temptation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon