Chapter 52

274 4 1
                                    

Chapter 52:

Maica's POV

"Good morning, Pa." sabay beso ko kay Papa.

Nasa company ako ngayon, sa office niya to be exact. Anong pangalan ng company? Saavedra Estates.

"Good morning din, hija. Kumusta ang pag-stay mo dito sa 'Pinas?" tanong ni Papa.

Kagagaling lang kasi namin from States. Simula nung namatay si tita Mariz and nawala yung baby nila which is yung pinsan ko, lumipat na kami ng States. Actually, hindi ko talaga tatay si Papa. Papa lang ang tawag ko sa kanya because siya na ang nagpalaki sakin since I was a kid. My parents died when I was uhhmm.. I think.. 7 years old? They died because of car accident. Pagkatapos ng nangyaring yun, si Papa na ang kumupkop sakin at tinuring akong isang tunay na anak. Kamag-anak ko naman ang tinuturing kong tatay because kapatid niya ang totoong daddy ko.

"well, Its okay pa. Medyo naninibago lang."

"ngayon lang yan, anak. Masasanay ka rin. And... buti naman at nagtatagalog ka."

"sabi mo kasi, magtagalog ako kasi nasa Pilipinas ako." natatawang sabi ko.

Well, I'm very fluent in speaking tagalog naman because first of all, dito ako pinanganak at lumaki for 7 years. Second, nag-tagalog lesson ako nung nasa States pa kami. Si papa ang may gusto nun para daw di ko daw makalimutan magtagalog. And last, tagalog ang language namin kapag kami-kami lang ang nag-uusap sa bahay.

"good then." sabay ngiti ni papa.

"nga pala pa, pumunta ako ng Nordstron University nung I think.. dalawa or tatlong linggo na ang nakakalipas? Basta yun. Sinurprise visit ko yung boyfriend ko."

Alam naman ni papa na boyfriend ko yung principal ng school na yun. Yup, you read it right. Alexander Nicolas Nordstron is my boyfriend. Three years na nga kami eh. Akalain mo yun? Nagtagal kami ng ganun katagal. Actually, nakilala ko siya sa States. Nagbabakasyon lang siya dun. Medyo nahirapan nga kami sa relationship namin dahil umuwi siya dito sa Philippines. Alam niyo na. Long distance relationship. But see, kami pa rin hanggang ngayon.

"Kumusta naman? Maganda ba ang school?"

"opo, pa. Ay! You know what pa? May nakilala akong girl. Ianne is her name. Ang cute noh? Kapangalan niya yung... uhh.. nevermind." Bumalik si papa sa swivel chair niya. Na-miss niya siguro yung mag-ina niya.

"Maica, may balita ka na ba tungkol sa anak ko?"

Alam ko namang itatanong niya yan. Actually, kaya kami umuwi dito dahil sa anak niya. Gusto niya ulit ipahanap ang anak niya. Her daughter got kidnapped 17 years ago. Yeah, 17 years. I think, 2 months pa lang yung baby nila nang ma-kidnap ito. Si tita Mariz naman, namatay. Pinatay siya. Nakita yung bangkay ni tita Mariz pero yung sa baby nila, hindi pa rin nakikita hanggang ngayon kaya umaasa pa rin si papa na makikita niya ang anak niya. Na buhay pa ang anak niya.

"uhhmm.. pa, wala pa po but I will do my best para mahanap siya." I sincerely answered.

"salamat anak. Salamat."

Alam ko. Nararamdaman ko. Malapit ko nang makita ang pinsan ko. Malapit na malapit na.

Ianne's POV

"kuya, sasama ka ba sakin?" tanong ko kay kuya.

Pupunta kasi akong sementeryo. Dadalawin ko ulit sila mama. Sembreak na nga pala. Ang bilis ng panahon noh? Tapos na rin ang first sem namin. Kung itatanong niyo ang mga grades ko? Okay naman! Matataas ang grades! Tayo'y magdiwang!

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon