Chapter 27

284 5 1
                                    

Chapter 27:

"manong para ho" sabi ko sa jeepney driver. Inihinto naman ni manong ang jeep pagkatapos ay bumaba na rin ako. Pagkababa ko ay nagsimula na akong maglakad. Walking distance pa kasi ang Nordstron University eh. Di siya gaya ng ibang school na sa highway nakatapat.

So eto nga, naglalakad na ako. Ako lang ang naglalakad dito kasi yung ibang estudyante eh naka-motor o di kaya naka-kotse.

Pagkapasok ko ng campus, biglang sumulpot si Rocelle sa tabi ko. Nagulat naman ako kasi para siyang kabute na sulpot na lang ng sulpot!

"good morning Ianne" bati niya sakin. Himala ata at di niya ako binu-bully?

"g-good morning din" medyo ilang kong sabi. Pinagtitinginan naman kami ngayon ng mga estudyante siguro kasi kasama ko ang queen bee ng campus.

"how's your day?" tanong niya pagkatapos ay inakbayan ako. Napa-woooaaahh ang isip ko kasi naman, himala na hindi niya ako pinandidirihan.

"o-okay lang" okay. Ilang pa rin ako. Nakakapanibago kasi si Rocelle.

"really? Good then. I'll go ahead huh? See you around Ianne. Goodluck!" pagkatapos ay nauna na siya sakin. Goodluck? Sa pagkakatanda ko, wala naman kaming quiz ngayon kaya para saan ang goodluck niya? Hmm... siguro para maintindihan ko yung mga lesson ngayon. Tama, siguro nga.

Dumiretso ako sa locker room para kunin yung ibang libro ko. Pagkabukas ko ng locker ko ay may biglang bumato sakin. Ano ba yun! Di ko na lang yun pinansin. Baka wala lang yun. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa locker pero may bumato na naman sakin. Pagtalikod ko..

"hahahaha!" grrr.... kainis! At pinagtatawan pa nila ako! Kinuha ko na ang kailangan ko pagkatapos ay sinarado ko na ang locker ko at lumabas na ng locker room.

Naglalakad na ako sa campus ground papunta sa building namin pero habang naglalakad ako may ilang mga studyante ang nambabato sakin and take note, BATO po ang pinambabato sakin. Ngayon, madami nang bumabato ng bato sakin! Grrrr!!!! Kainis!!! Masakit na ang ulo ko at pati na rin ang likod at binti ko. Dun kasi natama ang mga bato.

Humarap na ako para sigawan sila kasi kanina pa nila ako binabato pero wrong move kasi...

*puk*

"puk*

*puk*

Ahhhhh! Nakakabwisit! Natamaan ako ng bato sa noo, sa pisngi at sa braso! Bwisit talaga! Sinamaan ko ng tingin ang mga estudyante na bumabato sakin pero pinagtawanan lang nila ako.

"Ianne! Look here!" ako namang si tanga, tumingin nga at ayun!

*puk!*

Sapul ang noo ko. Nagtawanan ang 3R. Kainis!

"hahaha! Uto-uto! How pathetic!" sabi Rocelle na tumatawa pa!

Nakaramdam ako na parang may kumikirot sa bandang itaas ng kilay ko. Paghawak ko...

Uggghh... Dugo.

Doon yata ako natamaan ng bato na binato sakin ni Reinalynn. Tinignan ko lang sila ng masama pero tiwanan lang ulit nila ako. Grrr..

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa building namin. Ayoko na silang patulan. Wala rin namang mangyayari.

Kahit na hindi ko na sila pinapansin eh patuloy pa rin sila sa pagbato sakin. Sa totoo lang, masakit na ang ulo ko. Dun kasi ako natatamaan hanggang sa napa-upo ako. Ang sakit na talaga! Nahihilo na rin ata ako...

"HEY STOP THAT!!!" narinig kong sigaw ng isang babae. Sapo-sapo ko pa ang ulo ko nang lumapit siya sakin.

"ayos ka lang?"

"Luchie..." after kong sabihin yun, everything went black.

Luchie's POV

Hala! Anong gagawin ko? Nawalan ng malay si Ianne. Dumudugo ang noo niya. Hinawakan ko yung likod ng ulo niya at.

Shucks! May dugo!

Bakit siya pinagbabato? Grabe sila mambully!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kevin. Hihingi ako ng help sa kanya.

"Kevin!" bungad ko.

"what?!?" kahit kailan talaga, laging galit si Kevin sakin.

"puntahan mo kami dito... Si Ianne!" sabi ko.

"nasaan kayo?" may halong pag-aalala niyang tanong. Bakit ganun? Nag-aalala siya kay Ianne? Magkakilala kaya sila? Kung sakin ba to nangyari, mag-aalala rin kaya siya?

"dito sa campus ground" malumanay kong sabi. Pagkatapos kong sabihin yun ay binaba na niya ang phone niya. Ano ba yan! Lagi na lang akong binababaan.

Hinintay na lang namin si Kevin. Habang nakapatong ang ulo ni Ianne sa lap ko, may napansin akong papel na nakadikit sa backpack niya. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

Nainis ako sa nabasa ko. Kaya pala siya pinagbabato. Alam niyo kung anong nakasulat? Ang nakasulat ay ito: 'YOU CAN THROW ME A STONE BACAUSE I'M A BITCH!' Tama ba yan? Nilagyan pa talaga nila ng smiley ah!

"SINO ANG MAY PAKANA NITO?!" sabay taas ko sa papel.

"Ako! Bakit? Papalag ka?" napatingin ako sa nagsalita. Yung babaeng sa unang tingin mo palang, eh masasabi mo nang 'bitch'. May kasama siyang dalawang babae. At sa dalawang babae na yun, kilala ko yung isa.

"oo. Papalag ako" pagkasabi ko nun ay siya namang dating ni Kevin.

"Luchie! What happened?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero di ko muna papansinin yun. Naagrabyado ang kaibigan ko!

"I will tell you the whole story later. Dalhin mo muna si Ianne sa clinic" pagkatapos ay binuhat niya nang pa-bridal style si Ianne. Bago pa siya makalakad, sumulyap muna siya sa tatlong babae na may pakana ng lahat.

"Rosalyn..." pagkasabi niya nun ay umiling-iling siya pagkatapos ay naglakad na papuntang clinic. Hindi pa siya nakalalayo ay tumigil siya sa paglalakad. Bakit kaya?

"Luchie..." my heart skipped a beat nang banggitin niya ang pangalan ko. Inlove talaga ako sa kanya.

"b-b-bakit?" waaahh!!! Bakit ako nauutal?!?

"di ka sasama?"

"a-ah.. susunod na lang ako.." pagkatapos kong sabihin yun ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Wew!

"o ano? Di ba papalag ka?" tanong nung babae kanina. Siya siguro yung leader sa kanilang tatlo.

"oo. Kaya heto!" at ginawa ko na anggusto kong gawin kanina pa. Bahala na kung magalit sakin ng todo si Kevin, angmahalaga naibigay ko sa tatlong bitch na to ang dapat para sa kanila.

The CommonerWhere stories live. Discover now