"Ay wag mo ako alalahanin. Mamaya pa ako kakain. Sabay na kami ni tatang mo." Ang asawa niyang si Mang Kiko ang tinutukoy niya.

"Nasaan po ba siya?"

"Nagdidilig siya ng mga halaman sa likod. Sige, iho, maiwan na kita. Hatiran ko lang siya ng kape."

Pagkatapos mag-almusal ay bumalik na ako ng kwarto.
Naalala ko kailangan ko palang bumili ng mga personal things ko. Damit lang talaga ang dinala ko, laptop at cp. Napagpasyahan kong pumunta ng mall tutal hindi na rin ako makakatulog nito.

Nagtoothbrush lang ako saka nagbihis. Simpleng navy blue v-neck t-shirt lang at cargo shorts.

Napasulyap ako sa bintana. Tila may kung anong pwersa ang nagudyok sa akin para pumunta doon. Hinawi ko ng bahagya ang kurtina. Tumingin ako sa baba. Bumilis ang tibok ng dibdib ko ng masulyapan ko na naman ang babae kanina. Nasa labas ito ng pinto at tila may hinahanap sa bag nito. Simple lang manamit ang babae. White sleeveless blouse, black skinny jeans and black flats. Nakalugay ang buhok nito na lampas balikat ang haba.

Nagulat ako ng may dalawang batang lumapit sa kanya. Isang batang babae at lalaki. Alam kong kambal ang mga ito dahil para itong pinagbiyak na bunga. Ngumiti ang babae saka masuyong hinalikan ang mga ito. Kinarga niya ang batang babae saka pumasok sa nakagaraheng silver na kotse.

Di ko man maamin sa sarili pero may disappointment akong naramdaman. May asawa na nga ito. Bakit wala akong nakitang asawa nito? Baka nasa trabaho or nasa abroad. Ako na rin ang sumagot sa tanong ko.

Pilit kong sinusupil ang nagpoprotestang damdamin ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam kong may asawa't anak na ang babae pero parang gusto ko pa ring makilala ito. You're hopeless, Marqus.

Sinundan ko ng tanaw ang sasakyan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Ilang minuto muna akong tumayo sa kinaroroonan ko bago ako nagpasyang umalis doon.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang babaeng ngayon lang pumukaw ng interes ko. Sa totoo lang, higit na mas maganda at sopistikada ang mga nagiging karelasyon ko. Aminin natin na if you got looks and money, babae na ang kusang lalapit sa'yo. Pero siya lang ang bukod tanging nakaapekto sa akin ng ganito.

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng tumunog ang telepono ko.

"What!" Wala sa sariling sagot ko na hindi tinitingnan ang caller id.

"Hey Big bro! That's not a nice way of greeting your dearest sister hmm?"

"Oh hi, sorry Margaux. It's just that I haven't gotten any sleep yet so I'm being grumpy and all."

"Hmm yun lang ba tlaga ang reason? But anyway, Dad told me you took a leave all of a sudden at hindi mo man lang sinabi sa akin."

"I was about to tell you but you called me first so.."

"Whatever. I want to visit you there and have a bonding with you. I'll just clear all my scheds then I'll let you know when,ok?"

"Ok then. You're welcome anytime,sis.

"I know hihi. I gotta go na. See you soon. Take care. Love yah!"

"Love you, too. Bye"

I ended the call. Well, that was my ever hyper sister. She was a model. Matanda ako sa kanya ng apat na taon. She tried to work in our company but eventually gave up since modelling was her passion.

***

Naglakad-lakad muna aq sa loob ng mall to get familiar with the place. Pagkatapos ay namili na ako ng mga kailangan ko at nagbayad sa cashier. Kasalukuyan akong palabas ng supermarket sa loob ng mall ng makaramdam ako ng pananakit ng ulo.

Shit. Here we are again. Umaatake na naman ang migraine ko and I fucking hate it 'cause I always end up throwing my last meal whenever it hit me. Dali-dali akong pumunta sa parking lot. Nararamdaman ko na ang pag-react ng sikmura ko.

Sa pagmamadali ko ay nabangga ko ang nasa unahan ko na naglalakad. Naglaglagan ang mga dala nito.

"Hey, watch where you're going!"

Hindi ko na nagawang mag-sorry dahil baka sa harapan niya pa ako maglabas ng kinain ko. Tinulungan ko na lang siyang mamulot ng mga nalaglag na grocery. Napahinto ako ng mapansing kong tila siya naistatwang nakatitig sa akin. Para itong nakakita ng multo.

Pero nagulat din ako dahil ang nabangga ko ay ang babaeng laman ng isipan ko kani-kanina lang.

Nahimasmasan ako ng magsalita siya.

"Kristoff.."

Kumunot ang noo ko. Napagkamalan pa ata niya akong ibang tao.

Di ako nagpahalata pero nararamdaman ko ng lalabas ang almusal ko kanina kasabay ng pagkirot ng ulo ko kaya halos padabog kong naabot sa kanya ang mga pinamili niya. Tumalikod na ako at halos patakbong tinungo ang sasakyan. Nagmadali na akong umalis ng parking lot.

Thank God. 'Yun ang unang nabanggit ko ng mahimasmasan ako. Medyo nawala na ang pananakit ng ulo ko. Halos liparin ko na ang bahay papasok kanina sa pagmamadali.

Andito na ako sa kwarto ngayon at pumunta sa paborito kong pwesto.

Ang bintana.

Inaabangan ang pagdating ng object of desire ko. Syet. Ambaduy mo Marqus ha. Kelan ka pa naging korni dahil sa babae? Naging stalker ka pa.

Ewan ko ba kung anong meron sa babaeng iyon at hindi na siya maalis sa balintataw ko.

Gusto ko sanang pumunta sa veranda kaso ayoko makita niyang lantaran ang pagi-stalk ko.
Argh, ano bang nangyayari sa akin? Hopeless na nga yata ako.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon