Chapter 2

1.1K 47 1
                                    


-Marqus-

Pagod ako sa biyahe. Kararating ko lang kaninang alas-dos ng madaling araw. Pero di ko pa rin magawang makatulog. Siguro naninibago lang ako. Tiningnan ko ang orasan. Quater to seven na. Bumangon na ako. Malabo na rin namang makatulog ako.

I have one month vacation so I'll enjoy as much as I can habang nandito. I asked dad to manage the company while I'm on leave. I really needed a long vacation because I wanted to free myself from stress pansamantala. Pumayag naman siya dahil alam niya na I worked almost non-stop since I took over the company. Siguro napapansin din niya ang pagiging mainitin ng ulo ko lately.

This is what I missed for years.

He suggested na dito ako sa bahay-bakasyunan sa Subic Bay ako magstay. It doesn't matter naman kung saan ako magstay as long as tahimik na lugar. Tama siya hindi crowded ang lugar kahit nasa freeport zone ito. Siguro I'll take a walk mamaya para makita ang paligid.

Sumilip ako sa bintana. Hinawi ko ng bahagya ang kurtina. Napansin ko ang isang babaeng nakatingin sa bahay. Mukhang katatapos lang magjogging. Tumigil ito pansamantala sa harap ng gate nila. May pagtataka sa mukha nito. Gumawi ang paningin nito sa bintana. Naalala ko tinted ang bintana kaya alam kong hindi niya ako nakikita. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Maganda ang babae. Balingkinitan ang katawan. Matangos ang ilong nito at manipis ang mga labi. Maputi ang balat at mamula-mula ang pisngi dala marahil ng pagtakbo nito. I thank God for my 20/20 vision dahil nakita ko ang pinakamagandang nilalang na nilikha niya. I wonder kung may asawa na ito.

Bahagya akong natawa. Ano bang pakialam ko kung may asawa na ito. Pero di ko pa rin magawang alisin ang tingin sa kanya.

Maya-maya pa'y pumasok na ito ng tuluyan.

Di ko maintindihan kung bakit parang may panghihinayang akong naramdaman. Sa isang sulok ng isip ko umaasam ako na sana makita ko uli siya.

Bumaba na ako papunta sa kusina. Naamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain. Naabutan ko si Nanang Dora na nagluluto ng almusal. Siya at ang kaniyang asawa ang katiwala dito sa bahay. Sa pagkakaalam ko hindi pa kami pinapanganak ay sila na ang katiwala sa bahay na ito. Hanggang sa nagkaanak at tumanda, loyal pa rin sila sa pamilya namin. Ang ama ko ang tumulong sa pagpaaral sa mga anak nila hanggang makatapos kaya bilang ganti naninilbihan sila kahit may edad na sila. Hindi na iba ang turing namin sa kanila. Mahigit singwenta na edad ni Nanang Dora pero malakas pa rin. Hindi mababakas ang tunay na edad dahil sa pagiging likas na masayahin nito.

"Magandang umaga, Nanang Dora". Bati ko sa kanya.

Bahagya pa siyang nagulat.

"Ay kabayo! gising ka na pala iho. Akala ko mamaya ka pa gigising dahil madaling araw ka na dumating. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Hindi pa nga po ako nakatulog. Naninibago siguro ako." Tiningnan ko kung anong niluluto niya. Sinangag at daing na may kamatis at sili. Paborito kong almusal. I'm not fond of pancakes and waffles at kung ano pang usual western breakfast hindi katulad ng kapatid kong si Margaux na laking amerika.

"Dyusme, baka may amnesya ka kaya di ka makatulog."

Natawa ako. "Baka insomnia ho ang ibig nyong sabihin"

"Pareho na rin 'yun. Basta magkatunog. O siya, kain ka muna. Wag mo ng intindihin 'yang amonya na yan."

Nangingiting napailing na lang ako. Pinagkiskis ko ang mga palad na parang sabik na bata habang inaamoy ang hinahain niya. Binigyan niya ako ng gatas. Hindi ako mahilig sa gatas pero hinayaan ko na lang.

"'Wag ka na magkape baka lalo kang di makatulog mamaya."

"Salamat ho. Tara ho sabay na kayo sa akin."

We BelongWhere stories live. Discover now