"Enjoy your life because life is short." Ika nga nila. Pero paano ko mae-enjoy ang buhay ko kung ako magdudusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa?
Wayback 2018...
"Hoy Xian! Dito!" Sigaw ng kaibigan kong si Yuan habang winawagayway ang kaniyang kamay. "Bakit, ano meron?" Pabalik kong sigaw sa kaniya.
"Wala lang, bawal ko ba ma-miss kabardagulan ko?" Balik niya sabay akbay. "Bawal!" Sambit ko. "Arte mo naman. Ay teka, nakita mo na ba si Gia?" Patanong na balik sa'kin. "Ah, hindi pa eh! Sunduin natin?" Sagot ko. " 'wag niyo na'ko sunduin, nandito na'ko." Nakangising sambit ni Gia na kaibigan ko rin. "Oh, nandito kana pala!" Sagot ko. "Sumusulpot kana naman!" Sambit ni Yuan na may pabirong galit na ekspresyon. "Wala kang pake!" Inis na sambit ni Gia. "Nye! Nye! Nye!" Pang - aasar ni Yuan kay Gia. "Tumahimik nga kayo!" Sigaw ko. "Heto kasi!" Bulung-bulungan ng dalawa. "Kumain nalang tayo, sagot ko." Sambit ko sa dalawa. "Ayun naman pala eh, dun tayo sa bagong bukas na restaurant." Wika ni Yuan. "Oo nga, masarap daw dun." Sabat naman ni Gia. "Basta pagkain talaga nagkakasundo kayo no?" Patawa kong sambit. "Hehe, tara na!" Ani Yuan.
-FAST FORWARD-
*At the restaurant*
Habang masaya kaming kumakain, may narinig kaming malakas na putok ng baril. Lahat ng tao sa restaurant ay nagtakbuhan, ngunit naiwan kami ni Yuan sa loob dahil si Yuan ang gusto nilang atakihin. "Sabi ko naman sa'yo bata, humanda ka sa susunod na gagawin ko. Humanda kana sa kamatayan mo!" Wika ng lalaking nakatakip ang mukha. "Babayaran ko na kayo, parang-awa niyo na, wag niyo'ko patayin!" Takot at naghihingalong sambit ni Yuan.
Sinubukan kong agawin ang baril ngunit isa sa mga tauhan nito ang humampas sa likod ko upang maging dahilan ng aking pagkahimatay.
Habang dahan-dahang natutumba, may narinig akong 3 naglalakasang putok ng baril bago ako tuluyang mawalan ng malay. Ang mga sumunod na tagpo ay 'di ko na alam, ngunit no'ng pag-gising ko ay...
YOU ARE READING
WRONG PSYCHO
Mystery / ThrillerWonyoung (Ive) as Gia Seungmin (straykids) as Yuan And Sunghoon (Enhypen) as Xian
