"Kapag kinuha ko ang dugo mo at pinaslang kita. Masasalin sa'kin ang kapangyahiran mo" Whoa! I jumped palayo sa kanya. "Huwag kang mag-alala, wala akong planong sipsipin ang dugo mo, dahil paniguradong wala naman akong mapapala sa'yo. Kaya ka nga dito napunta sa Icrolux de vil, dahil wala kanga lam" Arau grabe ha! Kung makapagsalita 'tong Claudia na 'to walang pakundangan. Nakasagot naman ako ng pallium at explico eh.

Gusto ko sanang mag-pallium dahil kahit hindi magsalita ang mga bampirang dinadaanan namin ay para na rin nila akong nilalait sa mga titig nila.

Kaya instead na pagtuunan ko sila ng pansin ay pinagmasdan ko na lang ang buong paligid. Parang isang subdivision ang pinasok namin dahil madaming bahay. Madami rin mga nakatambay na bampira sa labas ng bahay atkung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Maya-maya pa ay tumigil na rin kami sa isang pagkalaki-laking bahay. "Nais ko sanang bigyan ka ng sarili mong tutuluyan, ang kaso baka hindi ka sikatan ng araw at matripan ka lapain ng ibang bampira. Kaya dito ka muna tumuloy sa bahay ko" Wala yatang oras na hindi ako namamangha sa bawat makikita ko.

"Ang daming bampira huhuhu"

"Shh huwag kang maingay, magtago lang tayo"

"Mamaya na tayo lumabas pagka wala ng mababagsik na bampira"

"Nag-uumpisa ang klase dito pagkagat ng dilim, alam mo naman siguro 'yan kaya hindi ko na kailangang ipaliwanag sa'yo." Tumango ako pagkasabi niya nun at saka umupo sa mahabang sofa. Psh! Nakakapagod maglakad. "Oo nga pala. Wala akong pakialam kung sumunod ka o hindi sa batas dito sa loob na Rivrantine." Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Ang sabi mo kanina bawal pumunta sa ibang dormitories?" Gulat na gulat na tanong ko. Sa unang pagkakataon ay ngumiti sya as she throw herself on a chair. "Sabi ko lang 'yun. Nasa labas pa kasi tayo ng Icrolux de vil kanina kaya anumang usapan natin ay maririnig ng ibang estudyante o maging ng mga namumuno dito. Ligtas 'tong bahay ko kaya huwag kang mag-alala. Kahit anong gawin mo dito walang ibang makakaalam" Biglang nag-iba ang tingin k okay Claudia, kanina naiirita ako kasi parang ang sungit-sungit niya samantalang ngayon. "Mabait ka pala 'no?" I said.

"Hindi ako mabait, may mga bagay lang talaga na ayokong sundin" Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya because I feel the same.

"Mabait daw sya sabi ni Alexis!"

"Lumabas na tayo!"

"Weeee"

Lumabas mula sa bag na dala kong 'yung tatlong gagamba. Parang normal lang talaga sa kanila na makakita ng mga ganito dahil hindi man lang sila pinansin ni Claudia.

"Ito ang talaan ng mga asignatura mo" Iniabot niya sa'kin ang isang papel. Ganito ba talaga sila mag-schedule dito? Wala kasing oras kung anong oras magsisimula ang klase. Basta ang nakalagay lang ay ang mga subjects na dapat kong pag-aralan.

"Ano'ng eksaktong oras magsisimula ang klase?"

"Oras?" Nagtatakhang tanong niya. "Hindi ka nakikinig sa'kin. Tss. Ang sabi ko pagkagat ng dilim nagsisimula ang klase dito. Kaya pagkagat ng dilim, maaari ka ng pumunta sa mga gusali na nandyan sa talaan"

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon