Chapter 35

88.7K 2.3K 2.2K
                                    

Little Secret

The boys were now eager to practice. Kung gaano ka lamya ni Mavric sa nagdaang practice, ngayon, halos agresibo siya. Kahit ang iba, lalo na si Rick, ramdam mo ang gigil sa bawat kuha ng bola.

The coach couldn't even react to the way we practiced. They were already treating it like an actual game, and the coach's brows were furrowed the whole time, his hands on the sides of the waists, while the whistle on his lips didn't blow at all because he didn't find any mistakes in our play.

One week straight, we were like animals in court! At kahit 5AM, ginigising na ako ng tawag nila para lang magjogging kami nang sabay at deritso sa gym!

"Anong nangyayari sa kanila?" tanong ni Shiloh nang sinama ko siya lalo na't ayaw ko namang iwanang tulog.

Nagulat siya lalo na't mga alas singko pa lang, nasa labas na ng unit ang lima! And Shiloh has no choice but to participate since I wanted him to come along with me.

Tumingin din ako sa boys na kanya kanya ang pag-eexercise. Tyler was on the barbell, lifting it. Rick on the small barbells, enhancing his biceps; Mavric doing some vigorous sit-ups; Connor on the treadmill; and Ronan on the barbell as well.

"Anong nakain?" bulong ulit ni Shiloh nang kahit siya, napapansin na ang pagiging pakawala ng lahat.

Umiling ako at pinagtuunan ng pansin ang paglalagay ng gloves sa kanyang kamay.

"Eyes on me. May sarili kang gym trainer kaya huwag mo silang pansinin," sabi ko para hindi niya na isipin iyon.

Shiloh lets me wear my own gloves too. Tumayo ako sa harap niya. I clicked my neck to each side while stretching my arms. Bumaling ang ulo ng iilan sa amin.

Nagsimula din naman kaming dalawa. This time, we'll both spar. When Shiloh fired his first punch, I dodged it.

"Ba't umiilag, Brent?" sita ni Rick.

I glared at him. Sumasali sa relasyon namin ah? Mag-exercise ka diyan!

Shiloh fired another punch, and I immediately stepped backward to avoid it. Kahit mahal ko 'to ayaw ko namang magpabungi sa kanya.

"Left hook and then upper cut on the right hand, Shiloh," si Mavric na nagbibigay ng tip at mukhang nanonood na rin pala.

"Huwag umilag, Brent!" si Rick na muling sumigaw.

"Dude, mind your own—fuck." I cursed when Shiloh fired the punches Mavric had told him.

"Nice one, Shishi!" si Tyler na ngiting ngiti at nanonood na rin.

Shiloh smiled and punched his fists at each other, clicking his neck confidently. Binasa ko ang labi at ginalaw rin ang aking ulo habang umaangat ang aking kilay. Yabang ah? Purket may mga kakampi?

Tumigil si Mavric sa paglilift ng barbell at lumapit na. Even Rick stood next to him while putting his arm against his shoulder.

"Use your knee, Shiloh. If he punches, crouch and punch him on the stomach," patuloy ni Mavric.

Lumingon akong muli sa kanya. "Gago ka Mav—" I cursed when Shiloh's punch landed on my stomach.

Sumigaw si Shiloh at nagtatalong lumapit kila Mavric at nakipag-apir habang tumatawa! Tuwang tuwa!

I glared at them and pulled Shiloh back. This time, Tyler was now watching beside Rick while crouching down as he chugged his water.

I fired my first punch. Kaso hindi ko alam na malakas pala kaya tumama sa balikat niya. Napatayo si Tyler habang napamura si Rick, si Connor na nasa treadmill ay napaalis para lumapit.

Between the Rainbow (Strawberries and Cigarettes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon