PROLOGUE:

21 2 2
                                    

“Peachiee! Bakla! Kanina ka pa namin inaantay!” Bungad kaagad sa akin ni Maya pagpasok ko pa lang sa room.

Nilapag ko muna ang bag ko bago lumapit sa mga kaibigan ko na kanina pa nagkukumpulan.

“Hindi naman na kasalanan ni Neil ’yung nangyari. Nash’s punch him first, kaya gumanti lang si Neil.” Boses ni Mackenzie.

Pinag-uusapan nila ’yong nangyari kahapon na alitan kay Nash tsaka Neil. Kahit ako rin naman gaganti kung suntukin ako ng walang dahilan ’e.

“Hindi niyo naman alam kung bakit sinuntok ni Nash si Neil. Maybe he have a reason why he punch Neil, right?” Sabat naman ni Sabrina sa isang tabi.

“Pwede namang pag-usapan kung may problema si Nash sa kaibigan natin. Like duh? Ang immature naman niya sa part na ’yun.” Umirap pa si Mackenzie. Yes, tama ’yan te, ipaglaban natin si Neil.

“Bakit niyo ba pino-problema ’yan? Tanungin na lang natin si Neil mamaya.” Sumabat na si Maya. Sumang-ayon na lang kami at nagsibalik na sa kanya-kanyang upuan.

Nagmumuni-muni na lang muna ako habang inaantay namin ang professor namin sa first sub. May biglang kumatok sa pinto ng room namin. Sumilip doon si Mrs. Camorra.

“Ms. Safira?” pagtawag niya sa apilyedo ko.

“Si Peachie po ba, prof? Dito po oh!” pagturo sa akin ni Mackenzie sa likuran.

Kunot ang noo ko habang naglalakad palapit sa pintuan kung saan si Mrs. Camorra.

“Bakit po?” magalang kong tanong.

“Sumama ka sa akin. Pinapatawag ka sa SSC office.” Nakangiting sambit ni Mrs. Camorra. Sumunod na lang ako kahit hindi ko alam bakit ako pinatawag bigla.

Pagdating namin sa SSC office ay nakatingin silang lahat sa akin. Lalo na si Nash na madilim na nakatingin.

“You can sit down next to Mr. Iverson.” turo ni Mrs. Camorra sa bakanteng upuan na katabi ni Nash.

He’s the SSC President, I just remember.

Ilang minuto kaming tahimik sa loob ng office. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nakayuko lang ako.

“Qahira is a student achiever since elementary. She graduated Valedictorian when she was high school.” ani Mrs. Camorra.

“There are many students who would be better off fulfilling being a student council.” Pagsalita ni Nash sa tabi ko.

Ang kaninang kunot ng noo ko ay napalitan ng pagtaas ng kilay. Kaya ba nila ako pinatawag kasi ipapalit nila ako kay Vivian na dating SSC Secretary?

“Kung gusto niyo po akong ipalit kay Vivian. Hindi ako pumapayag, pasensya na po. Mauuna na po ako, may klase pa ako.” Magalang kong paalam sa kanila. Lahat sila ay naalarma nang tumayo ako.

“Qahira, wait!” Pagtawag ni Mrs. Camorra nang lalabas na sana ako.

“Bakit po?” tanong ko.

“Can you please sit down here again. Ikaw lang ang may potential na maging secretary ng SSC. Nakikita ko ang galing mo mamuno sa loob ng classroom ninyo.” paliwanag ni Mrs. Camorra. Umupo na lang akong muli sa tabi ni Nash.

“President po ako sa classroom namin, pero wala po akong planong maging part ng SSC officers,” seryoso kong sambit. “Madami pa pong ibang estudyante dyan na may potential maging secretary, at hindi po ako ’yon.” dugtong ko pa.

“Mas malaki ang potential mo sa kanila Qahira. Nagpa-survey na kami pero ni-isa sa kanila walang pumasa sa hinahanap ni Mr. President.” Napatingin ako kay Nash nang banggitin sya ni Mrs. Camorra.

Ang arte naman ng mokong na to, akala mo perpekto siya kung makapili ng secretary niya.

“Malaki na rin naman po sya, kaya niya na ’yung sarili niya.” sarcastic kong sabi.

“See, ayaw niya. Kaya ko naman maging Presidente kahit walang katuwang.” mayabang niyang sambit.

Napairap ako sa hangin. “Aalis na po ako, baka hinahanap na ako sa room namin.” sa ikalawang pagkakataon na paalam ko ay sa wakas nakalabas din ako.

Habang naglalakad ay inaalala ko ang sinabi ni Nash. Ang yabang e, akala mo kung sino makaasta! I hate him! He’s the worst president I met.

KAKATAPOS lang ng lahat ng subject namin. Nakaka-stress lalo na kung college ka na, ang daming research defense.

Hindi ko na kasabay ang mga kaibigan ko pauwi dahil may dadaanan pa ako. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit sa tenga at nakakapanghina. Napaluhod ako habang nakapikit at tinatakpan ang tenga ko. Napasigaw na ako nang hindi ko na napigilan ang sakit ng ulo ko. May mga boses akong naririnig na hindi sa akin pamilyar, sobrang sakit sa tenga at ulo.

Pagbukas kong muli ng mata ko ay naaninag ko 'di kalayuan ang pigura ng isang lalaki. Tumayo ako at naglakad na parang walang nangyari.

Dumiretso ako sa lugar kung saan ako laging nakatambay. Hindi na ito pinupuntahan ng mga tao dahil masyado ng luma.

Hindi ko alam sa sarili ko bakit ako pumupunta rito, pero dito lang ako nagkakaroon ng katahimikan, dito ang comfort zone ko tuwing may problema ako. Pinikit ko ang mata ko bago tumingala sa maaliwalas na kalangitan.

Pinuwesto ko ang bag ko sa ulohan bago humiga sa damuhan. Ganito na ang wisyo ko araw-araw pagkatapos ng klase. This place heals my inner child kahit hindi ko alam kung meron nga ba ako nun.

SHE always like this since she’s awake. She’s always in this place I go to. Nagtataka na ako sa mga kilos niya, nagka-amnesia nga ba talaga sya o nagkukunwari lang.

Napapansin ko palagi sa kanya iyong kwintas na suot-suot niya. Her mother gave her that necklace, I don’t know if she still remember that. Hindi ko rin alam kung may kasama ba sya sa bahay nila o wala. I know that she suffered a lot, she even don’t know her parents name kung wala pang nagbanggit sa kanya nun.

Hindi nga sya umiyak nung burol nila Tita, walang emosyong mababakat sa kanya, pero alam kung sa loob-loob nya ay nasasaktan sya.

Umalis na ako nang makitang tumayo na sya sa pagkakahiga kanina sa damuhan. Lumingon pa akong muli sa kanya bago tuluyang nilisan ang lugar.

Nagring ang phone ko sa kalagitnaan ng daan. Si papa.

“Kanina pa nag-aantay ang mommy mo, umuwi ka na.” sabi ni papa sa kabilang linya.

“Malapit na po ako,” sagot ko bago pinatay ang tawag.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

“HEY MR. IVERSON” Napalingon ako nang may tumawag sa apilyedo ko.

ythashirey

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEDUCING MR. PRESIDENT (#10)Where stories live. Discover now