"Atlas Montecillo ho asawa ni Jolene." Pagpapakilala ni Atlas kay Aling Susie sabay lahad ng kamay.

Tinaasan ko naman ng kilay si Atlas pero kinindatan lang nya ako.

Umawang naman ang labi ni Aling Susie at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Atlas.

"May asawa ka na pala Jolene." Sambit ni Aling Susie na tila di pa rin makapaniwala.

"O-Opo Aling Susie." Nasabi ko na lang. Hahaba pa ang usapin kapag sinabi kong hindi at ikakasal pa lang kami. Pero humanda sa akin mamaya si Atlas.

"May anak na rin po kami." Dagdag pa ni Atlas.

"Talaga? Aba'y ilang taon na ang anak nyo at nasaan sya? Kasama nyo ba?" Sunod sunod na tanong ni Aling Susie at luminga linga pa.

"Apat na taon na ho ang anak namin at nasa Manila ho sya naiwan sa magulang at kapatid ko." Sagot pa ni Atlas.

"Ay ganun ba. Sayang hindi nyo kasama."

"Hayaan nyo ho next time isasama na namin."

Pasimple kong siniko si Atlas, nagiging madaldal na sya. Kulang na lang ay ikwento nya ang love story namin.

"Mabuti naman at nauwi ka ulit dito Jolene. Kung hindi pa yata pumanaw ang Tito Jojo mo hindi ka uuwi."

"Pasensya na po Aling Susie. Busy lang po kasi sa Maynila."

Maunawing ngumiti si Aling Susie. "Alam ko namang may problema kayo noon ng mama mo. Hindi mo rin kasundo ang tiyahin at tiyuhin mo. Naiintindihan ko kung bakit mas gusto mong lumayo. Pero masaya ako na makita ka ulit."

"Salamat po Aling Susie. Masaya din po ako na makita kayo ulit." Si Aling Susie ay ilan lang sa mga taong totoong nagmalasakit sa akin noon.

Nabura ang ngiti nya sa labi. "Pero alam mo na ba ang kalagayan ng bahay nyo?"

"Opo, sinabi na po sa akin ni Leah. Kaya nga po ako nandito. Babawiin ko na po ang bahay ng papa ko."

Tumango tango si Aling Susie. "Kung magkaproblema nandito lang ako."

"Salamat po Aling Susie."

Nag excuse na kami kay Aling Susie at pumasok sa bakuran ng bahay namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa kaba kundi sa ngitngit.

Lumapit kami sa terrace kung nasan ang dalawang pinsan ko na anak ni Tito Rene. Ang lalaki na nila at mga nag aaral na tiyak. Nag angat ng ulo ang batang lalaki na naglalaro sa pasimano ng terrace. Nakita nya kami ni Atlas.

"Ate Jengjeng may tao." Untag ng batang lalaki sa kapatid nya na subsob sa ginagawang pagsusulat. Nag angat naman ng ulo ang batang babae at tumingin sa amin. Namilog ang mata nya ng makilala ako.

"Ate Jolene?" Tumayo si Jengjeng at bumaba sa terrace. Titig na titig sya sa akin. "Ate Jolene ikaw nga!" Niyakap nya ako ng mahigpit.

Niyakap ko din sya at hinaplos ang buhok. Sumunod na ring yumakap si JB. Namiss ko sila. Ang lalaki na nila. Wala naman akong sama ng loob sa kanila dahil inosente sila. Pero sa gagawin ko alam kong madadamay sila. Pero kailangan ng matapos ang kakapalan ng mukha at kawalanghiyaan ng tiyahin at tiyuhin ko.

Lumabas ang isang babae sa pinto. Si Tita Jackie na asawa ni Tito Rene.

"Jengjeng, JB kakain na." Tawag ni Tita Jackie sa dalawang anak. Natigilan sya ng makita ako. "Jolene?"

Tipid na ngumiti lang ako. "Kamusta Tita Jackie?" Kahit papaano ay naging mabait naman sa akin si Tita Jackie. Yun nga lang sunod sunuran sya kay Tito Rene. Kapag hindi sya sumunod ay binubugbog sya nito.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon