Walang pagsidlan ang excitement na nararamdaman ko habang naghihintay ng oras para pumunta sa Rivrantine. We're not sure kung hanggang kailan kami mag-stay doon, hanggang sa tuluyan sigurong bumalik ang mga alala ko kaya hopefully bumalik na rin kaagad ang memories ko para hindi ko na kailanganin pang mag-aral at magtagal doon.

Kung ico-compare ko kasi ang sarili ko sa isang normal na tao. Mas masahol pa ako sa kinder dahil kahit basic spells hindi ko alam. "Siguro maraming wizards na nag-aaral doon" kinikilig na sabi ako. Syempre, Harry Potter experience ang mag-aral sa isang school na punung-puno ng mga wizards. "Shit! Nae-excite na talaga ako!" Wika ko habang inilalagay sa loob ng bag ang mga papel na hawak ko. Sumaglit kasi kaming dalawa ni Lucian kanina sa mundo ng mga tao para ipa-print itong ginagawa kong story para maituloy ko kahit nandito ako sa kabilang mundo.

"Lady Alexis, ipapaalala ko lang po na walang ibang nakaka-alala sa inyo dito bukod sa aming lima. Kaming lima po ang pinili nyong kumatawan sa ritwal na iyong isinigawa kaya kaming lima rin ang hindi nawalan ng memorya" Lima? "Sinong lima?" Kunot-noong tanong ko. Nung tumingin ako sa likod niya ay may lalaki na syang kasama. "Maligayang pagbabalik, kamahalan" Pinasadahan ko sya ng tingin dahil ngayon ko lang nakita ang lalaking 'to. "Sya ang aking nakakatandang kapatid Lady Alexis. Sya po si Mikael" Saglit akong nag-isip bago ko sya naalala.

"Ahh oo! Sya 'yung sampung taon mo lang kung makita?" Tanong ko. Sya 'yung ikinu-kwento sa'kin ni Eureka.'Yung binawi pa niya at sinabing 10 months ang ibig syang sabihin. "Hahaha opo. Kada sampung taon lang kasi sya kung bumisita sa mundo ng mga tao dahil ginawa syang propesor sa Rivrantine ng mga Arentsvelt" Omy! "Ibig sabihin magiging teacher ko sya doon?" Tanong ko.

"Depende po sa mga ibibigay sa inyong klase kamahalan" Tumango-tango ako, oo nga naman. Sila Eureka na rin ang may sabi na one thousand times na mas malaki sa ordinaryong University sa mundo ng mga tao ang Rivrantine. Kaya for sure baka aabutin ng ilang araw or ilang buwan, o baka nga taon pa bago mag-krus ang landas namin ni Mikael doon.

Ilang saglit pa sumulpot si Lucian kasama si Loki. Yeah right, si Loki 'yung nagtangkang alisin 'yung memory ko that night. And damn! Sya din 'yung kasama ni Lucian nung gabi ng party. "Maligayang pagbabalik po sa inyo Lady Alexis, ang ikaapat na tagapagmana ng kaharian ng Queinsville" Ang awkward talaga pakinggan pero nginitian ko pa rin si Loki, baka kasi isipin papeymus ako.

Tinignan ko silang lima. Sila Samara, Eureka, Mikael, Loki at Lucian. "So kayong lima ang may alam ng pagkawala ng memorya ko?" Tanong ko.

"Opo kamahalan"

"Opo Lady Alexis"

"Opo mahal na prinsesa"

"Opo Lady Alexis"

Lahat silang apat ay sumagot except kay Lucian na tumango lang. Leche talaga 'tong lalaking 'to sasagot lang ng oo hindi pa magawa.

Kung silang lima ang pinili kong hindi alisan ng memorya. Ibig sabihin, silang lima ang pinaka-pinagtitiwalaan ko. I smiled at them before speaking. "Thank you sa inyo ah" Umpisa ko, sinsero ang pagkakasabi ko. "..at saka.." Nag-iisip pa ako ng pwedeng idugtong sa sasabiin ko nung sumingit sa usapan ang mga kuting.

"At saka tigilan nyo na ang dramahan at pumunta na tayo ng Rivrantine!" Masigla ang pagkakasabi ni Calista.

"Bes dinala mo ba 'yung baygon na inihabilin ko. May ipis lang akong i-sprayan" Hindi ko inaalis ang masasamang tingin ko kay Calista habang sinasabi 'yan para naman damang-dama niya. "Yan ba 'yung insecticide sa mundo ng mga tao na kapag inispray mo sa mga insektong makukulit ay mamamatay bes?" Gusto kong tumawa dahil nakisakay si Eureka sa pananakot dito sa mga langgam kaya nakita ko kung paano lumipad at nagtago si Calista sa likod ni Luella.

Writer's BlockNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ