Chapter 20: Mine

Magsimula sa umpisa
                                    

tumingin ako sa babaeng hawak ko na konti nalang ay gusto ng maiyak.

"Maupo ka na, dito ka nalang sa tabi ko."hinila ko siya sa malapit na upuan sa tabi ko.

"Sure ka ba?"tumango lang ako at binaba ang bag ko sa upuan at umupo na rin.

"Wag mo nalang sila pansinin,just study."kinuha ko ang reviewer ko sa bag ko at nagsimulang basahin ang notes ko sa next subject.

"Pwede bang sumabay sayo mamaya mag-lunch?"tanong ulit niya at may kinuha sa bag niya.

"Sige."sagot ko.

"Nagba-bake ako ng c-cookies baka gusto mo."tumingin ako sa cookies na gawa niya. Sa unang tingin palang ay alam ko ng masarap,ang ganda rin ng design.

"Ang ganda ng design ha."sabi ko at kumuha ng isa.

"Tinulungan ako ni Lolo rito sa paggawa."sabi niya at kumuha rin ng isa at kinain.

"Bakit kasi di mo tanggalin yang salamin mo,malabo ba mata mo?"tanong ko sakanya.

"Ahh ito ba, since high school ako gumagamit na ako ng salamin."paliwanag niya at ngumiti.

"Oh di ka na nauutal,bagay mo rin yung nakangiti."nakangiti ring sabi ko at tinapik ang ulo niya.

"Salamat."natigil na rin kami sa paguusap dahil pumasok na ang next professor namin.

Nakinig lang ako buong discussion at minsan ay napapansin ko ang tingin ni...teka di ko pa pala tinanong ang pangalan niya. Nakalimutan ko.

"Ano nga ulit yung pangalan mo?"tanong ko sakanya ng pabulong.

"Nathalie."bulong din niya kaya ngumiti nalang ako at tumingin ulit sa professor namin.

Matagal ding natapos ang discussion at ngayon naman ay pe na ang susunod. Nakisabay ulit si Nathalie na pumunta sa field pagkatapos naming magpalit ng P.E uniform kanina.

"May towel ka Atarah?"tanong niya saakin kaya agad akong umiling. "Bakit wala?"tanong niya.

Mabilis siyang pumunta sa likuran ko at ang towel na hawak niya ay nilagay sa loob ng t-shirt ko sa likuran.

"Dapat meron lagi."bakas ang gulat sa mukha ko dahil sa ginawa niya pero ngumiti nalang ako sakaniya.

"Salamat,eh ikaw may towel ka pa ba?"tumango siya at pinakita ang towel sa likuran niya.

"Tara na,magu-umpisa na ata."bigla niya akong hinila at muntik pa akong matalisod.

Hyper din pala siya noh. Napailing nalang ako dahil ang bilis niyang maging komportable saakin.

"Okay guys,find your partner para sa mga activities!"sigaw ni prof.

Hindi nagsalita ang babaeng nasa tabi ko at mukhang hirap sa paghahanap ng partner. Ginugulo na rin ako ng iba naming kaklase para maging partner na pero hinawakan ko na ang kamay ni Nathalie.

"Sorry guys,may partner na ako."nakangiting sabi ko at ngumiti sa hawak ko ngayon.

"S-sure ka ba?"tanong niya saakin kaya tumango lang ako.

"Huwag ka na mag-alala."she nodded at sa wakas ay ngumiti na rin ulit.

Ginawa lang namin ang mga exercises na pinapagawa ni prof at maayos namang ka partner tong si Nathalie.

Falling To Mysterious Student (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon