“Hindi niya kakayanin si Young Master Feliz. Isa sa mga pinakamagaling na underground fighter si Young Master Feliz kaya huwag mo siyang minamaliit.” pagyayabang nila pero natawa lang ako.

“Bakit siya ba ang number 1 fighter doon? Kung ikaw ang number 1 fighter, labanan mo ako.” pag hahamon ko sa kaniya.

“Unfortunately I'm not the number 1 fighter. There's this stupid guy who's on the top and I can't beat him. But I won't give up and I will k*ll him.” aniya na parang nagbabanta ba. Napangiwi na lang ulit ako dahil hindi bagay sa kaniya. Mas muka siyang nakakatawa kaysa sa nakakatakot sa totoo lang.

“You must be kidding Serena. There's no way you can beat our Young Master.” natatawang saad ng isa pa sa mga lalaking nandoon dahilan para kumulo ang dugo ko.

“Can you stop calling him Young Master? Ang pangit pakinggan and don't you dare underestimate me you f*cking bastard! Hindi nagbabayad ang tatay ko ng kalahating bilyon para sa mga ginawa kong kalokohan kung hindi mahina ako.” inis na saad ko sa kanila.

“Okay kung 'yan ang gusto, bakit hindi? Kapag nanalo ka, pakakawalan kita. Pero kapag ako nanalo, magpapakasal ka sa akin.” nakangising aniya dahilan para muntikan na akong masuka.

“Oh I rather d*e na lang kaysa ikasal sa katulad mo.” What the f*ck is that bet? Ako magpapakasal sa isang katulad niya? Sorry huwag na lang.

“Kalagan niyo na siya.” maikling saad ni Feliz sa mga tauhan nila.

“Sigurado ka ba Young Master?” tanong ni Gardon kay Feliz at tumango naman ito.

“Huwag kang mag alala Gardon, kayang kaya ko siyang patumbahin.” nakangising aniya bago lumapit sa akin si Gardon at tinaggal niya ang mga nakatali sa  akin.

“Finally, kanina pa masakit ang kamay ko.” saad ko bago humarap sa kaniya.

“Ready Serena?” tanong niya at umarkong parang susuntukin na niya ako pero inunahan ko siya. I showed him my kung fu fighting style at sinipa ko siya sa tiyan dahilan para tumilapon siya sa mga tauhan niya.

“Ayan lang ba ang kaya mo? Naturingan ka pa namang number 2 fighter ng underground kineme niyo tapos ganiyan ka lang kahina? Pathetic!” Sino na namang hindi matatawa kung isang sipa ko kang ay knock out na siya? Anong klaseng fighter 'to? Fighter ba talaga siya o feeling fighter lang?

“O—Okay lang ako Gardon. Itayo niyo ako.” pag uutos niya sa mga tauhan niya habang tumatawa ako.

“Ngayong talo ka na, uuwi na ako.” aniya at akmang maglalakad na ako ng may humawak sa kamay ko at itinali nila ito bago nila ako binalik sa upuan.

“Mga wala kayong kwenta bitawan niyo ako.” sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.

“Wala kayong isang salita! Mga duwag, mga bobo at mga walang kwenta!” sigaw ko nang sikmuraan ako ni Gardon. Nagsimula nang mahilo nang gawin niya 'yon.

“Ang dami mong satsat ha. Ayan manahimik ka!” sigaw niya. Akmang ipipikit ko na ang aking mga mata nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sila Clevy habang kasama niya sila Xander.

“Let's go boys. Time to get wild.” sigaw ni Xander nang makapasok sila dito.

Kaagad na kumuha ng mga bar*l ang mga lalaking kumidn*p sa akin pero huli na sila dahil nagsimula nang ratratin nila Theo ang mga lalaking 'yon. Kaagad na lumapit sa akin si Clevy at tinaggal niya ang tali sa akin.

“Are you okay babi? May masakit ba sayo? F*ck I shouldn't have taken that mission.” nag aalalang aniya bago niya ako binuhat at hinalikan.

“Okay lang a—ako. Medyo masakit lang ang tiyan ko dahil sinikmuraan ako nung lalaking 'yon.” aniya bago ko itinuro si Gardon na kasalukuyang pinapatakas si Feliz.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now