Perfect 31: Giling Mo Lang

Começar do início
                                    

Napatingin naman si Hunter sa kamay ni Garreth na nakadampi sa likod ko. Habang lumalakad kami papalapit sa kanila. I feel so awkward. Lalo na habang naghihintay kami kung kami na ba ang susunod.

Umakyat pa ang kamay ni Garreth para akbayan ako. Hindi ko maipaliwanag ang itsura ni Hunter. Mukha si'yang papatay ng tao ngayon. Si Garreth naman mukhang wala kaalam-alam kasi nanonood lang si'ya ng ibang sumasayaw.

"Tigas naman ng katawan niyan." Komento pa nito sa isang contestant.

"Mas matigas katawan ko dyan." Sabi ko.

"Atleast maganda ka naman."

At alam niyo na ang sunod na nangyari? Nagsibangon sa pagkahimlay ang taga tayo ng banner ko. Nagtatalon sila sa tuwa na para bang ngayon lang nasabihan ng maganda ang pinaka amo nila.

Kalma lang, Ashley.

"Ano 'yon pakiulit? Hindi ko narinig."

Tumingin sa'kin si Garreth, nakangisi nanaman. "Wala na. Di na pwede ulitin."

Tinanggal ko 'yung kamay niya sa'kin. Hinabol naman niya ako agad. "Maganda ka naman. Kumpara sa kanila. Matigas man katawan mo. Bumawi ka naman sa mukha."

What. The. Heck. Is. Happening. Here. Lang. diba!

"May lagnat ka ba?"

"Hoy, tama na nga landian niyo dyan!" naiinis na sabi ni Andeng. Hindi ko tuloy namalayan na nakatingin pala si Hunter samin, pati si Josa saka sila 'Nay Marya. Nakangiti sila ng todo sa'kin.

"Aba, ang mga anak ko, nagmamahal na nga talaga." Sabi nito at tinawag na ang pangalan nang grupo namin at umakyat na sa stage.

********

Todo projection ako habang nasa stage na kami. Duh, I'm good at this. Kung hindi ko madadaan sa lambot ng katawan. Dadaanin ko na lang sa ganda.

So, habang sumasayaw kami panay ang hawi ko sa buhok ko at panay ang ngiti ko sa mga judges.

"What the fuck are you doing?" pati ata si Garreth nahihiwagaan sa pinagagawa ko.

Giling here. Giling there. Giling everywhere.

"I'm dancing!" sigaw ko.

"Shit, Ashley Esqueza, nakakahiya."

Kung pwede lang tumabling dito. Ginawa ko na. Pero dumating na kasi 'yung part na nagpalit ng partner. Natameme tuloy ako ng na kay Hunter na ako. Hindi pa din niya ako kinakausap.

Pero ang intense ng tinginan namin. Bigla ako nagtino sa pagsayaw. Feeling ko nasa prom na kami ngayon. Maya maya bumalik ulit kami sa dati namin pwesto. Everyone is doing great. Syempre, kasama ako.

Todo-todo kembot na nga ko dito. Pati si Garreth, na may pagkadancer naman pala kaya hindi nagrereklamo ng sasali kami dito sa sayaw. Dumating ang part na magsho-showdown kami ni Josa.

Kunwari hinahamon ko si'ya. Alright, scratch the kunwari dahil hinahamon ko talaga si'ya. At dito ko na nilabas ang pagigigng gymnastic ko.

"Hahaha! Thank you so much for the support!" sigaw ko, kasi nagpalakpakan sila sa'kin. Si Josa? Kendeng kendeng lang ang kaya niya.

Anyway, so natapos ang sayaw namin na nagpapalakpakan ang lahat ng tao. Habang naghihintay nang mananalo kaming apat lang ang natira dito sa gilid. Hunter, Josa, Garreth at ako.

Ang sama ng tingin sa'kin ng Lola mo. Akala mo may nagawa akong kasalanan.

"Bakit ba feeling mo lagi ako nakikipag kompetensya sa'yo?!"

Napataas ang magandang kilay ko. "Feeling ko lang ba? Parang lagi naman talaga." I flipped my hair.

At hinatak niya ito. Syempre, papatalo ba ako? Hinatak ko din ang buhok niya. As in, gusto ko na ubusin sa sobrang inis ko.

"Bitiwan mo nga ang buhok ko! Mas mahal pa 'yan sa buhay mo! What the hell!!"

"Mang-aagaw ka! Mang-aagaw ka!" sagot nito.

"Hindi ako mang-aagaw! Malandi ka lang talaga! Bitawan mo nga! Ang mahal mahal magparebond, babastusin mo lang buhok ko! Leave it alone!" may humatak sa'kin.

Pero pilit pa din inaabot ng paa ko si Josa. "Nakakayamot ka, Ashley! Dapat ako 'yan, e! Dapat ako 'yung nasa pwesto mo ngayon! Dumating ka lang nagulo na ang lahat!" hawak-hawak ito ni Hunter sa katawan pilit inaawat.

"Mukha ka pa din aswang Josa! Wala kang karapatan na sabunutan ako dahil kabit ka lang!"

Wait, wrong movie again. Nakakainis naman kasi si'ya. Sino ba nagsabi na pwede niya sabunutan ang buhok ko?!

"Lahat na lang dinadaan mo sa biro!"

"Shut up! Wala akong pakialam sa sasabihin mo!"

"Tama na. Tumigil na kayo." Awat samin ni Hunter.

"Si'ya ang suwayin mo h'wag ako!"

"Stop right now, Ashley Esqueza. You're making a scene."

Natahimik kami pareho dahil ang dami nang tao ang nakatingin samin at nag-aabang sa susunod na mangyayari samin. Hinila na ako palayo ni Garreth.

Seriously, Garreth na garreth ako! Humanda 'yan Josa na 'yan sa'kin. Maabutan ko lang na tulog 'yan. Kakalbuhin ko talaga si'ya ng bonggang bongga!

Paalis na kami nang biglang i-announce naman ang nanalo. Kahit inis ako nawala ata ang pagkainis ko dahil narinig ko ang pangalan ng grupo namin.

"Eh, eh, eh, eh, eighty-one group is our grand winner for tonight! Here's a free road trip to Tagaytay!"

Nagkatinginan kami ni Garreth. Tagaytay, seriously? Ibig sabihin pwede na ako magrelax relax ng kaunti? Oh, finally! I'm excited!

Tagaytay here I come! Diba, may beach dun? Ire-ready ko ang swimsuit ko para kay Josa. Oo, para sa kanya!

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora