"I cast the spell before you arrived," sabi naman ng matandang witch. "Insurance."

Napatiim-bagang si Kam. Buti na lang pala nahuli s'ya ng mga ito bago n'ya napana si Kray.

She would have killed everyone in Obis City. Including her parents and her friends.

"Why are you doing this?" tanong niya.

"Malaki ang utang na loob namin kay Kray. We are doing this for him," ani Varci.

"Okay, then. So, why is he doing this? Dinamay n'ya pa ang mga inosenteng tao."

"He wants revenge. Ano pa nga ba?"

Napailing si Kam sa sagot ni Varci. Grabeng galit naman nito.

"Let the innocent citizens of Obis go," aniya.

"No. They're going to die," sagot ni Varci at ngumisi ang matandang witch.

"One last chance, Varci," sabi pa niya bago ikinuyom ang mga kamao. "Let the people go."

"No," amused na sagot ng babae.

"Alright, then," sabi ni Kam bago niya ibinaon sa kanyang leeg ang kutsilyo ni Varci. Bago pa man maka-react ang babae ay nasa likuran na siya nito, nakabaon ang mga pangil sa leeg nito.

The witch screamed and ran away.

Great. Ngayon ay nakuha na nila ang atensyon ng ibang mga naroon. Pati sina Kray at Cole.

Kam let go of Varci's body. She made a thudding sound when she hit the ground. Lifeless.

Nanlaki ang mga mata ni Kray nang makita ang walang-buhay na katawan ng adopted daughter nito.

Kam smiled as she wiped her lips with the back of her hand. All of this while staring straight at Kray's eyes.

"Human blood. Delicious," sabi ng dalaga na mas lumawak pa ang ngisi. How she hated him.

"Kamdyn!" halos mag-transform si Kray dahil sa sobrang galit. "Hulihin 'yan!"

Agad na kumilos ang mga tauhan nito at tinakbo ang direksyon n'ya. May mga bampira, witches at mortals. Lahat ay armado.

Binunot ni Kam ang kutsilyong nakatarak sa kanyang leeg at ibinato iyun sa isang witch. Sapol sa noo.

Kam looked at Cole. Nakita niyang tumango ito sa direksyon n'ya nang bigla na lamang natanggal ang gapos nito.

"Draven?" ani Kam sa kanyang isip.

"Cole will be fine. Gregory just freed him," sagot ng boses sa kanyang isip.

Good.

Kam looked around for a weapon, but she couldn't find any. Tiningnan niya ang mga papalapit na kalaban. As expected, mga bampira ang nangunguna.

One was holding a double-headed axe. It might be reckless, but it was all Kam could do. She was surrounded and she needed a weapon.

Sinalubong niya ang Turned na may axe. Nagulat pa ito pero agad na nakabawi.

Kam slid down and kicked the man's legs just right at the knees, breaking them backwards.

Sumigaw ito.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Kam. She picked up the axe and got up. She swung it to the nearest enemies, beheading four in one swing.

She didn't let anyone get close enough to stab her. No, hindi siya magpapatalo this time.

Yumuko siya upang maiwasan ang isang lumilipad na arrow at tumama iyun sa puso ng isang Pureblood. Yeah, wooden arrows were fatal to vampires too. Para na rin iyung wooden stake.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon