Kabanata 1: Ang Anghel

32 1 0
                                    

Matthew's POV

"Bakkklaaaaaaaaa" tinig na aking nadinig mula sa labas ng aming bahay.

"Hoy Matteo, ano ba!!!"

"Lumabas kana diyan at mahuhuli na tayo" dagdag pa nito.

"Sandali lang naman, Jema!" Sigaw ko naman pabalik dito kahit hindi ko pa ito nakikita dahil naka sarado pa ang pinto.

Dali-dali ko naman na sinuot ang pares ng aking sapatos at madaling binuksan ang pinto.

"Ano ba bakla kanina pa'ko dito" pambungad nito saakin.

"Hoy jema tumigil ka nga, ang aga-aga pa o! Hindi pa naman tayo late"

"Anong hindi? e 15 minutes na lang umipsa na nang klase"

"Heto na nga diba" sagot ko dito

"Hindi ba pinagusapan natin na maaga tayo papasok ngayon-" paneneromon nito "dahil mag b-boy hunting pa tayo"

"Ano oras kana naman ba umuwi galing simbahan ha?"

"ay sorry naman 'te Jema, kalanan pa pala ni lord ngayon na late ako nagising" pagtataray ko dito.

"E kasi naman, lagi ka na lang nasa simbahan, wala kanang oras saakin na bff mo"

"Sabi ko naman kasi sa'yo pumasok kana rin sa pagsasakristan, marami rin namang lalaki doon" Pang-aasara ko dito.

"Ano ka ba! Edi nasunog ako kung pumasok ako sa simbahan!" pagsagot nito saakin.

"Ang OA mo te, e hindi ba crush mo si JR? Sakristan din yon katulad ko, baka sakaling matikman mo pa siya kung mag sakristan ka rin."

Matagal ko ng iniinganyo itong si Jm na sumali sa pagiging sakristan pero mukhang malakas ang kapit ng demonyo sakanya kaya hangga ngayon ay hindi ko pa rin siya mapapayag.

Ngunit bago tayo magpatuloy sa kwento ko. Ako nga pala si Matthew Guevarra, 17 years old 5'4 at feeling virgin HAHAHA at Grade 12 'ko ngayon. Nakatira kami sa isang resettlement dito sa Pampanga. O mas kilala bilang Barangay Parausan, napunta ang karamihan ng pamilya na nakita dito ng pumutok ang bulkang Pinatubo taong 1991.

Kaya naman dito na rin lumaki ang mga magulang ko at dito na rin sila nagkakilala.

Only child nga pala ako. Dahil na rin sa hirap magkaroon ng anak noon si mama ay hindi na ito muling sumubok pa itong magka-anak. Ngunit sa kabila nito naging masaya naman ang aming pamilya, si Nanay Danica ay nagtatrabaho bilang Isang katulong sa isang kilalang Pamilya sa kabilang bayan, samantalang Isa namang construction worker si tatay Daniel.

Ang kwento nila saakin ay nagkakilala na raw sila dito sa aming barangay ilang taon matapos pumutok ang bulkan. Hindi raw agad sila bumuo ng pamilya dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Kaya naman masayang masaya sila ng ipinanganak ako.

Sa kabila ng mabuti at masayang pagpapalaki saakin ng aking mga magulang, may isang tao ang sumira at gumising sa demonyong natutulog sa aking katawan.

Mag mula ng mangyari iyon ay nagsimulang gumising ang demonyong ito at tuluyan ng kinontrol ang aking katawan.

Sa aking muling pag-iisip sa bagay na iyon ay hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa aming paaralan ng muli kong marinig ang tinig ng aking kaibigan.

"Ano 'te? Tulala lang ang peg?" Sabay hamas nito sa akin.

"Ha?" sagot ko naman Dito

"Ay wow! Kanina pa'ko dada nang dada dito." Dagdag pa nito

"E napuyat kasi ako kagabi dida"

"Halata nga te, Ang sinasabi ko lang naman ay bakit hindi mo pa rin sinasagot yung manliligaw mo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EAGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon