Chapter 08: Strangers

Start from the beginning
                                    

Pagpapatuloy niya.



“Party?”



Tanong ko sa kanya.



Noon eh mahilig ako sa mga party party pero simula nong mawala si Dad, wala na akong time para sa mga ganyan. Dagdag gasto lang iyan at isa pa wala na akong damit na maisusuot. Bukod sa wala na akong pera, wala nadin akong mga damit dahil binenta ko na ang mga iyon. Iyong mga damit nalang na ginagamit ko araw araw ang naiwan.



“Yup. Acquaintance Party this school year.”



Sagot nito saka siya ngumiti. Base sa mukha niya, halatang halata na excited na siya.



Naalala ko na naman si Ryder.



See you sa party.



Sigurado akong iyong tinutukoy ni Brianan na party at party na tinutukoy ni Ryder ay iisa lang.



“Hindi ako pupunta.”



Sambit ko.



“Haaaa?”



Humarap si Brianna sa’kin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.



“Over ka kung maka react ha. Parang ngayon ka lang nakarinig ng sagot na hindi makakapunta.”



Sabi ko sa kanya saka ko tinanggal iyong dalawang kamay niya.



“Eh kasi naman. Sayang naman noh kung hindi ka pupunta. Once a year lang iyon at syempre din. Ano. Masaya iyon..”



Pagkukumbinsi ni Brianna sa’kin.



“Ayaw mo ba talagang pumunta?”



Tanong niya ulit sa’kin.



“Syempre gusto pero kasi hindi ako pwede. Isa pa may trabaho pa tayo.”



Sabi ko.



“Alexis! Huwag mo ng problemahin iyon dahil nagpaalam na ako sa boss natin at pumayag naman. hehe. Sige na pumunta ka na.”



Kung ako lang talaga ang tatanungin gustong gusto ko. Pero hindi pwede. Hindi dahil sa may trabaho ako kundi dahil sa wala akong maisusuot.



“Huwag na. Busy ako eh.”



Sagot ko sa kanya.



“Sige na Alexis.. Please? Wala kasi akong kaclose don noh kaya baka ma out of place ako. Ikaw lang naman kasi iyong bestfriend ko diba?”

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Where stories live. Discover now