Her heart beats very fast. Pakiramdam niya ay bigla na lamang siyang kakapusin sa paghinga. May kung ano rin siyang naramdamang nagsisiliparan sa loob ng tiyan niya.

Nang mag-iwas ito ng tingin sa kanya ay doon lamang siya biglang natauhan. What was that? Are you for real, Sky?

Lihim niyang kinapa ang dibdib niya at ramdam na ramdam pa rin niya ang mabilis na pagtibok nito. Damn it! Kahit anong gawin niya, hindi niya talaga kayang diktahan ang puso niya.

HANGGANG makabalik sila sa room nila ay wala pa rin siyang imik. Napansin niya rin ang biglang pananahimik ni Ruin at hindi niya alam kung bakit. Mabilis kasi siya nitong niyaya palabas ng cafeteria mga ilang sandali pa simula no'ng dumating ang buong SSG council ng school nila.

“Rui, are you okay?” she suddenly asked her. Lumingon naman ito sa kanya at tipid siyang nginitian. Nauna itong umupo sa upuan at sumunod naman siya. Magkatabi lang naman kasi silang dalawa.

“Sobrang tahimik mo kasi, eh. What's wrong?” she asked again. Hindi niya kasi mapigilang magtaka kung bakit bigla nalang itong tumahimik. Parang kanina ang lakas-lakas pa ng boses nito.

She saw her sighed deeply before answering her question. Mukhang nag-aalinlangan ito kung sasagutin ba ang tanong niya o hindi.

“Sorry, langit. Bigla nalang kasi akong na-badtrip eh. I saw her again kanina...” seryosong sagot nito.

“Sino?”

“Freyabunini...”

Hindi alam ni Sky kung matatawa ba siya the way how she name called that Freya. Minsan talaga kahit sobrang seryoso na nitong kaibigan niya, nakakatawa pa rin.

“So, what's with her? Nakita mo pala, bakit hindi mo itinuro sa akin?”

“I doubt it kung hindi mo pa talaga nakikita ang Freyabunini na iyon. She's part of the SSG council, langit. Siya 'yong laging kasama ng ate Skylla mo...” wika pa nito.

Napatango nalang si Sky. Hindi niya naman alam na ang taong matagal nang kinaiinisan ng kaibigan niya ay ang taong palaging kasama ng ate niya. That's why she said na hindi familiar sa kanya ang pangalan na iyon.

“Kahit kailan nakaka-bwesit talaga ang pagmumukha ng babaeng iyon. Makita ko lang kahit buhok ng Freyabunini na iyon, kumukulo na ang dugo ko, grrr!” Tinusok-tusok pa nito ang desk nila gamit ang ballpen.

Itinukod naman niya ang isang braso sa desk niya at nangalumbaba pa-harap kay Ruin. “Tungkol pa rin ba sa intramurals ang dahilan kung bakit ka naiinis sa babaeng iyon?” tanong niya.

Hindi agad ito nagsalita at nag-iwas lamang ng tingin. Kahit hindi nito sabihin sa kanya, alam niyang may malalim itong rason na pinaghuhugutan nito ng inis sa Freya na iyon.

Umiling ito sa kanya bilang tugon. “Ang pamilya niya ang sumira sa pamilya ko, langit... She's my half sister, anak sa labas ni papa...”

Nagulat naman siya sa nalaman. Tahimik niya lamang na tinitigan si Ruin habang nakatulala ito sa desk niya. Pinipigilan niyang maawa dito kasi alam niyang hindi nito gusto ang kinakaawaan.

“I t-thought—”

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi nito. “Akala mo normal na pag-aaway lang ang nangyari sa pamilya ko? Gano'n din ang akala ko dati, langit. Kaya pala gabi na laging umuuwi si papa noon, kasi may isa pa pala siyang pamilyang inuuwian...” malungkot na saad nito.

“How about your mom? Paano niya natanggap iyon?”

“Sa sobrang bait ni mama, tinanggap niya ang katotohanan na may kahati kami sa atensiyong ibinibigay ni papa.” Kitang-kita niya kung paano mangilid  ang luha sa mga mata nito.

“Rui...”

“Bata pa ako no'n kaya wala akong kaalam-alam sa mga nagaganap sa pamilya ko. 'Yong mga gabi na naaabutan kong umiiyak si mama sa loob ng kwarto nila, akala ko natatakot lang siya kasi hindi pa umuuwi si papa. 'Yong mga lungkot at sakit na nakikita ko sa mga mata niya, buong akala ko dahil lamang iyon sa mga movies na pinapanood niya...” dagdag pa nito.

“I-Ikaw? Tanggap mo na b-ba?”

Doon lamang ito tumingin sa kanya. Kitang-kita niya kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata nito.

Walang emosyon itong umiling bago magsalita. Puno ng pait at hinanakit ang boses nito. “To be honest, hindi. Kailan man hindi ko matatanggap na mas pinili niya ang kabit niya, kaysa sa amin na tunay niyang pamilya...”

“Hindi lang kami ni mama ang sinaktan niya, pati ang dalawa kong kapatid na walang kamuwang-muwang sa mundo, pinagkaitan niya pa ng isang kompletong pamilya.”

Mahigpit niya lamang na niyakap si Ruin at hinaplos-haplos ang likod nito. Gusto niyang iparamdam sa kaibigan na hindi ito nag-iisa. Alam niya ang pakiramdam na wala man lang napagsasabihan ng problema. 'Yong tipong wala siyang ibang magagawa kundi ang sarilihin ang problema niya.

“Malalampasan mo rin ang lahat ng ito, Rui...”

“Sobrang sakit, langit. Kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat at magpanggap na masaya, hindi ko magawa...”

Mas lalong hinigpitan ni Sky ang yakap sa kaibigan niya. “You don't have to fake everything just to show them that you're okay. Hindi mo kailangang lokohin ang sarili mo para lamang maging masaya ka. Pain is a part of healing process. We are not born to live in suffering, Rui. Always remember na may plano ang Diyos sa buhay natin...”

Pinagtitinginan na sila ng mga classmates nilang nasa loob rin ng room pero hindi man lang sila natinag sa pagyayakapan.

How she wishes to apply those everything she had said to Rui to herself. She's always been the kind of person who always say, 'it's okay' even when it's not.  And always say, 'I'm fine' even though it hurts a lot. She keeps lying about her feelings and pretending that it never bothers her at all. But behind closed doors, she tear up into pieces.




A/N: Enjoy reading!

Follow. Vote. Comment is highly appreciated ♡

Her Last Hope (Vista Alegre Series 1) | Ongoing Where stories live. Discover now