Epilogue

1.3K 12 0
                                    

"Ayokong maikasal sa taong hindi ko naman mahal,"

Iyan ang nasa isip ko matapos kong malaman na ikakasal pala ako kay Vienna Flamean, ang babaeng kaibigan ko na matagal ko ng kinalimutan simula noong pumunta ako sa ibang bansa para doon mag-aral. I already have Eloiza in my life. She's my girlfriend, tapos malalaman ko nalang na ikakasal na pala ako?

"Pero hindi ko siya mahal. Si Eloiza ang mahal ko at gusto ko," madiing sambit ko. Nakita ko ang reaksiyon ni Vien pero hindi ko iyon pinansin. Who are her to hurt? Sobrang nainis ako sa kaniya dahil hindi man lang siya tumutol sa kagustuhan ng mga magulang namin. Hindi niya man lang nirespeto ang relasyon namin ni Eloiza.

Matapos ang sagutan namin ng mga magulang ko ay umalis na rin kami ni Vien. Hindi ko na rin maipaglaban ang girlfriend ko dahil alam kong kayang-kayang gawin ni Dad ang banta niya. Kaya ngayon ay gagawin ko nalang ang lahat para protektahan si Eloiza. Iniwan ko si Vien ng dalawang linggo para pag-isipan kung tama ba ang ginawa ko. Pumunta ako kay Eloiza at doon ako sa kaniya nag-stay. Kalaunan ay natauhan din ako, tama lang ang ginawa ko. What I'm doing is for Eloiza, gagawa naman ako ng paraan para makawala sa kaniya.

Tama lang din na pinakasalan ko si Vien sa ibang bansa para madali lang ang paghihiwalay namin. What I'm doing is according to my plan. Pero, ang akala ko ay ayos na ang lahat, ang akala ko lang pala. "Yes, baby. Take care. I will. I love you too. Yeah, yeah. Okay, good night. Sweet dreams," I said smiling while talking to my girlfriend. Alam kong nandito si Vien at nakikita ko ang reaksiyon niya through the glass. Hindi ko alam kung bakit siya nasasaktan.

Ang akala ko simpleng sakit at selos lang ang nararamdaman niya, hindi pala. Akala ko rin ay tuluyan ko na siyang nalimutan, pero nagkamali pala ako. Sa tuwing nag-uusap kami at nakikita ko ang reaksiyon niya, may nararamdaman akong kakaiba.

"Hey, Vien. Bakit mo naman ako iniwan?" nang marinig ko ang boses na iyon ni Lantsov ay mas lalo akong nainis. That was the first time na nagselos ako. Tinatanggi ko lang pero nagseselos ako.

"The hell Vienna! Hindi kita girlfriend para sabihin mo 'yan!" galit na sambit ko bago umalis. Papasok na ako sa kuwarto nang lingunin ko siya. Same reaction, nasaktan siya. Akong asawa niya na naman ang nanakit sa kaniya. Tuwing nakikita ko siyang nasasaktan dahil sa akin ay nakakaramdam ako ng guilt. Pero kailangan ko iyong gawin. Ayaw kong bumalik na naman ulit ang naramdaman ko para sa kaniya noon. Ayaw kong lokohin si Eloiza.

Pero kahit anong pigil ko. Itong mismong tadhana na mismo ang gumawa ng paraan. Mas tumindi ang pagseselos ko nang dumating si Keitho sa buhay ni Vienna. Hindi rin ako nakapag-isip ng maayos no'ng gabing may inamin sa akin si Vien. When she told me na napakamanhid ko. Doon ako mas lalo ng nagtaka. GUsto niya ba ako o mahal niya ako?

Hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko pinagsisihang may mangyari sa amin. I made love with her. After that, nagkaroon kami ng bonding. Naging close kami kahit na awkward pa at alam namin na may naapakan na kaming tao. Alam kong mali pero hindi ko na maitatama iyon dahil nangyari na.

"I love you," Vien said after we made love again. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon. Naiintindihan ko na kung bakit siya pumayag agad sa set up namin. Dahil mahal niya ako. Inamin niya na rin sa akin na gusto niya ako hanggang sa minahal niya na ako. Nagulat pa rin ako kahit na sa loob ko ay may hinala na talaga ako. "I'm ficking coward, Vienna. I'm fucking coward to confess. Sorry.." iyon nalang ang nasambit ko. Dahil inaamin ko nang unti-unting bumabalik ang nararamdaman ko para sa kaniya noon.

Akala ko ay magiging maayos ang lahat pagkatapos no'n pero simula pa lang pala ng kalbaryo ng buhay namin ni Vien dahil bumalik na kami sa reyalidad. Bumalik na sa buhay ko si Eloiza. Pero hindi lang pala si Eloiza, may isang buhay pa ang dumating sa buhay ko, sa buhay namin ni Vien. And that's our child. I am very glad to have him or her to our life. Pero hindi iyon natuloy. Matapos kong malaman na buntis ang asawa ko at pumunta ako kay Eloiza, doon niya na rin nalaman na niloloko ko siya. Pinili ko sa isipan ko si Eloiza pero ang nasa puso ko ay si Vien. Mahal ko na ang asawa ko. Mahal ko na ulit si Vien.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now