41

1K 11 0
                                    

Pagdating ko sa hospital ay naabutan kong nakaupo sila Tito sa labas ng kuwarto. Agad ko silang nilapitan. "Tito.."

Lumingon sila sa akin ni Tita. Namumula pareho ang kanilang mga mata. Patuloy ang pagtulo ng luha nilang pareho. "A-Ano na pong nangyari kay Regulus? Is he okay?" nag-aalalang tanong ko. No'ng sabihin nilang tumigil sa pagtibok ang puso ni Regulus, hindi ako mapakali.

Gusto kong umiyak habang papunta rito pero kailangan ko namang tatagan ang nararamdaman ko.

Umiling si Tito. Natulala ako saglit bago sunod-sunod na umiling. "No! Tito, ano bang nangyayari? Is Regulus okay?!" napasigaw na ako. Naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha ko. Tumingin sa mga mata ko si Tita.

"V-Vien, he.. m-my son, he's gone..." kasunod ng pagsabi ni Tita ay ang pagtulo muli ng luha niya.

Natulala ako ng ilang saglit. Marahas akong tumayo at pumasok sa loob ng kuwarto ni Regulus. Naabutan kong tinakpan na ng doctor ang mukha niya ng puting tela.

"Bakit n'yo ginagawa yan kay Regulus?! Hindi siya makakahinga!" umiiyak na sambit ko bago dinaluhan si Regulus. Pinigilan nila ako na tanggalin ang puting tela na nakatakip sa mukha niya, pero hindi ako nagpa-awat.

Nang tuluyan ko nang matanggal iyon ay bumungad sa akin ang putla at nilalamig na bangkay ni Regulus.

"Regulus! Ano ba?! Wake up!"

That's the start, humagulgol na ako. Iyak na ako ng iyak habang yakap ang malamig niyang bangkay. Inaawat nila ako at nilalayo sa kaniya pero ayoko. Hindi ko pa siya kayang bitiwan.

"Please, Doc. Ayokong mawala siya sakin. Please! Gawan n'yo po ng paraan!" sigaw ko.

"Ms. Flamean, I'm sorry but we did our best. Si Mr. Vallega na po ang bumitaw." sambit ng Doctor.

"No, Doc!" sumigaw ako. Sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko matanggap ang ganito. Hindi kami nagkaayos, tapos iiwan niya nalang kami ng anak niya! Hindi siya kilala ni Chandria!

"M-Miss, dinudugo ka po," sambit ng isang nurse pero hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin.

"No, please! Please! Save him!" sigaw ko habang kinukuha nila ang katawan sakin ni Regulus. Natigil nalang ako sa paghagulgol nang may tinurok silang gamot sa akin at ikinahina ko iyon.

Napatingin ako sa unti-unting paglayo nila ng katawan ni Regulus sa akin.
"N-No, Regulus. H-Huwag mo naman kaming iwan ng anak mo... M-Mahal pa naman kita, bumalik ka, p-pakiusap.." sambit ko.

"R-Regulus, please..." hanggang sa makapikit na ako ay siya ang laman ng isip ko.

Lahat ng nangyari sa nakaraan namin, good or bad, ay nag-flashback sa utak ko. I'm not ready to let him go.

Nagising akong nakahiga sa kama at ang mga taong nakasama ko dati ay nandito.

"Ma'am, gising ka na po pala. Kakatulog lang po ni Chandria," wika ni Naila. Napangiti ako sa kaniya. I don't know why she's here, but I'm happy.

"Hey, Vienna ko,"

Tumingin ako sa lalaking nakaupo malapit sa akin. "Lantsov," ngumiti kami sa isa't isa. It's been a while, ang tagal din naming hindi nagkikita.

"Hello, Vien. I know you already know me. It's Chase," sambit pa ng isang lalaki. Nginitian ko rin siya.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang mga magulang ko. Agad nila akong niyakap. Halatang kagagaling lang nila sa pag-iyak. "Anak, sobra kaming nag-alala sa'yo. We heard what happened to Regulus, and we're sorry for that." wika ni Mama.

Bigla kong naalala ang nangyari kay Regulus. Pinunasan ko ang pisngi ko nang tumulo na naman ang luha ko.

"S-Saan na po siya? I want to see him," naiiyak na sambit ko.

My Mom tucked my hair strands behind my ears. "Don't stress yourself too much, anak. You are pregnant, again." sambit niya na ikiatingin ko sa kanilang lahat. They are all smiling but, their eyes, malungkot ang mga iyon.

Tumingin ako sa tiyan ko. Anak ulit namin ito ni Regulus. Masaya ako pero nasasaktan din ang puso ko lalo na ngayong lalaki silang walang Daddy.

Hindi pa ako handa, Regulus. Bakit mo naman kami agad iniwan? Bakit hindi man lang tayo nagkaroon ng usapan na maayos bago ka nawala? Hindi pa ako handa, Regulus.

And one day, nagising nalang akong nakaharap sa kabaong niyang ibinababa.

"M-Mommy, si Daddy ko po! Ayoko po! Mommy si Daddy!" sigaw ng anak ko. Alam na niya ang na tatay niya si Regulus. Nakaraan ko lang siya pinakilala.

Sobrang sakit para sa akin na ngayong wala na ang Daddy niya ay saka ko lang sa kaniya pinakilala ito. Pero alam kong mas masakit din iyon sa anak ko.

Sobra kong pinagsisihan ang ginawa ko. Hindi ko siya agad naipakilala kay Regulus kahit na alam ko nang siya ang Daddy ni Chandria. I wiped my tears again.

Humahagulgol siya habang nagpupumiglas. Gusto niyang makawala kay Lantsov at puntahan ang Daddy niya. Si Chase naman ay humahagulgol na rin.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si Regulus at tinatakpan na siya ng lupa, doon lang ako mas humagulgol. Ang mga magulang din ni Regulus ay walang tigil sa pag-iyak.

Binuhat ko si Chandria nang tuluyan nang matakpan si Regulus. "Hush, baby. Huwag ka ng u-umiyak, huh? Malulungkot si Daddy natin kapag umiiyak ang baby niya," saad ko sa anak ko habang hinahaplos ang likuran niya.

She's too young to loose his father.

"M-Mommy, iniwan na tayo ni Daddy. Mabait naman ako, Mommy. P-Pero bakit iniwan pa rin tayo ni Daddy, m-mommy.." umiiyak pa rin na tanong niya.

"Kailangan nating magpakatatag anak, okay? W-We have to face the future without our Papa Regulus, okay?" naiiyak na namang sambit ko.

"Mommy, a-ayoko pa.." aniya. Hindi na ako nagsalita pa. Hinaplos ko lang ang likuran niya. This is at least what I can do to ease her pain.

Gusto ko mang umiyak, humagulgol at magwala dahil wala na ang taong mahal ko, minahal ko, at ngayon ay mahal ko na ulit, ay wala na rin akong magagawa. He left us, without saying goodbye.

Tumingin ako sa ibaba, kung saan inilibing si Regulus.

"Mahal kita, love. Pasensiya ka na. I hope, I-I hope maging masaya ka kung saan ka man ngayon. P-Please gabayan mo kami ng mga anak natin, ha? Mahal na mahal kita, Regulus Vallega. Paalam," wika ko bago umalis.

Tumutulo ang luha ko habang naglalakad palabas ng sementeryo. Pagka-upo ko sa sasakyan ay ang siyang paghangin nang malakas. Kakaiba ang hangin dahil medyo mainit iyon at dumampi sa pisngi ko.

Dahan-dahan tumulo ang luha ko. Sana siya iyon. Sana Regulus, ikaw iyon.

Tumingin ako sa driver. I think, I saw his face already. He smiled at him. "Tumigil na po kayo sa pag-iyak, ma'am. Sir Regulus would be angry to himself if he saw you two crying because of him," wika ng lalaki. Ngumiti ako sa kaniya.

"Then, this would be the last time that I would cry." I joked. Ngumiti nalang din siya at nagsimula nang magmaneho.

I can't promise to him that I won't cry everyday. Hindi ko kayang hindi siya iyakan. Tumingin ako sa labas ng bintana. Karga ko pa rin ang natutulog na si Chandria, napagod na siya kakaiyak.

Maybe, it's our fate. Kung saan handa na kaming mahalin ang isa't isa, doon naman may nawalang isa sa amin. Baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

I know It’s so hard to say goodbye to those people you love, but we need to, I need to. Regulus Vallega, he've been such an important part of my life.

Pero sabi nga ni Ernie Harwell, “It’s time to say goodbye, but I think goodbyes are sad, and I’d much rather say hello. Hello to a new adventure.”

I smiled. Haharapin namin ng mga mahal ni Regulus sa buhay ang hinaharap na wala siya, na hindi siya kasama.

Until we meet again, lo-love.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora