35

1.1K 10 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Regulus sa tabi ng ama ko. Bahagyang nakayuko ang ulo at magkahawak ang mga kamay niya. Alam kong kinakabahan siya ngayon lalo na ngayong nasa harapan niya ang nga magulang ko. It's like, he's in a hotseat.

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Dad. "Dad, bakit mo naman po kasi pinalo si Regulus?" nagtataka paring tanong ko. Naabutan ko kasing nagmumura si Regulus habang hawak ang binti niya at si Dad naman ay may hawak na stick habang yakap-yakap nito ang anak ko.

"Nagulat lang talaga ako, anak." Tulad ng kanina ay ito pa rin ang sinagot ni Dad sa akin. Huminga ako nang malalim. "Ma, kausapin mo nga si Dad." I said before I stand up. "Aalis na muna ako saglit. Pupuntahan ko lang po si Chandria sa itaas," saad ko. Nilingon ko si Regulus nang tawagan niya ako.

"Vien, huwag mo akong iwan dito," he said. Binigyan ko siya ng isang ngiti at nag-thumbs up pa. Malakas ang ulan  sa labas at mababasa siya kapag tumakbo siya palabas. Hindi niya rin ata dala ang phone niya kaya hindi niya matext ang driver niya. Bigla nalang kasing umulan ng pagkalakas-lakas kani-kanina lang.

"But, Vien."

Hindi ko na kinausap pa muli si Regulus. Dumiretso na ako sa dating kuwarto ko kung saan nagpapahinga ang anak ko. Kahit na nandito na kami sa Pilipinas ay hindi ko pa ring hindi maisip yung ginawa ni Walter sa anak ko. Pagsisihan niya iyon.

— — —

"So, ang tanong ko ulit sa iyo Mr. Vallega, bakit nandito ka? Bakit kasama mo ang anak ko? Hindi ka man lang ba nagkaroon ng konsensiya at matapos mo siyang buntisin ay iiwan mo basta-basta? Hindi ka man lang nagpakita sa kanila ng anak nyo?!"

I gulped. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Tito, or should I say, Mr. Flamean. Tumungo ako at tiningnan sila ng asawa niya. Magkatabi sila at halatang pinapakalma ni Tita—Mrs. Flamean ang asawa niya.

"Kumalma ka muna. Naku! Ang high blood mo!" wika ni Tita bago tumingin sa akin. She smiled at me.

"Actually Regulus. Napatawad ka na namin, matagal na. Pero alam kong itong asawa ko, ay biglang binawi ang pagpapatawad niya sa'yo. You got our daughter pregnant again. Tapos hindi ka man lang nagpakita sa kaniya? Bakit, anak?" malumanay na tanong ni Tita. Napalunok muli ako.

For fucking sake, wala akong maalala!

I smiled awkwardly. "Uh, Mr. and Mrs. Flamean, wala po akong maalala na nabuntis ko po ulit si Vien. I swear to God!" saad ko at itinaas pa ang kanang kamay ko.

Napakamot si Mr. Flamean sa ulo niya. "Kung wala ka talagang maalala, mabuti nalang at nagpa-imbestiga ako kung sino ang nakabuntis sa anak ko. Ngayong alam mo nang may anak ka ulit sa anak ko, sustentuhan mo ba si Chandria?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Umiling ako at akmang magsasalita sana sana ulit nang tumayo si Mr. Flamean. He's dead serious right now. He's looking at me with a serious face.

"Tama nga ang hinala ko. Totoong wala kang maalala dahil sa ininom mong alak." aniya.

"Sir, I remembered some scenes pero sa panaginip ko lang po lahat ng iyon. Maybe I was just too drunk and I am imagining myself with Vien, making love with her. And when I woke up, wala namang Vien na katabi ko. It happened 3 years ago. And sometimes, that dream still hunts me." paliwanag ko.

Tumingin si Tita kay Tito at nagpaalam itong aalis na muna para puntahan sina Vien. Kaming dalawa nalang tuloy ulit ni Tito ang naiwan.
Bumuntong hininga siya.

"Panagutan mo ang anak ko. Kahit sa anak niyo ka nalang bumawi. My apo needs a father too. At kung iniisip mo mang panaginip lang ang nangyari sa inyo ng anak ko 3 years ago, you are wrong," huminto siya saglit. Napalunok ako. What should I say? Or should I comment?

"I pay someone to investigate who got her pregnant. And that's no one but you. May CCTV akong nakuha kung saan lumabas si Vien ng kuwarto mo. Inisip ko na agad kung ano ang ginagawa ng anak ko sa teritoryo mo. Hindi naman siya wala sa sarili para puntahan ka nalang basta sa kuwarto mo, right? So I expect that you two did something in that room."

Hindi ako maka-imik. Hindi rin yata maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Aside from that, kaya nalaman kong lasing ka ay nagpa-imbestiga rin ako sa bar na kung saan ka uminom. Nandoon din ang anak ko nang gabing iyon. Sabi ng bouncer ay pareho na raw kayong lasing at nagtatawanan pa habang paalis sa bar na iyon."

Lumunok ako. "I..I don't know, Tito." I said. Parang natuyo ang laway ko. My heart is beating so fast and my hands are cold and wet. I brush my hair to calm my self. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Fuck!

"I know I should say that it's okay, but it's not. Hindi pa alam ni Vien ang tungkol dito at sa tingin ko ay ayaw niya ring malaman na ikaw ang tatay ng anak niya.You hurt her before. And now, she doesn't know that the real father of her second child is just here. Pestering her again. Do you think, tuluyan ka ng napatawad ng anak ko?"

Napailing ako. I don't know. I felt a pang in my chest. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko pero hindi iyon sapat.

"Lolo," napatingin ako sa gawi ng nagsalita. It's Chandria. Hindi ko alam kung tatawagin ko na ba siyang anak ko. Pero maghihintay muna ako sa DNA test na ginawa ko. Dapat sigurado muna ako bago ko siya angkinin na anak ko.

Lumapit siya kay Tito at yumakap dito. "Lolo, ang lakas po ng ulan sa labas. Baka po hindi na makauwi si Tito Regulus. Can he sleep here po? Ayaw po kasi ni Mommy na pumayag kaya, ikaw nalang po ging-ask ko."

She look at me then smiled. I smiled too. Umangat ako ng tingin kay Tito. Nakatingin siya sa apo niya habang inaayos ang buhok niyo.

"Oo naman." he said before he look at me. "Sa guest room lang siya matutulog baka kasi masundan ka, apo." dagdag niya. Napakamot ako sa kilay ko bago ngumiti. "Thank you,
Tito for—"

"Don't call me Tito, Regulus. Matatanggap ko pang tawagin mo akong Sir," masungit na sambit niya. I chuckled to ease the nervous I am feeling right now. "T-Thank you, Sir." ulit ko nalang. Tumayo na siya at sakto namang lumabas si Vien at si Tita. Tumayo rin ako.

"Dad, pinayagan mo?" tanong ni Vien matapos na lumapit sa kaniya si Chandria. "Hindi ko naman kayang tanggihan ang apo ko. Besides, naging anak-anakan ko rin itong si Regulus noon. Basta, sa guest room lang siya matutulog."

Nakita ako ang pag-iba ng ekspresyon ni Vien. She glared at me. Inirapan niya pa ako. I just smiled. Kung totoong anak ko si Chandria, may matibay na akong dahilan para mas lalong manatili pa sa tabi niya.

"So guys, come on. Let's eat na muna para makapagpahinga na tayo." sambit ni Mrs. Flamean. Napatingin ako sa kaniya bago ngumiti.

"Tara po," wika ko.

We started eating. Nagkukuwentuhan sila Vien at ng mga magulang niya. Pero iniiwasan niyang mapunta iyon kay Walter. Kumukulo ang dugo ko tuwing maalala ko ang ginawa niya kay Chandria. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. I just hope that my family would be like this in the future.

After we eat. I volunteered to wash the plates. Hindi naman sila umangal. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Sa tingin ko ay umalis na rin yung driver ko dahil sa binilinan ko na rin siya kanina. After I washed it, humarap na ako at nakita kong nagtitimpla si Vien nang gatas. I approach to her while wiping my wet hands.

"Hindi ka pa antok?" I asked. Tumingin siya sakin bago tumango. "I really want to sleep pero si Chandria, nagpatimpla pa kasi ng gatas." sagot niya. "Gusto mo ako nalang ang gumawa?" alok ko. Umiling siya.

"It's okay. Patapos na rin."

Huminga ako nang malalim. "Itong bahay na'to is nirenovate lang?" I asked. Pagpasok ko palang kanina, maraming good memories with Vien ang nag-flashback sa ala-ala ko.

"Yes. If you want, bukas pwede kang mag-tour dito,"

Tumango agad ako. I would love that. "Pero, pwedeng kasama ka at si Chandria? Atsaka, yung duyan natin noon, doon tayo pumunta. Okay lang ba?" I asked while smiling. Natigilan siya at hinarap muli ako.

"Yes, nando'n pa yung duyan pero hindi naka-kabit. Bakit naman?" kunot noong tanong niya.

"Para masaya," sagot ko na ikinatawa niya. Pero, the truth is, gusto kong kasama sila, kasi sa pagbalik namin dito ay hindi na lang kaming dalawa ang magkasama, may anak na kami.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now