33

1K 13 0
                                    

'Till now, I can't still believe what Vien said a while ago. I'm not assuming that I was the father of her daughter but... fuck! Halos tatlong taon na kasi mula noong mangyari na pumunta rin ako sa bar at napanaginipan ko si Vien. And that dream became my beautiful nightmare. Hindi ko iyon malilimutan dahil sa panaginip kong iyon naparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya.

"Anak, I'll be back, huh? Kukuha lang ako ng tubig mo." nakangiting wika ni Vien sa anak niya bago siya umalis. Nilingon niya pa ako. Nang kami nalang maiwan ng anak niya ay ilang beses akong napalunok. Why my heart is beating so fast?!

"Hello po,"

Napatingin ako sa gawi ng bata. She's smiling at me. Ngumiti rin ako sa kaniya. I don't know what to say. Hindi naman ako ganito sa mga batang nakikilala ko. "Hi.." I said while smiling at her. Nagising kasi siya at naghanap ng pagkain. Sakto namang nasa Hotel na kami.

Umusod ako sa harapan niya. She's infront of me at sa gitna namin ay may coffee table. Nakapatong ang maliliit niyang kamay doon. "Hindi ka pa ulit antok?" tanong ko. Umiling naman siya. "Are you a bad guy po? Are you like Mommy's ex-boyfriend? Tito Walter?"

I frowned because of that. Ex-boyfriend huh? "No, I am not. Bakit, is your Mommy's ex-boyfriend a bad guy?"

Tumango siya. "Lagi niya akong pinapagalitan kapag wala si Mommy. Parang ayaw niya rin po sa akin just like yung Mommy niya na ayaw po sa amin ni Mommy ko."

Hinahayaan ko lang muna siyang ipagpatuloy yung sinsabi niya. "Tapos po, sabi sakin ni Mommy, bad daw po kapag may taong hahawak sa dito ko po," tinuro niya yung private part ng katawan niya na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit unti-unting tumataas ang dugo ko.

"Pero po, muntik niya po ito hawakan kung hindi lang dumating si Mommy," dagdag niya.

Mahigpit kong naikuyom ang kamao ko. Tumaas ang dugo ko. Napansin ko bigla ang braso niya. "Uhm, bakit may sugat ka sa braso mo?" I asked. Dahan-dahan kong kinuha ang braso niya. Namumula iyon at medyo maitim. Huminga ako ng malalim. Para akong sasabog at hindi ko alam kung bakit.

"Hinigpitan po kasi ni Tito Walter yung hawak niya sa akin kaya po may sugat na ako ngayon." aniya. Dahan-dahan kong binalik ang braso niya. Ngumiti ako sa bata. "What's his full name? Can you tell me?"

She nod. "His name po is Walter Dela Cruz." sagot niya. Thanked God she knows his name. "Okay, wait me here. I'll be back," sambit ko.

Pumunta ako sa veranda at tinawagan  ang taong makakatulong sa akin. His phone rings two times bago niya ito sinagot. "Why are you calling me?" walang ganang tanong niya. I want to laugh at him now, but I can't. Hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko.

"May ipapahanap akong tao sa'yo, Prim. I want to know his background. And everything about him. Dig deep. Gusto kong malaman ang baho niya so that I can cut his balls,"

Narinig ko ang pagtawa ni Primus mula sa kabilang linya. "Okay, okay. What's his name by the way?" he chuckled. Huminga ako ng malalim. "Walter Dela Cruz," madiing sambit ko.

"Okay. Hahanapin ko pero mamaya na. Inaantok pa ako. Just send me the payment para ganahan ako," after that, pinatay niya na ang tawag. Umiling ako. Hindi na bago sa akin iyon.

Matapos iyon ay bumalik na ako sa kinaroroonan ni Chandria. Naabutan kong ginagamot ni Vien ang pasa ng anak niya habang kinakausap niya ito. Napasandal ako sa pinto at pinagmasdan ko sila. Kung hindi lang namatay ang anak namin dahil sa akin, ganito rin kaya si Vien?

Napatingin siya sa gawi ko. I smiled at her before I went to them. Umupo rin ako sa lapag.

"Masakit pa ba, 'nak?" she asked her. "Hindi na po masyado, Mommy. Unti na lang," she said. Pinakita niya pa kung gaano iyon kasakit gamit ang maliliit niyang daliri.

"You really like her, Vien. A mini version of you," biglang sambit ko. Saglit na tumigil sa ginagawa si Vien at nilingon ako. "Mabuti nalang na ako ang kamukha ng anak ko." aniya at binalik ang tuon sa ginagawa.

Hindi na ako umimik ulit. I still wonder why she didn't cry after they broke up. Bakit nga ba?

Matapos niyang magamot ang anak niya ay bumalik na ulit sila sa kuwarto. Hindi na ako sumunod pa. Lumabas ulit ako sa veranda at humithit ng sigarilyo.

"Naninigarilyo ka rin pala?" Nabitin ang pagbuga ko ng usok nang marinig ko ang boses ni Vien. Nilingon ko siya. Katabi ko siya habang nakatingin sa akin. I smiled a bit bago ako tumango.
"I used to do that too before Chandria came to my life." aniya bago umiwas ng tingin. "Ikaw, kailan ka natutong manigarilyo?"

Napataas ang dalawang kilay ko. Humithit muli ako bago binuga iyon. "When you left me." natatawang sambit ko. Nabigla ako nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

"Pahingi ako. Don't worry, isa lang naman. I'll clean my mouth after this. Dapat gano'n din ang gawin mo. It's bad for your health," aniya sa seryosong tono. Binigyan ko siya at sinindihan niya iyon gamit din ang hiniram niyang lighter.

Napatitig ako sa kaniya nang bumuga siya ng usok. "Bakit nandito ka pa? You should rest. Maaga ang alis natin bukas." saad ko habang nakatingin sa kaniya.

Ang ganda niya. Those pointed nose of her. Her thin and pinkish lips. Long natural eyelashes, her good shape eyebrows, her perfect jaw line. And of course, her hazel brown eyes.

Tumingin siya sa akin. "I just want to rewind. How about you?" aniya. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin.
"I wonder why you didn't cry after you and your ex broke up? You just broke up, didn't you?"

Tumango siya bago umiwas ng tingin. "I build a thick wall sa paligid ng puso ko. I promised myself na hindi na ako muling iiyak dahil sa inyong mga lalaki, so that's why." sambit niya. Hindi ako nakaimik dahil doon. Ilang minuto ang lumipas na walang umimik sa aming dalawa hanggang sa nagpaalam na siyang umalis.

"Wait, wait for me." sambit ko nang akmang aalis na siya. Kumunot ang noo niya nang lumingon sa akin. "Bakit?"

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kaniya. Our bodies is half inches away. "Bakit nga?" she asked again. Dahan-dahan pa akong lumapit sa kaniya. Nakatitig ang mata ko sa labi niya. I want to do it. "Regulus, he—"

I kissed her. Alam kong natigilan siya sa ginawa ko. Igagalaw ko na sana ang labi ko nang umatras siya at kasunod non ay malakas niya akong nasampal. Ikinanganga iyon ng bibig ko. Damn! Wrong move!

"Bastos!" inis na sambit niya bago ako iniwan. Natawa naman ako sa ginawa ko. Damn it! Wrong move, Regulus! Hinabol ko siya at tinawag ang pangalan niya.

"Hey, mahal ko.." tawag ko pa habang lumalakad. Tumigil siya at hinarap ako. Bakas sa mukha niya ang inis na mas lalo kong ikinatawa, pinipigilan ko lang na tumawa ng malakas.

"Don't you call me, mahal again, or else—" I cut her off. Malapit na kami sa isa't-isa. I pulled her waist that makes her cheeks red.

"Or else what? Hmm?" I chuckled. Tinulak niya ako at muling sinampal ulit. "You're fucking horny! Nakatayo na 'yang nasa ibaba mo!" sigaw niya at pinagsarhan ako ng pinto.

Shit!

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now