32

1K 12 0
                                    

"Hey, Vienna. Please talk to me! Ano bang nagawa ko? Bakit iiwan nyo na ako ni Chandria rito? Do I did something wrong for you to leave me alone here?" magkasalubong kilay na wika ni Walter.

Nanginginig ang kamay ko sa galit habang nagliligpit ako ng mga gamit namin ng anak ko. Hindi ko kayang tanggapin yung mga sinabi ng anak ko. Besides, alam kong totoo ang sinasabi ng anak ko. I can feel it. Idagdag mo pang may galos siya sa katawan niya!

For fucking sake! She was just three years old to experience this! How cruel is that?!

Hindi ko naman aakalaing magagawa iyon ni Walter sa anak ko. I thought he loves my daughter just like he loves me. Natigil ako sa pagtutupi nang hawakan niya ang braso ko at pinaharap ako. "Sabihin mo, Vien. Ano ba kasing nagawa ko? Bakit mo ako sinampal kanina and now, bigla nalang kayong aalis na hindi ko man lang alam ang dahilan!" he hissed.

Natawa ako at napa-iling. Hindi ko hahayaan na pagdaan ulit ng anak ko ang nangyari kanina. "Tell me, Walter. How much do you love me?" I asked him, seriously. Hinahayaan ko lang na tumulo ang luha ko. Nasaktan na naman ako. Maling tao ulit ang nakatagpo ko. Fuck.

Natawa siya. "Do you need to ask that? Of course, I really love you more than my—"

I cut him off. "Then if you do, mahal mo rin ba talaga ang anak ko gaya ng pagmamahal mong iyan sa akin o may iba kang balak?" napansin ko ang gulat sa mga mata niya. Pinunasan ko ang luha ko at hinila ang handler ng bagahe namin ng anak ko.

"I..y-yes, I.." hindi siya makasagot ng maayos dahilan para mas magalit ako. "Break na tayo!" mariing sigaw ko. Napunit na naman ang kalahati ng puso ko dahil sa isang lalaki pero alam kong buong puso ko naman ang mapupunit kapag manatili pa ako sa tabi ng lalaking ito. I can't sacrifice my daughter's life and happiness. Ayaw kong kunin iyon sa kaniya.

"W-What?" nanlaki ang mga mata niya. "No, Vien! No!" sigaw na sambit niya. Hinawakan niya ang bagahe ko at pilit iyong inagaw sa akin pero ayaw kong magpatinag. Sinipa ko ang pagkalalaki niya. Hindi ako natatakot. Serves him right! Hindi ako makakapayag na may manakit sa anak ko!

"Magkikita tayo sa korte," madiing sambit ko bago siya iniwan siyang namimilipit sa sakit.

Nagmamadali kaming umalis ni Chandria sa Hotel na iyon. Bukas ang alis namin at hindi ko pa alam kung ano ang mga mangyayari kapag nakauwi na kami sa Pilipinas. Medyo natatakot ako ngayon pa lang dahil hindi rin bastang tao lang si Walter. Mayaman din ang pamilya nila at kilala.

Napatigil kami sa paglalakad ng anak ko nang may humintong sasakyan sa tapat namin. Akala ko ay si Walter pero nang makita ko muli ang familiar na mukha, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"Bakit pa kayo nandito sa labas? Gabi na ah?" Regulus asked. Nakababa ang bintana ng kotse na dala niya. Napakunot ang noo ko. Nagtataka ako sa kaniya. Para siyang kabute na bigla nalang susulpot. Coincidence lang ba na lagi kaming nagkikita?

"Mommy, is he a good guy po ba? Are you two friends? Natatakot ako, Mommy.." wika ng anak ko. Balot na balot siya ng jacket at nakasuot ng boots.

Ngumiti ako kay Chandria at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Natatakot ang anak ko. Huminga ako ng malalim. This time, kailangan ko ng tulong ni Regulus. Baka may alam siyang ibang way para makauwi agad kami ng anak ko sa Pilipinas.

"Uh, I need a favor from you," saad ko. Kumunot ang noo niya. Isinantabi ko nalang ang  pagtataka ko kung bakit kahit na nakatanggap siya kanina ng rejection galing sa akin, ay nagawa niya paring makipag-usap sa akin ng ganito.

"Sure, kahit anong favor." nakangiting wika niya. A jolly Regulus I knew before is like, he's here—in my front. Nginitian ko rin siya. "May alam ka bang ibang paraan para mabilis na makauwi sa Pilipinas. Kahit ngayong gabi?" tanong ko. Ilang segundo siyang natigilan bago dahan-dahang tumango. Saglit siyang tumingin sa anak ko bago niya binalik sa akin ang tingin.

"I have my ways," he answered. Agad akong napangiti. Bumaba siya sa sasakyan at tinulungan akong ilagay sa compartment yung mga bag na dala namin ng anak ko. Nang matapos ay binalikan niya kami. He's smiling at us. Bumaba muli ang tingin niya sa anak ko. Napayakap agad sa akin si Chandria dahilan para haplusin ko ang likuran niya at umupo ako para mapantayan ko siya.

"M-Mommy, baka po he's a bad guy. Baka po he'll yell at me po, Mommy." sambit ng anak ko. Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. "No, baby. I'm here to protect you okay? Besides, he's not a bad guy." wika ko bago tumingin kay Regulus na pinagmamasdan pala kami.

Nakangiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Right, Regulus?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "Yes, I'm not that anymore." sambit niya bago lumapit sa gawi namin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tatanong sana ako pero umupo na rin siya at tiningnan si Chandria.

"You're already sleepy so, tara na? Para makatulog ka na ng maayos." sambit niya sa anak ko. Tumayo na siya at pinagbuksan kami ng pinto sa passenger seat.

"Bukas nalang tayo umalis. Tulog na ang anak mo. Besides, it's already late," sambit ni Regulus habang nagmamaneho. Inayos ko ang ulo ng anak ko. Nakatulog na siya habang yakap ko. "What do you mean 'tayo'? Sasama ka ba?" tanong ko bago siya nilingon. Tumango siya bago ngumiti.

"Bukas na rin kasi ang alis ko papuntang Pilipinas kaya sasabay nalang ako sa inyo," sambit niya. Tumango-tango ako. Ilang segundo matapos naming mag-usap ay tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. And it's none other than, Walter. Humigpit ang hawak ko sa phone ko bago iyon sinagot. Ini-loud speaker ko.

"Why are you calling me?" malamig na tanong ko.

"You can't break up with me, Vien. Hahanapin kita. Always keep this in your mind, sa oras na mahanap kita, aangkinin kita at hindi ko na papakawalan pa. Iyan ang tandaan mo, Vienna Flamean." aniya sa malamig ding tono. Parang nagbabanta siya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang kinakabahan kong puso.

"Shut the hell up!" I hissed bago pinatay ang tawag. Tumingin ako kay Regulus nang magtanong siya. "Is that your, uh.. man? Why he's like threatening you?" he frowned. Hindi ako makasagot. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ang notification non.

"You don't know what I can do to your daughter, kapag hindi ikaw ang napunta sa akin. You can't hide from me, sweetheart."

Napa-angat ako ng tingin kay Regulus nang basahin niya ang text ni Walter. Matapos non ay bigla niyang ini-off ang phone ko. "What the hell is running in your man's mind, huh Vien? Can you tell me what's going on?" para siyang galit na hindi ko maintindihan.

"He's not my man anymore. We just broke up. He did sh-t on my daughter. At hindi ako makakapayag na gawin niya pa ulit iyon sa anak ko." malamig na sagot ko.

"What shkt he have done to her?!" tukoy niya sa anak ko. Napayakap ako kay Chandria nang gumalaw ito. "I'm sorry. Nalakasan ko ang boses ko," mahinang wika ni Regulus. "It's okay. Hindi naman madaling magising ang anak ko,"

Huminga ako ng malalim bago sinabi sa kaniya ang dahilan. Habang kinukwento ko ang ginawa ni Walter sa anak ko ay pansin kong humihigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

"So, it means. Anak mo lang si Chandria at hindi nyo anak?" he asked suddenly after he parked the car. Tumango ako bago lumingon sa kaniya. "She was just three years old para maranasan niya ang bagay na iyon. I can't let that happen again kahit na ano pang dahilan ni Walter. May ginawa pa rin siya sa anak ko," kuyom na kamao kong sambit.

"So, you got pregnant three years ago after we divorced 2 years ago?"

Napatango ako sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin habang inaalala ko ang nakaraan. "Bar. Drinks. Got Drunk. Lust. Had an intercourse with a stranger. Then here, Chandria." maikling paliwanag ko. "Hindi ko alam kung sino ang tatay ng anak ko. But I'm blessed to have my baby Chandria. She became my source of happiness before Walter came to my life." dagdag ko pa bago muli siyang nilingon.

Nahuli ko siyang napalunok at nanlalaki pa ang mga mata niya. I chuckled. "What happened to you? Bakit ganiyan ang mukha mo? Saka bakit tayo nakahinto?"

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" he asked. Tumango ako habang kunot noo. "Bakit mo ba naitanong?"

Bigla siyang napahilamos bago tumingin sa anak ko. "Oh, God! Fuck!" mahinang sambit niya.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now