30

1.1K 11 0
                                    

"Fuck! Fuck him." inis kong binaba ang basong hawak ko. Tiningnan ko iyon habang nagre-replay sa utak ko ang sinabi ng lalaking iyon na kasama ni Vien.


Is he her boyfriend? Is she their daughter?


Humigpit ang hawak ko sa baso. Naiingit ako. Pati ang puso ko ay nasasaktan din sa tuwing naiisip kong may anak na si Vien at masaya siya sa piling ng lalaking iyon. Kasalanan ko naman kung bakit siya nasa kamay ng lalaking iyon. If only I wasn't coward, Vien and I would be together with our child.


Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may tumawag sa akin. "Regulus!" I turn my gaze to that voice' direction. It's somewhat familiar. Hindi ako nagkamali nang makilala ko kung sino iyon.


"Lexus, kuya." I smiled a bit. Lumipat siya sa akin at niyakap ako. He also tapped my back.


"Woah! It's been a while. How are you, Regulus?" nakangiting tanong niya bago kumuha ng stool at umupo rin.


I smiled. "Yeah, it's been a while, Kuya. Medyo ayos lang ako." sagot ko. Matagal din kaming hindi nagkita. Siya lang din ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Vien mula noon. "How about you? Are you married already?" tanong ko. He smiled. "Yes," pinakita niya ang weeding ring niya. I smiled a bit.


"How about you? How's your life?"


Huminga ako ng malalim. "I got married with Vien, but we're divorced already. Matagal na rin," sagot ko.


"Oh... what happened?" tanong niya bago nag-order ng inumin. "Here's your order, boss." sambit ng bartender. I stopped for a while. Alam kong napansin iyon ni Lexus. He thanked the bartender first before looking at me. "I am actually the owner of this bar. Nag-migrate na kasi kami ni Amethyst dito sa Italy pagkatapos niyang manganak sa pinakabunso namin." he said, smirking.


Napatango ako. I am happy for him. How I wish Vien and I were like this. "I am happy for you, Kuya Lexus."


"So—what happened to you and Vienna? Hindi mo ba nasabi sa kaniya ang nararamdaman mo noon pa sa kaniya?"


Ngumiti ako ng bahagya bago umiling. "Still, I am afraid to take a risk. I lost the chance. May mahal na akong babae bago siya bumalik ulit. Then we got married. I hurt her, but I always feel that guilt. Then, we lost our child, and we divorced." sagot ko. Natulala naman siya sa inamin ko. Ilang segundo ang tinagal non bago siya nakabawi ulit.


"So you mean, hindi mo sinabi sa kaniya ang nararamdaman mo noon?" he asked. I nod again. "Just like what I said, Kuya. I'm afraid. I am coward. Ngayong nakita ko siya ulit at hiwalay na kami, saka pa ako nagkaroon ng lakas na loob pero huli na yata. She's already with someone else. They have a daughter," may munting ngiti sa labi ko. Natutuwa ako sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ng batang babae na iyon. She really looks like Vien.


"Kasal na ba sila?" seryosong tanong niya pagkatapos uminom.


"I don't know," umiling pa ako. "If hindi pa naman sila kasal, then make a move. This time, take a chance, just try it. Umamin ka sa kaniya kahit huli na. Pero baka may pag-asa ka pa. Just try it. Make a move, Regulus. Mag-isip ka habang hindi pa siya natatali sa lalaking iyon." he said seriously. I frowned because of that.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon