27

1.1K 10 0
                                    

"Mommy, my birthday is coming na po. May party po ba ako?" My baby Chandria asked me while she's eating her cake. Tinigil ko ang pagtitipa ko sa laptop bago ko siya hinarap. Kumuha ako ng tissue na nasa tabi niya bago iyon pinunas sa gilid ng labi niya nang mapansin kong may kumalat na icing doon.


"Gusto mong sa school tayo magpa-party? With your classmates?" tanong ko naman. Nakangiti siyang tumango bago sumandok sa cake niya at sinubo iyon sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.


"Pwede po!" Nag-thumbs up pa siya bago tinuloy ang pagkain niya. She's in preschool. And this March 3, she'll turn 4 years old. Ang bilis lang nga ng panahon. Parang kailan lang, ang liit niya pa at karga ko pa siya sa mga bisig ko.


When she came in my life, hindi ko aakalaing siya ang magiging dahilan ng paghilom ng sugat sa puso ko. I was so happy. She became my source of happiness. I thanked God because He gave me a daughter like her. Siguro kung hindi kami pumunta ni Kat sa bar na iyon, wala akong baby Chandria ngayon.


"Mommy, you cry po?" takang tanong ng anak ko. Tumingin muli ako sa kaniya bago pinunasan ang luha ko. Everytime I look at her, nakikita ko ang mini version ko sa kaniya. She really looks like me. Isa rin iyon sa pinasasalamatan ko. Halos lahat ng feature ng anak ko ay ako ang nakakuha.


Noong gabing pumunta kami  sa bar, ang natatandaan ko lang sa lalaking iyon ay may tattoo siyang cobra na pababa sa kaliwang braso niya. I didn't saw his face dahil natatabunan iyon ng unan noong oras na 'yon. After that wala akong sabing iniwan ang lalaking iyon nang hindi nalalaman ang identity niya. Hindi ko rin alam na magbubunga ang nangyari sa amin.


Nginitian ko ang anak ko. "I'm so happy lang po," sagot ko. Hinalik-halikan ko siya sa mukha niya na ikinahagikgik niya naman. "Sige na, anak. Finish your food and after that brush your teeth before you sleep, okay?"


"Okay po."


Tinapos ko na ang ginagawa at naghalf bath ko bago ako sumunod sa kuwarto niya. Nakahiga na siya sa kama at hinihintay na ako. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. I brush her hair while she's hugging me. "Tulog na, anak..." mahinang wika ko bago hinalikan ang noo niya. 


"Good night, Mommy..."


After a while, nakatulog na rin siya. Ako naman ay gusto ko na ring matulog pero hindi naman ako makatulog. Iniisip ko yung nangyari kanina. Natulala ako sa kisame. Halos taon na rin ang nagdaan. Wala na akong balita kay Regulus. Naging busy ako masyado sa buhay ko at sa anak ko. Even my life is private.


Ang huling balita ko ay kinasuhan ni Regulus si Eloiza for killing our unborn child. Because of her, nawala ang panganay ko. Wala na rin akong balita sa babaeng iyon. She's a fucking two faced bitch! I thought, she's good but I was wrong.


Alam kong masama ang loob ng mga magulang ni Regulus sa kaniya after they found out what's the truth, as well as  my parents. Galit din sila kay Regulus. 


Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Kinuha ko ito at tiningnan. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Walter. He's my 1 year boyfriend. 


"Sweetheart! Good evening, how are you? Kumain ka na? Si Chandria, how is she?" she asked.


Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon