25

1.1K 9 0
                                    

Nang makauwi sila Vien sa bahay nila ay tahimik pa rin siya. Hindi niya iniimikan ang asawa at maging ito ay ganoon din sa kaniya. Nasa bahay pa rin nila si Eloiza. Iniwan niya si Regulus sa garage at naunang pumasok sa bahay nila. Sumalubong naman sa kaniya si Eloiza na nakangiti.


"Kumusta ka? Ang baby mo?" tanong nito na parang walang ginawang hindi maganda sa kaniya. Isa ito sa dahilan kung bakit muntik ng mawala ang anak niya. She shouldn't blame her, pero dahil sa narinig niya nakaraang gabi ay naiba na rin ang tingin niya rito. Peke niyang nginitian ang babae.


"Ayos na ayos siya. Malakas ang kapit ng anak ko, Eloiza." aniya habang pekeng nakangiti. After that, nilagpasan niya na si Eloiza. Pumasok siya sa kuwarto at pagod na nahiga sa kama niya. It's almost 9:00 in the evening.


Magpapalit na sana siya ng damit nang may kumatok sa pinto. "Pasok lang," pagod na sambit niya. Umupo siya sa tabi ng kama at hinintay na pumasok ang isa kina Eloiza at Regulus. Bumuntong hininga si Vien nang makitang si Regulus iyon.


"Why are you here again?" takang tanong niya sa lalaki.


"I'm sorry kanina," anito. Bumuka ang bibig ni rRegulus na parang may sasabihin pa pero mabilis din niyang naitikom iyon. "Pasensya ka na, Vien. Komplikado talaga ngayon. Sana maintindihan mo ako. I am sorry for being coward." saad ni Regulus. Nagsalubong ang mga kilay niya.


"What do you mean?"


Ngumiti ng bahagya si Regulus. "It's nothing. Ingatan mo ang anak natin," anito. Nagulat pa siya nang biglang haplusin ni Regulus ang t'yan niya. "Good night," tumayo na ito at umalis.  Takang sinundan ni Vien ng tingin ang likod ng asawang paalis sa loob ng kuwarto niya.


Days went so fast. Mas nagiging iba ang  tingin ni Vien kay Eloiza. Kaaway na ang tingin niya rito. That's why nakikipag-plastikan nalang siya rito. Paalis na ito kinabukasan pero sa tuwing nasa bahay si Regulus at magkasama itong dalawa, nale-left out siya. She's an outcast if they're together. Hindi kasi siya pinapansin ng asawa.


Hindi rin alam ni Vien kung saan natutulog si Regulus tuwing gabi. At dahil na-trauma na si Vien, nagdala na siya ng food niya sa kuwarto niya dahil baka makarinig na naman siya ng hindi maganda kapag lumabas siya ng kuwarto niya. Masakit na sobra ang araw-araw na selos na nararamdaman tuwing nakikita niyang magkasama ang dalawa, lalo na kung walang pasok ang asawa niya. Malapit na rin siyang mapuno. They're pushing her to file an annulment.


Kasalukuyang namimili si Vien ng gatas nang makaramdam siya pananakit ng puson niya. Iniwan niya muna kay Kat ang cart. Ito kasi ang kasama niya ngayon dahil wala si Regulus at si Eloiza naman ay naghahanda na ng damit nito.


Matapos niyang magbanyo ay bumalik na siya. "Vien, tara na. Bayaran na natin ito," wika ni Kat. Tumango naman si Vien. These past few days ay palagi siyang nananahimik. Wala siyang ganang makipag-usap.


"Salamat po," wika ni Kat matapos na magbayad. Umuwi na rin sila. Bumaba si Vien sa tapat ng gate ng bahay nila. "Kaya mo na ba ito? Need ko na kasing magdiretso roon e," medyo malungkot na tanong ni Kat. Inihatid lang talaga nito si Vien sa bahay nito at pagkatapos ay diretso na ito sa trabaho.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now