24

1K 8 0
                                    

"You've been so quiet lately,"


Tahimik na kumakain si Vien nang magsalita si Regulus. Kagigising niya lang at ito ang naghatid sa kaniya ng pagkain niya. Ayaw niya munang makipag-usap sa ngayon. Lalo na kung si Regulus ang kumausap sa kaniya. Because of the stress he's giving her, muntik ng mawal ang baby niya.


"I'm done," wika ni Vien bago kinuha ang basong binibigay sa kaniya ni Regulus. Matapos uminom ay sabay na ring kinuha nito ang plato at basong pinagkainan ni Vien at nilagay sa tray.


"Vien, kausapin mo naman ako. You're too obvious. Iniiwasan mo ako," wika ni Regulus. Hindi umimik si Vien. Iniisip niya ngayon ang kapakanan ng anak niya. Kapag pinagpatuloy niya pa itong nararamdaman niya, maaapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Ayaw niya itong mawala.


"Vien,"


Sinalubong niya na ng tingin si Regulus nang tawagin muli nito ang pangalan niya. "Can you please stop bothering me for now? Ayokong maapektuhan ang anak ko," madiing sambit niya. Alam niya namang hindi gusto ni Regulus ang anak nila. Ito siguro ang dahilan kaya nito sinasaktan siya emotionally.


Pero hindi niya iyong hahayaang mangyari. Iingatan niya ang anak niya. At kapag sumobra na ito, alam na ni Vien ang gagawin niya. Fuck love! Alam niyang kaya namang ibigay ito sa kaniya ng magiging anak niya kapag lumaki na ito. Hindi niya ring mapgilang mag-isip na siguro ay mahal pa nito si Eloiza.


Natawa si Vien nang bahagya. Ngayon niya lang narealize ang bagay na iyon? Wow. Just wow.


"I know you heard us that night. Pero Vien, hindi iyon totoo. That was just —"


"Huwag mo ng ipaalala iyon sa akin, Regulus." pagputol ni Vien sa sasabihin ng asawa niya. Saktong pumasok si Kat. Tumitili ito palapit kay Vien at niyakap siya. "Congrats Vie!" masayang sambit nito. Tiningnan nito si Regulus. Ngumiti si Kat ng malapad sa lalaki.


"Congratulations sa inyo, Regulus. OMG! I can't believe it!"


Bahagyang napangiti si Vien. "Salamat, Kat." mahinang wika ni Vien. Tumingin siya kay Regulus. "Can you please leave us alone?" pakiusap niya rito. Saglit siya nitong tinitigan bago pa umalis. Nang lumabas na si Regulus ay saka lang ulit nagsalita si Kat.


"Bakit naman ang seryoso mo?" takang tanong nito. Umupo sa tabi niya si Kat. Kararating lang nito. Wala kasi ito kanina at hindi pa yata nito alam kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Regulus.


"Tinatamad lang akong makipag-usap sa kaniya," she said. After that, kinuwento na ni Vien kay Kat ang nangyari sa buhay nila ni Regulus.


"So, kung buntis ka now. Ibig-sabihin, may nangyari na sa—" pinutol agad ni Vien ang sasabihin sana ni Kat. Nandidiri si Vien sa sarili niya. Biglang pumasok sa isip niya ang narinig niyang ungol ni Regulus at Kat kagabi. Ang bababoy!


"Ayoko na iyong maalala. I was so dumb that time. Nadala lang ako," depensa ni Vien. Parang binibiyak ang puso niya sa isiping baka ginamit lang talaga siya ni Regulus para sa kaligayahan nito.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now