23

1K 6 0
                                    

Nakakuyom ang kamao ni Eloiza habang nakatingin ng masama kay Regulus. Matapos niyang malaman na buntis si Vien at obvious naman na ang lalaking nasa harapan niya ngayon ang ama ay mas lalo siyang nagalit. Gusto niyang sabunutan si Vien pero hindi niya iyon gagawin.


Gusto ni Eloiza paunti-unti. Gusto niyang makita na unti-unting nadudurog ang kabet ng dati niyang nobya. Dahil hindi siya papayag na wala lang gawing paghihiganti sa mga ito bago siya umalis sa buhay nilang mag-asawa. Hindi siya talunan.


"Why the fuck did you called me?!" galit at mariing tanong ni Regulus sa kaniya. Inis na inis si Regulus dahil ginulo ni Eloiza ang pagtulog niya sa tabi ng pinto ni Vien. Alas-tres na ng madaling araw at kailangan niya na ring umalis dahil baka maabutan siya ng asawa.


Naduduwag na naman siya. He's being coward again.


"Let me ask you, Regulus. Bakit ka ba nasa pintuan niya natutulog ha? You're always there! Tell me, mahal mo na ba yang babaeng pok—"


"Hindi siya babae lang! Pwede ba, Eloiza let's stop this nonsense conversation? Sinisira mo na nga ang umaga ko!" Akmang tatalikod na si Regulus nang magsalita si Eloiza.


"You fuck her, right? That's why she's pregnant with your child," mahinahon ngunit may diing wika ni Eloiza. Pareho silang seryoso ang titig sa isa't isa. Regulus' jaw clenched. Naiinis na siya.


"Isipin mo kung anong gusto mong isipin," natawa si Eloiza dahil sa sinabing iyon ni Regulus.  "Hindi ako papayag na mabuhay ang anak niyo. I'll make sure na pati ang batang iyon ay madadamay sa kasalanan ninyong dalawa ng babaeng iyan sa akin," sambit ni Eloiza na mas ikinagalit ni Regulus.


"Huwag mong subukang gawin iyan, Eloiza. You can do hurt me pero huwag ang mag-ina ko. You'll awake the beast inside me if you do that."madiing sagot ni Regulus bago siya tinalikuran si Eloiza. Babalik sana siya sa kuwarto nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Vien ngunit kasabay non ay pagpatay ng ilaw sa gawi niya.


Napa-atras siya nang lumapit sa gawi niya si Vien. Umatras siya hanggang sa may hininga na bumulong sa kaniya. "Shh.." boses iyon ni Eloiza.


At bigla nalang nanlaki ang mga mata ni Regulus nang umungol si Eloiza matapos nitong dakmain ang pagkalalaki niya.


"Oh..uhm..."


"The fuck, Eloiza!" he groaned because of shock. He is fucking shock!


Umungol muli si Eloiza na mas lalong ikinalaki ng mga mata ni Regulus. Alam na niya ang gustong iparating nito. Hinanap niya ang bulto ni Vien pero ang narinig na niya na lang ay ang mahinang paglakad nito paalis.


"Fuck you, Eloiza! You're.. ah! Fuck!" dali-daling sinundan ni Regulus si Vien. Ngunit ang narinig na niya nalang ay ang mahinang paghikbi nito. He felt a pang in his chest hearing those sobs from his wife. Bumalik na nga ang nararamdaman niya para sa babae noong mga bata pa sila. Pero kahit na pagbaliktad-baliktarin, duwag pa rin siya. And he also admit, ang nararamdaman niya para kay Eloiza ay unti-unti nang nawawala.


Huminga si Regulus ng malalim. Hinintay niya munang makatulog si Vien saka siya pumasok sa kuwarto nito. Balot ang katawan nito ng kumot ang halata sa mata nito ang pag-iyak.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon