22

1K 8 0
                                    

Tulala si Vien habang sari-saring scenario ang pumapasok sa kaniyang isipan. Nakaupo siya sa kama niya habang nakatingin sa bintana. May kumatok sa pinto ng kuwarto pero hindi niya pinansin iyon. Matapos ang ilang saglit, pumasok na ang kung sino sa kuwarto niya. Napabaling ang tingin niya rito.


"Bakit ka nandito?" Hindi ni Vien maiwasang manginig ang boses pero hindi niya pinahalata iyon. Naalala niya kasi ang pagsigaw nito sa kaniya kanina. Mas nagiging emosyonal kasi siya lalo na ngayong buntis siya.


"I'm here because of Eloiza. Hindi ko agad sinabi sa'yo. H-Hindi niya rin alam na asawa na kita. You're...you're just my friend in her eyes. And she'll stay here for only one week bago siya bumalik sa kanila." sambit ni Regulus.


Natawa ng pagak si Vien. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi niya. "Iyon lang? Just for that, Regulus? Hindi mo na naisip man lang mag-sorry sakin?" habang nagsasalita, mas dumami pa ang luhang nilabas ng mga mata ni Vien kaya lumalabo na ang paningin niya. Nabigla siya sa nangyari kanina nang makita ang babaeng iyon nakasama ni Regulus tapos ngayon ay malalaman niya na tutuloy ito rito sa bahay nila ng asawa niya.


Pinunasan muli ni Vien. "You're slowly killing me iniside, Regulus..." sabi niya pa.


Hindi nagbago ang emosyon ni Regulus. Seryoso lang ang mukha nito. His eyes is fixed on her. "B-Bakit ba bigla ka nalang naging ganyan? I wanna know why, Regulus." sunod-sunod na tumulo ang luha ni Vien matapos niyang sabihin iyon. 


"You know what, ang sama mong magsalita sa anak natin! Sobrang sakit ng sinabi mo sa akin kagabi. Hindi ka man lang ba nagkaroon ng konsensiya sa sinabi mo?" dagdag pa ni Vien.


Hindi umimik si Regulus. Nanatili itong nakatitig kay Vienna. Kung alam lang ni Vien ang totoong nararamdaman niya. Kung alam lang talaga nito.


"Regulus, ano ba! Hindi ka man lang iimik?" tanong ni Vien. Nakita niyang bumuntong hininga ang asawa. "Magpahinga ka na. Sa isang kuwarto kami ni Eloiza matutulog," malamig na sambit nito bago tinalikuran siya. Nagmamadali itong umalis. Natulala si Vien sa pintong nilabasan ng asawa niya. Sunod-sunod na tumulo ang luha habang nakatingin doon.


Her mind is cloudy. Maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya. May nagawa ba siya para gawin ito ni Regulus sa kaniya? Naihilamos niya ang dalawang kamay dahil sa frustration. Hindi niya rin maiwasang mag-isip tungkol sa sinabi nitong sa iisang kuwarto sila ni Eloiza matulog. Sobrang sakit iyon para sa kaniya. Mas nadudurog ang  puso niya dahil doon.


"Gusto mo ng lemon juice, Vien? I'll make one for you," aya ni Eloiza kay Vien habang nasa salas sila. Nasa trabaho na ngayon si Regulus at silang dalawa lang ang nasa bahay. Lihim na naiikot ni Vien ang mga mata niya. The wife and the girlfriend? Really? Sa iisang bubong pa talaga. The thought of them sleeping together keeps lingering inside her mind. Wala naman siyang narinig na kakaiba galing sa kuwarto ni Regulus, pero hindi niya mapigilang mag-isip.


"Ah, hindi na." sagot ni Vien, pero tumayo si Eloiza. Sinundan niya ito ng tingin. Tumingin siya sa mukha nito. Her face has a soft features. Mukhang anghel na mabait, kaya siguro nagustuhan ito ni Regulus. Pero mabait naman siya ah? 


"Sige na, para matikman mo naman yung juice na gawa ko. Promise masarap akong gumawa," nakangiting wika nito. Kalaunan ay napa-oo nalang din si Vien. Natuwa naman ito nang pumayag suya. Pumunta ito sa kusina at pagbalik ay may dalawang juice na itong hawak. Kinuha niya ang nasa kanang kamay nito pero ang binigay naman sa kaniya ni Eloiza ay ang nasa kaliwa. NAgtaka siya pero ngumiti lang ang babae sa kaniya.


"Cheers!"


"C-Cheers,"


Akmang iinumin na ni Vien ang juice niya nang maamoy niya ito. Biglang umikot ang tiyan niya kaya dali-dali siyang pumunta sa banyo at sumuka roon.


"Hey! Ayos ka lang ba?" tanong ni Eloiza habang hinahagod ang likuran niya. Napapikit si Vien matapos niyang sumuka. "A-Ayos ka lang ba?" tanong muli ni Eloiza. Humarap si Vien bago tumango. Mabilis ang tibok ng puso niya.


"Nabahuan ako sa amoy ng juice. Hindi yata gusto ng sikmura ko," sambit ni Vien. Huli na nang marealize niya ang kaniyang sinabi. Nagsalubong ang kilay ni Eloiza ngunit kalaunan ay napatakip ito sa bibig nito. "Are you pregnant?" gulat na tanong nito. May emosyong saglit na dumaan sa mga mata nito pagkatapos nitong itanong ang bagay na iyon.


"If you are. Sinong Daddy?"


Hindi nakaimik si Vien. Walang imik siyang iniwan ang babae sa banyo at bumalik siya sa living room. Kinuha niya ang basong wala ng laman. "Hey, Vien. Buntis ka nga?" sunod nang sunod sa kaniya ang babae.


Nang hindi niya na ito matiis ay sinagot na niya. "Yes, I am pregnant." sagot niya. Ilang segundong natulala ang babae sa kaniya. The woman tensed because of what she said. "S-Sinong Daddy?"


Tumingin lang siya sa mata ng babae at hindi umimik. Pumunta siya sa kitchen at kumuha ng panlinis sa nabasag na baso at nabasang tiles. 


Hindi rin umimik si Eloiza pero nang linisin na niya ang sahig ay saka lang ito nagsalita. "Alam na ba ni Regulus ang tungkol dito?" Dahan-dahan ang pagtango ni Vien. Narinig niyangmahinang  tumawa si Eloiza. "Hm? He knows, but he didn't tell me. Masyadong mapaglihim sa'kin si Regulus. Wait, I've gotta go. Titingnan ko muna ang bini-bake ko." wika nito at umalis na. Ngumiti lang ng tipid si Vien.


Siguro kaya siya hindi nagustuhan ni Regulus dahil hindi siya marunong magluto. Halos lahat kasi yata na kay Eloiza na. Ang akala niya, pangit ang ugali nito. Ang bait naman pala. Marunong pang makisama. Medyo guilty si Vien.


Dumating ang gabi. Gano'n pa rin ang set-up nila. Sa iisang kuwarto pa rin natutulog sina Regulus at Eloiza tapos siya ay sa isang kuwarto pa rin natutulog. Kapag nagkakasalubong naman sila ni Regulus ay tamang tingin lang ito sa kaniya at mabilis ding iiwas ng tingin. Gabi-gabi rin ang pag-iyak ni Vien. Pansin niyang parang tumataba na siya. 


Alas-tres ng madaling araw nang mauhaw si Vien. Lumabas siya ng kuwarto niya. Akmang bababa na siya nang makarinig siya ng  halinghing sa gilid. Mabuti at hindi niya binuksan ang ilaw.


"Oh..uhm..."


"The fuck, Eloiza!"


Saglit na natulala si Vien. Ilang beses siyang napalunok bago dahan-dahan na bumaba. Habang umiinom siya ng tubig, pabalik-balik ang mga salitang iyon sa utak niya. Ang ungol ni Eloiza at ng asawa niya.


Habang naglalakad pabalik sa taas, tinakpan niya na bibig niya para hindi siya makagawa ng ingay. Baka marinig ng mga ito ang munting paghikbi niya.


Binalot niya sa katawan niya ang kumot at doon umiyak siya nang umiyak hanggang sa makatulog siya. Halos ganon na ang routine niya gabi-gabi. Tapos gigising siyang maga ang mata niya.


"I-I'm sorry, Vien. Sana mapatawad mo pa ako. I tried loving you and I did.."


Kahit papaano ay napangiti si Vien dahil sa panaginip niya. Kahit sa panaginip niya nalang makita ang masayang mukha ni Regulus dahil sa kaniya, ay ayos na iyon.


"Mahal kita,"

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now