18

925 9 0
                                    

"So, how's your relationship with your husband?"


Napahinga nang malalim si Vien matapos iyong tanungin ng tatay niya. Katatapos niya lang sa gawain na related sa company nila at nagpapahinga na siya ngayon. "Medyo ayos naman po, Dad. Kahit papaano po ay ayos kaming dalawa," sagot niya bago kumagat muli sa burger na hawak niya.


Napatango-tango ang tatay ni Vien. Kinuha nito ang milk shake at binigay kay Vien. Kinuha naman ni Vien ang binibigay ng Daddy niya. Matapos ang ilang saglit matapos niyang sumimsim ng shake na iyon, ay biglang bumaliktad ang sikmura  niya. Nagmamadali siyang tumakbo sa sink para magsuka roon.


"Anak? Are you okay?" nag-aalalang tanong ng tatay ni Vien habang hinahagod ang likuran niya. Napapikit si Vien dahil sa hindi niya gusto ang amoy ay hindi niya rin gusto ang lasa. Matapos matigil ang ilang sandaling pagsusuka ay nagmumog na si Vien. "I-I'm okay na, Dad." sagot naman ni Vien. Bumalik na siya sa inuupuan niya kanina. 


"You sure, anak?" tanong ulit ng tatay niya. Tumango lang si Vien kahit na nararamdaman niyang bigla siyang nahihilo.


"Sige na, magpahinga ka na muna. Just tell me if you need something, okay? I'll ask my secretary kung saan niya naibili iyong kinain natin," sambit nito. 


"H-H'wag na, dad. No need to worry po. I-I'm fine, okay? I just need to rest," Pumikit si Vien. Ayaw niyang mag-alala pa ang tatay niya sa kaniya kaya sinabi niyang ayos lang siya. 


"Hm? Sige, dito ka lang muna. Lalabas muna ako saglit," anito bago siya iniwan. Habang nakaupo si Vien, pinagmamasdan niya ang text messages nila ni Regulus. Magdadalawang araw na itong walang paramdam sa kaniya. Umaasa siyang uuwi na ito ngayon pero tingin niya ay dadating na ang bukas pero hindi pa rin ito uuwi. She missed him so much.


Kinabukasan habang naglilibot si Vien sa loob ng isang boutique. May napansin siyang familiar na tao na tumitingin sa mga pambabaeng damit habang may hawak pang purple dress. Nakatalikod ito pero familiar ang likuran nito. Nang lumingon ito ay saka niya ito nakilala pero hindi siya nito nakita. 


"Anong ginagawa ni Regulus dito?" takang tanong ni Vien. Ilang hakbang palang ang nagagawa niya nang mapatigil siya dahil may babaeng lumapit kay Regulus at ipinalibot  ang kamay nito sa paligid ng bewang ng asawa. Maganda ito, matangkad din at parang may lahi. Para itong modelo sa pormahan nito.


The woman looks familiar. Parang nakita niya na ito.


Vien gulped after she remember the woman's face. Parang may kumurot sa puso niya. Nang makita ni Regulus ang babae ay ngumiti ito at saka may sinabi sa babae. Pinakita pa nito ang purple dress na hawak nito sa babae. Ngumiti ang familiar na babae at may sinabi pa bago sila lumabas doon. Narinig pa ni Vien ang mga tawa ng dalawa habang naglalakad ang mga ito palabas.


Ilang beses na napalunok si Vien. Hinawakan niya ang kaniyang pisngi bago ito pinunasan matapos niyang maramdaman ang pagtulo ng kaniyang luha.


Natutulala siyang naglakad paalis. That scene keeps replaying in her mind. Hindi maalis sa isip niya ang nakita niya kanina. Habang humakbang siya, pabigat din nang pabigat ang pakiramdam niya. Sa nakita niya kanina, masaya si Regulus sa piling nito. Iyon na ba ang kasintahan nito? Wala naman kasi siyang kilala na ibang babae nito kung hindi iyong girlfriend lang nito.


Umuwi siyang durog ang puso. Masakit talagang umasa. May mas sasakit pa kaya kapag nagpatuloy siyang mahalin ang lalaki at magbubulag-bulagan nalang? Pero nasabi niya naman sa lalaki na kapag hindi na niya kaya pa, kusa na siyang bibitaw.


Malakas na napabuntong hininga si Regulus matapos niyang ihatid si Eloiza sa tinutuluyan nitong Hotel. Nagulat siya no'ng tumawag ito at papauwi sa Pilipinas para dumalaw sa kaniya. Ngayong araw lang sila nagkita ulit. Busy siya sa trabaho nitong nagdaang araw. Sa office na rin siya natulog kahit na gustong-gusto niyang umuwi. At ngayon niya lang nasingit ang pagkikita nila ni Eloiza. At no'ng magkita naman sila ni Eloiza, yung pakiramdam niya para sa babae ay hindi na tulad noon. Parang biglang umiba ang pakiramdam niya para rito. Hindi siya nakaramdam ng excitement.


Napansin din iyon ni Eloiza sa kaniya lalo na no'ng hinalikan niya ito sa labi. Kung dati, matagal pa kung maghalikan sila, ngayon ay smack nalang. Si Regulus din ang agad ang umiiwas. He felt this kind of feeling that something is wrong. Parang may tinatraydor ang puso niya. Hindi niya naman ito nararamdaman noon, ngayon lang.


Umuwi siya sa bahay. Hindi niya alam kung bakit parang excited siyang makita si Vien. Hindi naman siya ganito noon. Binuksan niya ang gate ng bahay. Puro ilaw na ang paligid so he assumed na nandito na si Vien. Binuksan niya naman ang main door ng bahay nila. Dumiretso siya sa salas matapos marinig ang mga boses doon. Bukas pala ang TV habang si Vien ay nakahiga sa couch at pikit na ang mata. Naiwan siguro nito na bukas ang TV.


Napangiti ng bahagya si Regulus. Kinuha niya ang remote ng TV saka ito pinatay.  Hinubad niya na rin ang coat na suot bago itinaas ang long sleeve niya hanggang siko. After that, dahan-dahan niyang binuhat ang asawa pag-akyat sa kuwarto niya.


"Hm? Why are you so heavy, my wife?" he asked her. Kinumutan niya rin ito bago niya hinubad ang suot niyang relo. Sinunod niya ang suot niya long sleeve bago siya pumunta ng banyo para maghugas. Nagpalit na rin siya ng pantulog bago bumaba para kumain.


Binuksan niya ang microwave kung may laman iyon. Nakita niya ang ordered food doon ni Vien. Chiken joy iyon na halos wala ng balat. Tinanggal siguro ni Vien ang balat at iyon lang ang kinain. Napailing na lamang siya bago kumain. After he brushed his teeth, umakyat na siya at pumasok ng kuwarto niya. Iba na ang puwesto ng asawa niya. Yakap na nito ang isang unan.


Iniangat niya ang kumot bago marahang ipinatong ang kamay niya sa tiyan ng asawa para yakapin ito. Minsan niya lang naman mayakap ito. Dinampian niya ito ng saglit na halik ang batok nito bago siya tuluyang matulog.


Nang magising siya ay wala na si Vien sa tabi niya. Lalabas na sana pero nakita niya naman itong nagsusuka. Biglang siyang nataranta. Hinagod niya ang likuran nito habang sumusuka ito. "Wife, are you okay? Nagsusuka ka na naman..." he gently asked her. Hindi siya inimikan ni Vien. Nang magmumog na ito ay nilagpasan lang siya nito dahilan para mapataas ang kilay niya.


"Vien?"


"Vien?" sinusundan niya ito hanggang sa bumaba ito ng second floor. Nagtataka siya sa kinikilos ng asawa niya. "Vien, are you avoiding me?" tanong niya nang makarating sila sa kusina. Nang nilingon siya nito, nakita niya ang salubong na kilay ni Vien.


"Bakit dito ka pa natulog? Pwede namang kay "Babe" mo ka natulog, right? Tinabi mo pa talaga ako sa'yo. Bakit hindi ka ro'n tumabi sa kaniya?" seryosong saad nito. Bakas sa boses nito ang inis. Nagsalubong ang kilay ni Regulus. He give her a 'huh?' look.


"Don't give me that kind of look, Regulus Vallega," madiing sambit nito bago siya tinalikuran.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin