16

961 11 0
                                    

Days went so fast. Kinabukasan na ang balik nina Regulus at Vien sa Manila. Kahit na medyo may pinagbago si Regulus simula noong magtalik sila, hindi pa rin maiwasang magtaka ni Vien.


Hapon na at pareho silang tinatanaw ang sunset na papalubog na. Nakalatag sila sa buhangin at parehong may iniinom na wine. May music ding pinapatugtog si Regulus kaya kapag hindi sila nag-uusap hindi masyadong awkward.


Minsan tama minsan mali..
Umaabante umaatras,
Kilos mong namimintas...


Tumingin si Vien kay Regulus nang mapansin niyang nakatingin ito sa kaniya. "What?" she asked a minute of silence.


Kung tunay nga ang pag ibig mo,
Kaya mo bang isigaw..
Iparating sa mundo..


"You're gorgeous," puna nito. Mahinang natawa si Vien bago umiwas ng tingin. Hindi niya aakalin na sasabihin iyon ni Regulus. Akala niya kung ano lang ang sasabihin nito. Mixed signals talaga ang lalaki sa kaniya.


Tumingin sa aking mata,
Magtapat ng nadarama,
Di gustong ika'y mawala..


"Totoo nga Vien. I'm not joking." seryosong sambit ni Regulus. Tumingin muli si Vien sa asawa niya. Nahuli niya ito na seryosong nakatingin sa kaniya. "Alam mo, matagal na talaga akong maganda." Vien said before flipping her hair. Mahinang natawa si Regulus dahil sa sinabi niya.


Tumingin muli sila sa dagat. It is peaceful. Sana ay ganito din kapayapa ang puso niya kapag umalis na sila rito at bumalik na sa Manila. Matapos non ay ilang segundo silang hindi nag-imikan. Tanging kanta lang ang maingay.


Dahil handa akong ibigin ka,
Kung maging tayo..
Sa'yo lang ang puso ko...


Nagsalin muli si Vien ng wine nang magsalita si Regulus. "Actually, may gusto akong itanong sa'yo Vien." anito. Tumingin muli si Vienna sa gawi ni Regulus.


"Ano yon?"


Huminga ng malalim si Regulus. Gustong gusto niyang tanong kung bakit nito nasabi ang tatlong mga salitang iyon. "Why did you told me "I love you" last time? Bakit Vien? Mahal mo na ba ako?" seryosong tanong ni Regulus sa asawa niya. He badly wants to know why.


Walang ibang tatanggapin,
Ikaw at ikaw parin..


Muntik nang maibuga ni Vien ang iniinom niyang wine. Iniiwasan niya nga na pag-usapan nila iyon dahil natatakot pa siyang pag-usapan nila iyon. She's not yet ready.


May gulo ba sayong isipan?
Di tugma sa nararamdaman,
Kung tunay nga ang pag ibig mo..


Huminga siya ng malalim bago muling tumingin kay Regulus. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. "G-Gusto mo ba talagang malaman?" kinakabahan niyang tanong niya rito. Seryosong tumango si Regulus. "Please, tell me. I know it's a stupid question pero gusto kong alamin dahil baka nasabi mo lang iyon dahil sa nangyari sa atin." anito. 

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now