Chapter Three

3 0 0
                                    

K A D E N C E

“Ang boring!”

I exclaimed then lazily sat on my bed. I glanced at my wall clock, alas dose y media na pala, hindi ko napansin.

Sabado ngayon at wala akong ibang ginawa kundi kumain at matulog lang buong linggo. I don’t have the guts to go outside after what happened a few days ago.

Ikaw ba naman habulin ng mga pato sa harap ng maraming tao? Sinong gaganahang lumabas ng bahay sa ganiyang sitwasyon?

“Wala akong magawa,” nakabusangot kong sambit habang nakatingin sa kawalan. Nakakasawa na rin mag-cellphone. Wala rin naman akong makausap doon, busy sa kaniya-kaniyang mga lovelife mga kaibigan ko.

Edi wow, kayo na.

“Lord, bigyan mo naman po ako ng gagawin,” pakikiusap ko. Feel ko kakainin na ako ng kabugnutan kung wala pa akong gawin ngayong araw.

Nakaraming beses na rin akong naglinis ng kuwarto ko, ultimo alikabok mahihiya na lang pumasok dito sa sobrang ayos na ng kuwarto ko.

Akmang hihiga pa lang sana ako sa higaan para matulog na lang ulit nang biglang bumukas yung pintuan at iniluwa roon si Orion na nakangisi na ngayon sa akin.

Prayers heard, mukhang bibigyan ako ngayon ni Lord ng gagawin...

At mukhang gusto ko na lang din bawiin iyon.

“Naligo ka na?” He asked. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.

“Hindi halata,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Tarantado,” I answered pero he just laughed at me, bwiset! Tarantado nga talaga.

“Samahan mo ako,” he suddenly said then grabbed my arm, nanlaki naman mga mata ko roon.

Halos masapak ko siya nang bigla niya akong hinatak patayo, kala mo manika lang kung makahatak!

“Samahan mo ako sa plaza, Kadence!” He exclaimed like a kid who had just got his candy. Agad ko namang binawi yung braso ko.

“Ayoko,” pagtanggi ko pero inakbayan niya lang ako.

Ang hirap talagang tumanggi sa lalaking ito!

“Dali na, nood ka ng gig namin please?” He pleaded.

Gig?

“Tumutugtog ka pala?” I asked pero pinitik niya noo lang noo ko.

“Grabe, makatanong! Parang hindi pinutol string ng gitara ko last week, ah?” he said, ako naman ngayon ang tumawa.

“Ay, ganoon? Hindi kasi halata,” pagbawi ko sa kaniya. Akala mo ha?

“Talaga ba, Kadence? P*kyu!” Turan niya sa akin. Aba! Minumura na niya ako ngayon?

“P*kyu too!” pagganti ko. Pareho kaming natigilan at sabay na rin tumawa. Mga timang lang.

“Pero seryosong usapan, manood ka mamaya sa gig namin. Pambawi sa nasira mong gitara last week,” saad ni Orion dahilan para kumunot noo ko. Grabe, nasa akin ba bituka niya? Bakit kailangan kong manood sa kaniya mamaya?

Sweet Summer Serenade (Ephemeral Series #1) Where stories live. Discover now