Lumapit ako at tinulungan siya..

"Babe anong nangyari sayo?" sabi ko habang nakatingin ako ng masama kay Vincent

"Hindi ako ang may gawa nyan pare, tinutulungan ko lang siya."

"Okay lang ako Markus.. Napatid lang ako.."

"Bakit kasi di ka nagiingat.. Napakaclumsy mo talga" sambit ko

"Okay lang madulas kasi yung sahig kaya nadulas na rin ako..Hinahabol ko kasi yung oras baka malate ako."

"Mabuti nga at di ka late, Malalate ang prof natin. Halika na umupo na tayo." sabi ko habang inaalalayan siyang umupo.

"Patingin nga ng sugat mo?" sabi ko habang pinapakita nya sa akin.

"Hindi ka ba dinala ni Vincent sa clinic."

"Hindi na...abala ko lang sa kanya. Tsaka daplis lang yan..Magagamot yan mamaya after school."

"Ano ba kasing ginawa mo at ang aga aga mong dumating dito, tapos late ka pa pumasok.. at ito pa ang napala mo..nagkasugat ka tuloy."

"Wag mo na itong isipin basta ang mahalaga okay na ako."

Hindi ko sinabi sa kanya na si Pamela ang may kagagawan nito, kasi pag sinabi ko pa eh mas lalong lumala pa. Kaya pinabayaan ko nalang na akinin ito, sinabihan ko na rin si Vincent about don. Muntik na ngang magkasuntukan itong si Markus at Vincent kanina..nakakaluka sila ahh.

Pag uwi ko sa bahay, nakita agad ni ate ang sugat ko sa paa.

"Oh napaano yang paa mo?" tanong nito

"Wala, nadapa lang..."

"Yan kasi di nagiingat. Ipakita mo yan kay manang ng magamot na" sabi nito tsaka siya umakyat sa taas.

Bigla namang dumating si Manang sa salas at nakita ang sugat ko.

"Ay bata ka anong nangyari jan?"

"Nadapa lang po manang pero okay na ako. Ako na lang po ang bahalang mag gamot nito." sabi ko at tsaka umakyat na rin sa taas.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, hindi ang pag gamot ng sugat ang una kung ginawa kundi ang tignan ang lahat ng papers na nakuha ko sa bodega namin. Lahat ng hawak ni mama na kaso. Hindi ako tumigil sa pagbabasa ng pumasok ang ate ko sa kwarto ko.

"Bunso nakita mo ba.." napatigil siya sa nakita nya.

"Ano yang ginagawa mo?" tanong nito sa akin habang binabasa nito ang mga nasa mesa ko.

"Files ito ni mommy ahh..bakit nasa iyo ito?"

"Tinitignan ko lang ate, at pinag aaralan." sambit ko habang nakayuko, alam ko kasi magagalit siya.

"Diba sabi ko sayo, wag mong ituloy ang pag law mo dahil mapapahamak ka lang."

"Alam ko namn yun ate ehh. Pero gusto ko lang talgang malaman ang katotohan sa pag patay nila kay mommy at daddy."

"Sarado na ang kaso, matagal ng tapos ang lahat, nakamove on na tayo Stacy, ibabalik mo na namn ba ang mga masasamang alalang iyon."

"Bakit ganon ate, gusto ko lang namn mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay nila ahh. Tignan mo ito. Di man lang nila ipinaglaban ang kaso nila mama, basta nalang nilang Binasora ang kaso ng walang ebedensiya."

"Dahil hindi natin kayang kalabanin ang korte. Alam mo namn iyon diba. Kung may Pera ka Oo makakaya mo, pero para sa atin wala tayong laban Stacy, kaya itigil mo na ito. Ibalik mo ang lahat ng yan sa bodega at wag mo ng babalikan pang ungkatin ang lahat." sabi nito at tuluyan ng umalis.

Napabuntong hininga ako.

Gusto ko lang namn malaman ang lahat ehh. Gusto kung hanapin ang taong pumatay sa magulang ko. Gusto kung bigyan sila ng hustisiya masama ba yun.

Niligpit ko na lahat at binalik sa bodega pero hindi pa ito nagtatapos sa pag hahanap ko. Ipagpapatuloy ko itong nasimulan ko. Masosolve ko rin ang kasong ito balang araw. Balang araw mabibigyan na ng hustisya ang magulang ko. Sinusumpa ko yan.

Chapter 20 is UP guys..I will be updating this again...yay 

PLEASE VOTE, Comment and BE FAN salamat po

THE BOY NEXT DOOR Series 1 Xian Lim Where stories live. Discover now